Louise delos Reyes misses loveteam with Alden Richards

Louise delos Reyes on missing her longtime loveteam partner Alden Richards: “Oo, nalungkot ako kasi sabay kaming lumaki bilang artista. ’Tapos nasanay na talaga ako na every storycon, si Alden nandiyan, ’tapos guestings namin, as in ginagawa namin lahat. ’Tapos biglang mababago yung sistema na may iba ka na namang pakikisamahan? So siyempre malungkot, malungkot.”


Sa tingin ba ni Louise delos Reyes ay bubuwagin na ang loveteam nila ni Alden Richards?

Si Alden kasi ay leading man na ni Marian Rivera sa Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw at si Louise naman ay kapareha si Aljur Abrenica sa Kambal Sirena na malapit na ring mapanood sa GMA-7.

“Siguro I’m not closing my doors also. Kung magkakabalikan man ulit yung loveteam namin like Aljur and Kris [Bernal], ’di ba?

“For a time nawala sila ’tapos binalik ulit sila. So, baka titingnan muna nila kung nag-mature na kami as an artist ’tapos siguro puwedeng ibalik ulit or hindi.

“Depende pa rin sa management,” panimulang pahayag ni Louise nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa premiere night ng pelikulang Basement sa Podium, Ortigas Center noong February 9.

MISSES LOVETEAM WITH ALDEN. Inamin naman ni Louise na ikinalungkot niya na hindi na sila magkapareha ni Alden.

“Oo, nalungkot ako. Kasi sabay kaming lumaki bilang artista.

"’Tapos nasanay na talaga ako na every storycon, si Alden nandiyan, ’tapos guestings namin, as in ginagawa namin lahat.

“’Tapos biglang mababago yung sistema na may iba ka na namang pakikisamahan?

"So siyempre malungkot, malungkot.

“’Tsaka ang kulit-kulit kasi ni Alden, e. Nakaka-miss yung kakulitan niya,” pag-amin pa niya.

SWIMMING. At dahil sirena si Louise sa Kambal Sirena, wala bang pagbabawal ang boyfriend niyang si Enzo Pineda sa mga eksenang halos kita ang kanyang dibdib habang lumalangoy? Na baka aksidenteng matanggal ang nakatakip sa boobs niya?

“Siya, mas concern niya ako. Mas tinututukan niya ako sa pagdyi-gym ko para ma-maintain ko yung figure.

“Pero kung mga ganun-ganun, may [wardrobe] malfunction, ang sabi niya mag-ingat lang daw ako.

“Pero ang focus niya talaga, magpaseksi ako, yung diet, yung kinakain ko, iyon po,” dagdag pa ni Louise.

Marunong naman daw talagang lumangoy si Louise.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Marunong akong lumangoy nang konti, yung kaya ng height ko yung lalim.

"Pero kapag six feet na, medyo struggle na ako nun.

“Ano ako, e. Mas nauna po akong natutong mag-dive.

"Nag-diving lessons muna ako before ako nag-swimming lessons,” kuwento pa niya.

PLOT. Sa Kambal Sirena, bestfriend ng karakter ni Mike Tan ang taong Louise, at ang taong Louise naman ay iibig sa karakter ni Aljur Abrenica, na iibig naman sa karakter na sirena ni Louise.

Aniya, “Dugtung-dugtong yung mga characters namin.”

Nahirapan ba si Louise na mag-portray ng dual role?

Sabi niya, “Noong una po, nung kina-characterize ko yung mga characters ko, kunyari kung ano yung mannerisms niya, kung paano siya tatawa, ganun, nahihirapan ako.

“Pero ngayon na nasasanay na ako na minsan parang su-switch-switch ako. Okey na naman po sa akin.

“Kailangan lang na maging comfortable ’tsaka clear sa iyo kung sino yung pinu-portray mo at kung ano yung nilagay kong background sa mga characters.

“At saka nandiyan naman sina Direk Dondon Santos para i-guide ako na, ‘Uy, hindi na si Ano ’yan. Uy, hindi na ganito ’yan.’”

Ikinatuwa ba niya na sa bago niyang drama series ay maganda na siya?

Sa Mundo Mo’y Akin dati ay isang babaeng pangit ang role ni Louise.

“Opo,” at natawa si Louise.

“Kasi parang ako kasi, ako yung tipikal na babae na mahilig mag-ayos, mahilig maging maganda sa harap ng mga tao.

"So ibang ano naman, ibang pagpu-portray naman ito ng character na excited ako.

“’Tsaka ano kasi ang sirena, ’di ba para silang epitome ng sexiness, ng innocent-looking na babae? Pero alam mo yung parang, ang ganda niya, ang ganda-ganda niya?”

READY FOR FHM? Ngayon bang sirena siya ay magiging mas daring na siya?

Papayag na ba siyang maging cover girl ng FHM?

“Hindi pa rin,” pakli niya.

Kahit para sa promo ng Kambal Sirena? O para mas mapag-usapan siya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siguro depende sa lay-out, depende pa rin sa lay-out.

“Depende sa [GMA] Artist Center.”

“Kung papayag sila, why not?

"Depende sa lay-out,” pangwakas niyang pahayag.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN