Protégé finalist Mikoy Morales on the late Roy Alvarez: "Classic role model for an aspiring young actor."

Mikoy Morales says the late Roy Alvarez taught him a lot when it comes to professionalism: “Not directly, of course. Pero alam mo yun, minsan kumo-comment siya na, ‘Ganyan talaga ‘yan, dapat ganito kayo, Pare, dapat gano’n, gano’n.’ Si Tito Roy, makikita mo yung script niya, may folds, may notes and everything. Ganun siya kasipag. Kahit matagal na siyang actor, ganun siya ka-precise sa craft niya.”


Hindi makapaniwala ang Kapuso talent na si Mikoy Morales nang mabalitaan nito ang pagpanaw ng character actor na si Roy Alvarez.

Pumanaw si Roy sa edad na 63, noong Martes, February 11, dahil sa cardiac arrest.

Read: Character actor Roy Alvarez dies after cardiac arrest

Magkasama sina Mikoy at Roy sa ongoing afternoon soap ng GMA, ang Villa Quintana, na pinagbibidahan nina Elmo Magalona at Janine Gutierrez.

Nasa isang show raw si Mikoy nang mabalitaan niya ang pagpanaw ng batikang aktor.

Kuwento ng Protégé finalist, “It was really sobrang hindi ako makapaniwala.

"Kasi nasa show ako nun nung tinext ako ni Juancho [Triviño].

"’Tapos sabi niya, wala na si Tito Roy.

“’Tapos tinawagan ko siya, kinunfirm ko.

"Pagka-confirm ko, sabi niya wala na nga raw talaga.

“E, nasa show ako nun, ’tapos nakita ako ng handler ko na nagbago yung mukha ko or something.”

Hindi akalain ni Mikoy na magiging ganito kabilis ang pagpanaw ni Roy.

Inamin niyang matagal din bago tuluyang mag-sink in sa kanya na wala na nga ang 63-year-old actor.

Saad ni Mikoy, “Sobrang nakakagulat lang na... kasi hindi mo masasabi kung oras mo na, e.

“He was very healthy, he never eat meat. Vegetarian siya.

"Pero biro mo, sa isang ganun, ’di ba? Wala na siya."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Mikoy sa tech bloggers conference na ginanap sa GMA Network kahapon, February 13.

ROLE MODEL. Isa raw si Roy Alvarez sa mga itinuturing na role model ni Mikoy bilang isang aktor dahil na rin sa kababaang loob nito.

Kuwento niya, “It was really sad because Tito Roy was one of the people who made me feel at home sa set.

“Na sometimes, kapag feeling ko na parang… hindi naman kasi maiwasan, e, minsan feeling mo you’re not that relevant.

“Ano kasi si Tito Roy, wala siyang pinipili, e, ‘ito sikat, ito hindi!’ Walang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sobrang lume-level siya sa amin.

"May time na kaming boys, nakapalibot sa kanya, ’tapos nagkukuwento lang siya.”

Bukod dito, marami pang ibang natutunan si Mikoy, lalo na pagdating sa kanilang trabaho bilang artista.

“He made it very light and very comfortable sa set dahil sa kanya. Lalo na with me, Juancho, and Lucho [Ayala].

“He taught about professionalism—not directly, of course.

"Pero alam mo yun, minsan kumo-comment siya na, ‘Ganyan talaga ‘yan, dapat ganito kayo, Pare, dapat gano’n, gano’n.’

“Si Tito Roy, makikita mo yung script niya, may folds, may notes and everything. Ganun siya kasipag.

“Kahit matagal na siyang actor, ganun siya ka-precise sa craft niya.

“Kumbaga, classic role model for an aspiring young actor. Someone who’s worth looking up to.”

Sa ngayon, ayon kay Mikoy, hindi pa ulit nakakabalik sa taping ang buong cast at crew ng Villa Quintana upang maayos din ang kanilang script sa pagkawala ni Roy.



EXPLORING MUSIC. Samantala, pinagsasabay ngayon ni Mikoy ang kanyang pag-aaral at pag-aartista.

First year sa kursong BS Music Business Management si Mikoy sa Meridian International College sa Bonifacio Global City.

Bago sumali sa Protégé, nag-Architecture muna siya sa University of Sto. Tomas.

Matapos ang reality talent show competition, nais nang tahakin ni Mikoy ang paggawa ng musika.

Kaya naman kung bibigyan ng pagkakataon, nais din niyang magkaroon ng sariling album.

Sabi ni Mikoy, “In the future maybe, pero ayoko kasi i-rush, e.

"Like, ‘Gawa ka ng ganitong kanta, release tayo ng ganito.’ Ayoko nun.

“I want my music to be really precise.”

Dagdag pa niya, “I would love that, I mean, ako gagawa ng music, I get to produce it, and I get to sing it as well.

“Pero as of now, I get to exercise my musicality through ano ba… ayun, gumawa ako ng song for Teen Gen, Protégé, gumawa ako ng theme song.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ipinagmalaki rin ng young star ang kanyang magiging kontribusyon sa upcoming film ng GMA Films, ngunit hindi na nito ibinigay ang iba pang detalye ng pelikula.

Kuwento ni Mikoy, “Yung scoring dun and yung CBB, yung iba doon, ako gumawa.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN