Tom Rodriguez cries tears of joy during Liza and Aiza marriage proposal

"Nanonood lang ako, pero tumutulo na rin ang luha ko no’ng time na ‘yon. Tears of joy ‘yon… naiyak ako talaga," kuwento ni Tom Rodriguez nang mapanood niya ang marriage proposal ni Aiza Seguerra sa kasintahang si Liza Diño.


Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Tom Rodriguez matapos na bigyan sila ni Dennis Trillo ng gold record award para sa kanilang TomDen album, nausisa siya tungkol sa kaibigan at dati niyang Be Careful With My Heart co-star na si Aiza Seguerra.

Ayon sa aktor, masaya raw siya sa nangyaring proposal nito kamakailan sa girlfriend na si Liza Diño.

“I was very happy na pinagkatiwalaan ako ni Aiza bilang kaibigan na ma-witness yung napakaespesyal na moment na ‘yon," ani Tom sa panayam sa kanya nung February 9 sa backstage ng SAS (Sunday All Stars).

“I was really, really happy na I was there and… Grabe si Aiza, e.

“Napaka-elaborate ng pagpu-propose niya. Hindi biro yung ginawa niya na nag-set-up siya ng isang malaking production talaga.

“Hindi ko alam kung paano ‘yon mai-describe pero napakaganda talaga.

“At napakasaya ko para sa kanilang dalawa.

"Nanonood lang ako, pero tumutulo na rin ang luha ko no’ng time na ‘yon.

"Tears of joy ‘yon… naiyak ako talaga.

“Kasi, finally… ’Oh, it’s happening!’

“Sa kuwentuhan pa lang namin, sa journey ng love story nila, I’ve been there bilang isa sa supporters nila.

“And I’ll still be here for them, gano’n naman kapag kaibigan, ’di ba?”

Bilib din daw si Tom kay Liza.

“Napakabait niya, very, very sweet talaga, sobrang caring.

"And you could see how much she really loves Aiza. And also how much Aiza loves her. They really love each other so much.”

Isang mensahe nga ang hangad ni Tom na maiparating para kina Aiza at Liza:

“I’m so happy for the two of you. You guys had an amazing journey together.

“You guys just continue on… Being yourself.

"Being true to each other and loving each other truly and unconditionally.

“And nothing can go wrong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

TOMDEN WENT GOLD. Nagpapasalamat naman si Tom at ang ka-tandem niyang si Dennis sa gold record award na ibinigay sa kanila dahil magandang benta ng kanilang TomDen album.

Naganap ang pagbigay ng gold record award sa kanila sa stage ng SAS nung araw ng panayam na ito.

“Nagpapasalamat kami sa mga sumuporta at bumili ng album namin. Kasi sila ang dahilan kung bakit naging gold record ito,” ani Tom.

Ayon naman kay Dennis, umaasa siya na magkakaroon pa sila ni Tom ng bagong album.

“Nasa GMA-7 ‘yon,” aniya. “Kung gusto pa ng mga tao, bakit hindi, ’di ba?”

UNWANING SUPPORT. Ilang buwan na rin ang nakakaraan nang matapos umere ang My Husband’s Lover kung saan nabuo ang TomDen tandem nina Tom at Dennis.

Pero hanggang ngayon ay mainit pa rin ang pagtanggap sa kanila sa mga pagkakataong nagpi-perform sila nang magkasama.

“Sa totoo lang, nakakapagtaka,” ani Dennis.

“Pero masaya kami at lalo kaming ginaganahan kapag nakikita naming excited pa rin sila sa aming dalawa.”

Karagdagang pahayag naman ni Tom, “Halimbawa sa mga mall shows, instant yung nakukuha naming reaksiyon nila, e.

"Maririnig mo talaga kung ano ang nararamdaman nila.

“And sarap ma-feel ‘yon bilang isang performer.

"Ang sarap makita na yung mga kinakantahan mo e nag-i-enjoy.”

Hangga’t may tumatangkilik daw sa TomDen, nandiyan lang daw ang dalawa para patuloy na magbigay ng entertainment sa kanilang mga tagasuporta.

“Basta, abangan na lang nila,” sambit ni Dennis.

“Marami pa silang dapat na abangan. Hindi pa dito magtatapos ang TomDen.

"Masusurpresa na lang kayo lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN