Mayor Joseph Estrada hits back at former aide Ruby Tuason; calls her "loyalist sa pera"

Pinabulaanan ni Mayor Joseph Estrada (right) ang rebelasyon ng whistleblower na si Ruby Tuason (left), kaugnay ng pagdawit nito kay Senator Jinggoy Estrada sa diumano’y maanomalyang paggamit ng PDAF ng mga mambabatas.

Inakusahan din ng alkalde na walang kredibilidad si Tuason, lalo pa’t sangkot na ito sa maanomalyang mga transaksiyon noon sa Malacañang.

Si Tuason ay nanungkulan bilang social secretary ni dating P


“Rehearsed na yung whistleblower na yun, e. Sinundo siya sa Amerika, binayaran at ni-rehearse. Makakarma ‘yang mga ‘yan.”

Ito ang pahayag ni Manila Mayor Joseph "Erap" Estrada tungkol sa testimoniya ni Ruby Tuason, na ibinunyag na makailang beses siyang nag-abot ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) kickback kay Senator Jinggoy Estrada.

Si Senator Estrada ay anak ni Erap.

Dagdag pa ng mayor, wala umanong kredibilidad si Tuason bilang whistleblower dahil halatang gawa-gawa lang ang kuwento nito sa Senate Blue Ribbon Committee hearing ukol sa pork-barrel scam noong Huwebes, February 13.

Read: Ruby Tuason reveals detailed account of her dubious dealings with Senator Jinggoy Estrada

Kaugnay nito, nauna nang tinuligsa ni Senator Estrada ang paraan ng paglalahad ni Tuason tungkol sa diumano’y pakikipagtransaksiyon nila sa itinuturong pork-barrel mastermind na si Janet Lim Napoles.

Ayon sa senador, kapansin-pansin na hindi gaanong makapagbigay ng detalye si Tuason at panay pa ang tanong kay Benhur Luy, ang pangunahing whistleblower na kasama ring humarap sa Senate hearing noong Huwebes.

Matatandaang nabanggit noon ni Tuason na wala siyang ledger o kopya ng mga financial transactions niya kay Napoles at Senator Estrada.

Read: Senator Jinggoy Estrada on Ruby Tuason’s testimony against him: "That is a total lie."

Si Tuason ay nagsilbing social secretary ni Erap noong panahon ng panunungkulan niya bilang Presidente ng bansa mula 1998 hanggang 2001.

Nagtrabaho rin si Tuason bilang chief of staff ni dating Philippine First Lady Loi Ejercito hanggang sa maihalal ito bilang senador mula 2001 hanggang 2007.

Sa report ng 24 Oras kagabi, February 14, nang tanungin si Mayor Estrada tungkol sa pagiging loyal ni Tuason noon sa kanilang pamilya, iginiit ng una na noon pa man ay mas pinahahalagahan ng whistleblower ang pera kaysa pagkakaibigan.

Patutsada pa ng dating Pangulo kay Tuason, “Loyalist lang yun sa pera. Loyal sa pera.

"Lahat yun [Palace’s transactions], kinunan niya ng 30 percent, pati sa catering...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat, siya in-charge dun sa Malacañang, e. Kaya number one commissioner yun.”

Sa huli, pinanindigan ni Mayor Estrada na walang kasalanan ang anak na si Senador Estrada at kayang lampasan nito ang mga problemang kinahaharap nito ngayon.

“Hindi ko na dapat payuhan ang anak ko. He can defend himself.

"Nung impeachment ko, ’di ba, sinampahan [ng plunder case] pati si Jinggoy?

“Nakita mo he was acquitted... Malulusutan ni Jinggoy ’yan.”

Noong September 16, 2013, sinampahan ng Department of Justice (DOJ) at National Bureau of Investigation (NBI) sa Office of The Ombudsman ng kasong plunder sina Senator Estrada, Senator Juan Ponce Enrile, Senator Bong Revilla, at 38 pang indibiduwal.

Ito ay sa kadahilanang tumanggap diumano ng PDAF kickback sina Senator Estrada (P191.58 million), Senator Enrile (P332.7 million), at Senator Revilla (P413.29 million) mula sa mga ghost project ng pekeng non-government organizations (NGOs) na pinamumunuan ni Janet Lim Napoles.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN