Two Filipino-Americans make it to American Idol Season 13 Top 30

Kung papalarin sina Marrialle Sellars (left) at Malaya Watson (right) na makapasok sa final round ng American Idol, kabilang na sila sa listahan ng Fil-Americans na nagpakita ng kanilang husay sa pag-awit sa American Idol stage ’tulad nina Jasmine Trias and Camille Velasco (Season 3), Ramielle Malubay (Season 7), Thia Megia (Season 10), at Jessica Sanchez (Season 11).


Dalawang Filipino-American contestants ang nakapasa para maging bahagi ng Top 30 ng American Idol Season 13.

Ito ay sina Malaya Watson at Marrialle Sellars, na kapwa pumasa sa kanilang auditions sa Detroit, Michigan, noong July 2013.

Si Malaya ay 16-year old at taga-Southfield, Michigan. Galing siya sa pamilya ng mga musikero at bihasa siya sa pagtugtog ng violin, piano, at tuba.

Na-impress sa kanya ang American Idol judges na sina Keith Urban, Jennifer Lopez, at Harry Connick Jr. sa audition piece niya na “Ain’t No Way” ni Aretha Franklin.

Nasundan pa ito ng pag-awit niya ng “Brand New Me” ni Alicia Keys habang tumutugtog ng piano.

Sa group round naman ay nakasama niya ang iba pang American Idol hopefuls na sina Christina Collins, Olivia Diamond, at Queen Bulls sa awitin ng Jackson 5 na “I Want You Back.”

Pero sa Hollywood Round Top 30 Reveal, namangha ang judges dahil sa rendition ni Malaya ng “I Believe” ng AI season 3 winner na si Fantasia Barrino.

Kinorek pa nga ni Malaya si Connick sa tamang pagbigkas ng kanyang pangalan, na sa Ingles ay nangangahulugang “freedom.”

Sagot naman ni Connick, “I’m glad that you reminded me of the pronunciation of your name because that name has great potential to be a star at some point.

“You’re going to be on the Top 15. Congratulations, we look forward to seeing you grow.”

Si Marrialle naman ay 17-year-old na taga-Indianapolis, Indiana.

Nagustuhan siya ng American Idol judges dahil sa acoustic version niya ng “Grenade” ni Bruno Mars.

Nasabi pa ni Connick sa kanya: “You are going to be a nightmare for the other competitors.”

Pero malaking pagsubok naman ang inabot ni Marrialle during the Hollywood rounds.

Hindi na-impress ang judges sa kanyang rendition ng “Wrecking Ball” ni Miley Cyrus. Isang “train wreck” diumano ang kanyang performance.

Pero kahit na may mga inconsistent performances si Marrialle noong linggong iyon, hindi nila maiaalis na very talented ito at karapat-dapat na makapasok sa Top 30.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung papalarin sina Malaya at Marrialle na makapasok sa final round ng American Idol, kabilang na sila sa listahan ng Fil-Americans na nagpakita ng kanilang husay sa pag-awit sa American Idol stage, ’tulad nila Jasmine Trias at Camille Velasco (Season 3), Ramielle Malubay (Season 7), Thia Megia (Season 10), at Jessica Sanchez (Season 11).

Ang iba pang contestants na makakasama nina Malaya at Marrialle sa Top 30 ay sina: Jena Ascuitto, Andrina Brogden, Kenzie Hall, Jillian Jensen, Bria Anai Johnson, Jessica Meuse, MK Nobilette, Brandy Neeley, Brianna Oakley, Kristen O’Connor, Emily Piriz, Austin Wolfe, at Majesty Rose York sa mga babae.

Sa mga lalaki naman ay sina Malcolm Allen, Ben Briley, Jordan Brisbane, CJ Harris, Ethan Harris, Caleb Johnson, Spencer Lloyd, George Lovett, Briston Maroney, Alex Preston, Dexter Roberts, Neco Starr, Casey Thraser, Maurice Townsend, Sam Woolf, at Emmanuel Zidor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN