James Yap’s birthday wish is for him and ex-wife Kris Aquino to kiss and make up

"Sana ito na yung start. Siyempre, ito rin naman yung ipinagpe-pray ko palagi, na maging okay na lahat, kasi mahirap yung magkaaway," says James Yap about ex-wife Kris Aquino allowing him to see their son Bimby after more than five months.


Magkahalong sabik at kaba ang nararamdaman ngayon ni James Yap sa nalalapit na pagkikita nilang muli ng anak na si Bimby.

Sa kanyang ika-32 kaarawan sa Sabado, February 15, muling makakapiling ni James ang anak matapos pumayag ang dating asawa niyang si Kris Aquino na makasama ng basketbolista si Bimby at nakatatandang kapatid nitong si Josh.

Saad niya, “Siyempre, hindi maiiwasan yung ilangan.

“Kahit anak mo ‘yon, pero matagal mong hindi nakakasama, may ilangan talaga.

“May ilangan na mangyayari sa darating na Sabado.”

Nakapanayam ng PEP.Ph (Philippine Entertainment Portal) at ibang miyembro ng entertainment press si James sa kanyang business office sa Moto Technik, sa San Juan City, kaninang hapon, February 13.

Ano ang plano ni James sa pagkikita nilang muli ni Bimby?

Sagot niya, “Alam mo, sa totoo, wala talaga.

“Excited lang ako, kasi makakasama ko ang anak ko sa birthday ko mismo.

“So, ‘yon... and bonding, kasi medyo matagal kong hindi nakasama ang anak ko.”

Kahit maiksi lang ang pagkakataong makasama ang kanyang anak, sabi ni James, “Happy na rin ako roon.

“I’m not sure kung ito yung first na makakasama ko yung anak ko sa birthday ko. Siguro, ito yung first.”

Dahil ito ang unang pagkikita nila ng anak sa loob ng limang buwan, hindi raw muna ipakikilala ni James si Bimby sa kanyang Italian girlfriend na si Michela Cazzola.

Katuwiran niya, “Hindi muna, siyempre matagal kong hindi nakasama ang anak ko.

“Solo muna, moment muna naming dalawa.

“Mahirap yung may mga ano… Alam mo ‘yon, baka ma-distract pa yung bata, so kaming tatlo muna."



EXCITED TO SEE JOSH, TOO. Katulad ng pagkasabik sa anak na si Bimby, sabik na rin daw si James na maka-bonding ang panganay na anak ni Kris na si Josh.

Aniya, “Excited lang ako, kasi si Josh, mabait ‘yon.

“Nakasama ko rin ng ilang taon ‘yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Parang lumaki rin sa akin ‘yon ng ilang taon. Talagang excited ako."

Dagdag pa ni James, “Sobrang payat daw niya ngayon.

“Kapag nakikita ako niyan, sasabihin niya, mag-drive kami. Magda-drive kami.”

Read: Kris Aquino okays Bimby-James Yap bonding on her ex-husband’s birthday



IT’S A START. Umaasa si James na umpisa na ang pagpayag ni Kris na makita niyang muli ang anak nilang si Bimby ng pagbabati nila ng dating asawa.

“Sana ito na yung start,” hiling ni James.

“Siyempre, ito rin naman yung ipinagpe-pray ko palagi, na maging okay na lahat, kasi mahirap yung magkaaway.

“May anak kami, e, buti sana kung wala, bahala na.”

Ito na rin daw ang birthday wish ni James para sa sarili: “Sana magkabati. Kung hindi man ngayon, baka in the future.

“Siyempre, lumalaki na rin ang anak namin, nagkakaroon na rin ng isip.

“So, mas nakakahiya sa anak namin kung ang nanay at tatay niya away nang away.”

Biro pa niya, “Baka kami yung paluin niya sa puwet!”

Dagdag pa ni James, “Sana maging okay na lahat kasi mahirap din yung pinagdaanan namin.

"Sobrang mahirap, so sana ito na ‘yon.

Natapos ang halos walong taong pagsasama nina Kris at James noong February 2013 nang maideklang "null and void" ang kasal nila noong July 2005.

Maayos na napag-usapan nina Kris at James ang visitation rights ng huli para kay Bimby.

Subalit nahihirapan ang PBA player na makita ang anak dahil sa Permanent Protection Order (PPO) na hiniling ni Kris laban sa dating asawa.

Nakasaad sa PPO na hindi maaaring lumapit si James kay Kris “at such safe distance but not less than 100 meters and from the residence and employment of petitioner Kris.”

BIRTHDAY WISH FOR KRIS. Bago ang birthday ni James, magdiriwang muna ng kanyang 43rd birthday si Kris bukas, February 14.

Hiningan ng PEP si James ng mensahe para kay Kris.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Matipid niyang sagot, “Happy birthday. Enjoy life lang.”

Ibinalita ng ABS-CBN reporter na si MJ Felipe kay James na may nanliligaw na kay Kris.

Paiwas naman nagbigay ng komento si James.

Ang sabi lang niya, “Good. No comment na ako diyan. Basta enjoy life, masaya siya, okay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN