Karylle confirms Kim Atienza as one of her wedding sponsors

Karylle on Showtime co-host Kim Atienza: “He’s somebody na nakasama ko talaga for a long time in this show. Talagang nakakasama ko rin out of the show. I see how great he is as a family man, I see how he much loves his family, so yung guidance niya talaga palagi kong hinahanap-hanap.”


Dalawang Sabado na ang nakararaan mula nang ianunsiyo ni Karylle sa It’s Showtime na mauuwi na sa kasalan ang mahigit tatlong taong relasyon nila ng boyfriend niyang si Yael Yuzon, lead singer ng Spongecola.

Bagamat noong nakaraang taon pa napabalita ang “engagement” ng dalawa, hindi naman ito makumpirma dahil laging tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa isyu.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Karylle noong Miyerkules, February 12, sa set ng It’s Showtime, tinanong namin kung ano ang pakiramdam niya sa nalalapit na pagpapakasal.

Ayon sa panganay na anak ni Zsa Zsa Padilla, “I feel very blessed. Siguro no words can express this happiness.”

Bakit siya nagdesisyong magbigay ng kanyang pormal na anunsiyo sa It’s Showtime tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nila ni Yael, gayong kahit kailan ay hindi naman nila inamin ang kanilang relasyon?

Sagot ni Karylle, “Siguro kasi it’s a Catholic wedding, mayroon ding lalabas na marriage plans and idea ni Direk Bobet [Vidanes, It’s Showtime director].

“Sabi niya, siyempre proud siya, and he’s happy for us.

"Basta this March na."

KIM ATIENZA AS NINONG. Kumpirma rin ni Karylle na ang isa sa mga kasamahan niya sa noontime show na si Kim Atienza ay ninong sa kasal nila ni Yael.

Sabi niya, “He’s somebody na nakasama ko talaga for a long time in this show. Talagang nakakasama ko rin out of the show.

“I see how great he is as a family man, I see how he much loves his family, so yung guidance niya talaga palagi kong hinahanap-hanap,” papuri pa ni Karylle kay Kuya Kim.

MUM ON PARENTS’ REACTIONS. Nang tanungin namin kung ano ang reaksiyon ng mga magulang niya tungkol sa nalalapit niyang pagpapakasal ay tumangging magbigay ng pahayag si Karylle.

“Sila na lang ang tanungin niyo. Ang Dad ko is a very private person,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN