PEP EXCLUSIVE. Vhong Navarro’s camp reacts to TPO filed by Deniece Cornejo; says it’s a "ridiculous case"

Nanindigan ang legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga na walang basehan ang pagpa-file ni Deniece Cornejo ng Temporary Protection Order laban sa actor-TV host. Ito ay sa kadahilanang pawang kasinungaling lang umano ang alegasyon ni Deniece na ginahasa siya ni Vhong.

Sabi ng abugada, “All that Deniece has shown so far is her own self-serving allegations na ni-rape siya.

“And now, we all know that it’s


Umalma ang kampo ni Vhong Navarro sa inihaing Temporary Protection Order (TPO) ni Deniece Cornejo laban sa actor-TV host sa Taguig Regional Trial Court (RTC), noong February 4.

Ito ay sa kadahilanang ginamit umano itong rason ng kampo ni Deniece upang ma-postpone ang nakatakdang preliminary investigation sa Department of Justice (DOJ) ngayong araw, February 14.

DELAYING TACTICS? Pahayag ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ukol dito, “Naka-set tayo for hearing dapat sa DOJ, ‘di ba?

"Ang incident is, supposedly, magsa-submit ng counter-affidavit sila Deniece.

“Nag-file sila ng motion to postpone the DOJ hearing, because there’s a hearing in Taguig [RTC] for the issue of TPO.

“The judge set it for hearing at the same date and time on Friday, February 14.

"We asked the court to cancel the hearing. The Taguig RTC refused.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. Mallonga, sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, Huwebes ng gabi, February 13.

Ayon pa sa abugado, kasama ni Deniece ang magkapatid na Cedric at Berniece Lee na humiling na maurong ang pagdinig ng preliminary investigation sa DOJ ngayong araw.

Ganunpaman, ibinasura ng three-member panel of prosecutors ng DOJ ang mosyon ng kampo ni Deniece, kaya’t matutuloy pa rin ang preliminary investigation sa DOJ.

Sabi pa ni Atty. Mallonga, “I suspect that they’ll try to delay DOJ for the preliminary hearing.

"I do not expect them to submit anything to the DOJ. So, made-delay.”

Mayroon na bang sagot si Vhong sa inihaing TPO ni Deniece laban sa kanya?

Sagot ng abugado ng aktor, “The petition was filed last week. It’s really a ridiculous case.

"Meron na kaming finile [filed] na motion to desist, pero hindi pa inaano ng judge. But we will handle it.”

Ayon sa lawphil.net, ang TPO ay isang probisyong nakapaloob sa Anti Violence Against Women and Children Act o R.A. 9262, upang magbigay ng proteksiyon sa babaeng biktima ng pang-aabuso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ibig sabihin, hindi maaaring lapitan ng respondent ng TPO ang petitioner sa bahay o kahit saang lugar na madalas puntahan nito.

Sa TPO na inihain ni Deniece laban kay Vhong, hiniling din umano ng dalaga na magkaroon ng gag order kaugnay ng diumano’y nangyaring panggagahasa sa kanya noong gabi ng January 22.

Hangga’t maaari ay ayaw raw ni Deniece na pag-usapan ang naturang insidente, hindi lang sa media kundi pati na rin sa social networking sites.

Reaksiyon naman dito ni Atty. Mallonga, "But, of course, we cannot prevent media or other people from talking about the case.

"In the first place, Vhong just talked about what was done to him, the crime that was committed to him.

"Sila ang gumawa ng case for a supposed rape."

Samantala, sabay man ang hearing sa Taguig RTC at DOJ, ginarantiya ni Atty. Mallonga na haharapin ng kampo ni Vhong ang lahat ng reklamong kinasasangkutan nito ngayon.



DOJ HEARING. Nakatakdang talakayin sa preliminary investigation ng DOJ ang mga reklamong serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail na inihain ni Vhong laban sa grupo nina Deniece at Cedric Lee.

Sisiyasatin din ang hiwalay na reklamong panggagahasa na inihain ni Deniece laban kay Vhong.

Ngunit iginiit ni Atty. Mallonga na hindi na kinakailangang magsumite ng counter-affidavit si Vhong bilang sagot sa alegasyon ni Deniece.

Ito ay sa kadahilanang sapat na raw na ang testimoniya ni Vhong tungkol sa ginawang panggugulpi sa kanya noong gabi ng January 22 sa loob ng condo unit ni Deniece sa Forbeswood Heights, Taguig City.

“The rape complaint is clearly contradicted by Vhong’s sworn statement about what they did to him.

“So because of that, I don’t see the necessity of filing a second counter-affidavit for Vhong.”

Bukod dito, masayang ibinalita ni Atty. Mallonga na malaki ang maitutulong sa pag-usad ng kaso ni Vhong ang nakalap ng National Bureau of Investigation (NBI) na mga bagong closed-circuit television (CCTV) footage mula sa Forbeswood Heights Condominium.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Una na rito ang CCTV footage noong January 17, kung saan nakunan ang pagbisita ni Vhong sa unit ni Deniece.

Pagkaalis ni Vhong, nakunan din ang pagdating ni Cedric sa condo upang bisitahin ang dalaga.

Isa pang matibay na ebidensiya ang CCTV footage noong January 22, kung saan nakunan si Bernice at dalawang lalaki na dumating sa condo ni Deniece, bago ang naitalang pagbisita ni Vhong.

Bukod dito, nakunan din ng CCTV ang pagbalik ni Bernice at dalawang lalaki, matapos ipa-blotter ng kanilang grupo si Vhong sa Southern Police District.

Read: New CCTV footage shows Cedric Lee and Deniece Cornejo kissing in the elevator after filing blotter report against Vhong Navarro

Pahayag pa ni Atty. Mallonga, “Given all of that, given their insistence that this is a case of saving a damsel in distress, it shows that they’re lying. There’s no more any doubt.

“All that Deniece has shown so far is her own self-serving allegations na ni-rape siya.

“And now, we all know that it’s physically impossible.

"And we also know that Vhong’s account is consistent, credible, and true.”

Sa ngayon, umaasa si Atty. Mallonga na matapos agad ang preliminary investigation upang makapaghain na si Vhong ng pormal na kaso sa korte laban sa grupo nina Deniece at Cedric.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN