Joyce Ching evades question about getting jealous of Kristoffer Martin-Julie Anne San Jose loveteam

Joyce Ching admits to being thrilled by Kristoffer Martin and Kim Rodriguez loveteam in Paraiso Ko’y Ikaw: “Siguro po kasi kilala ko po kasi si Kristoffer at si Kim off-cam kaya pag on-cam, parang kinikilig ako sa kanila. Opo, nakakakilig po yung Paraiso Ko’y Ikaw, promise!”


Sa isang panayam kamakailan, sinabi ni Kristoffer Martin na hindi niya inaalis sa isip niya ang posibilidad na magkabalikan sila ng ex-girlfriend niyang si Joyce Ching.

Ano naman ang reaksiyon ni Joyce dito?

Sagot ng Kapuso young actress, “A, hindi ko po sigurado.

"Ayoko rin po kasing magsalita nang tapos kasi baka mamaya, pagkakainin ko lang lahat ng sinabi ko.

“Pero hindi po ako nagsasara ng doors sa posssibility na, iyon nga, magkakabalikan.

"Pero right now po, mas focused kami sa trabaho.

"Parang huwag munang masyadong lovelife, ganun."

Tungkol naman sa pagkaka-bad trip ni Kristoffer sa isyung ang young actor diumano ang nakipag-break sinabi ni Joyce na karapatan iyon ng dating kasintahan.

“Sa akin po, kung na-bad trip siya, right niya naman yun na ma-bad-trip.

"E, emosyon niya naman po iyon. Hindi ko naman kontrolado kung anuman yung mararamdaman niya.

“Basta po napag-usapan na rin po namin nung lumabas yung isyu na ’yan, e.

"Basta wala, e, na-bad-trip siya, e!” tawa niya.

CHANGING PARTNERS. Sa trabaho, masasabing nagpalit sina Joyce at Kristoffer.

Magkapareha kasi sina Kristoffer at Kim Rodriguez sa drama series ng GMA na Paraiso Ko’y Ikaw, habang sina Joyce at Hiro Peralta naman ang magkapareha sa indie film na Sitio Camcam ng BG Productions International.

Na-link dati sina Kim at Hiro at hanggang ngayon ay napapabalitang madalas lumabas, pero ayon sa dalawa ay magkaibigan lamang sila.

Ano ang masasabi ni Joyce sa changing partners na set-up nila? Hindi ba awkward iyon?

Sagot niya, “A, hindi naman po, wala naman pong problema kasi nagkasama na kaming tatlo [Joyce, Kim, at Kristoffer] sa Tween Hearts.


"So, kung pagbi-build lang ng relationship e friends na naman talaga kami."

Wala raw siya kahit na kaunting selos kay Kim.

“Wala po. Dyusko, kumare ko po si Kim! Kumare!” at tumawa si Joyce.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa niya, “Wala pong pagseselos, hindi naman na po kami [ni Kristoffer].”

Ayon pa nga kay Joyce, kinikilig siya kapag napapanood niya ang mga sweet na eksena nina Kristoffer at Kim sa Paraiso Ko’y Ikaw.

“Siguro po kasi kilala ko po kasi si Kristoffer at si Kim off-cam kaya pag on-cam, parang kinikilig ako sa kanila.

“Opo, nakakakilig po yung Paraiso Ko’y Ikaw, promise!”

NOT JEALOUS OF JULIE ANNE. Mas nagselos ba siya kay Julie Anne San Jose dati?

Nagkapareha sina Kristoffer at Julie Anne sa Kahit Nasaan Ka Man noong nakaraang taon.

“Ay, tanungin niyo na lang po siya diyan!” at tumawa si Joyce.

So, nagselos nga siya kay Julie Anne?

“Nung mga panahon po kasi na... before po kasi na umere yung Kahit Nasaan Ka Man, wala na kami, so ’yon,” sabi niya.

So, hindi sa pagtatambal nina Kristoffer at Julie Anne nagsimula ang kanilang paghihiwalay?

“Basta po before umere, wala na po kami, basta ’yon po.”



GOOD WORKING RELATIONSHIP WITH KIM. Kahit ngayong magkasama sila ni Kristoffer sa Paraiso Ko’y Ikaw, kung saan gumaganap si Joyce bilang kontrabida kay Kim, wala raw silang problema at maayos ang kanilang working relationship na tatlo.

Ayon kay Joyce, “Kasi po, ano kami para kasing... dati kasi best friends kami nagsimula.

"So, wala, kumportable pa rin naman po kami sa isa’t isa.

“Siguro nung unang-unang beses lang na nagkasama kami ulit, iyon yung pinaka-awkward talaga.

"Pero after nun, wala na."

Dahil lagi silang nagkakasama ni Kristoffer sa trabaho, wala bang effort sa pagitan nila na magkabalikan sila?

Sabi ni Joyce, “Yung effort po sa isa’t isa, siguro wala lang yung mga date-date na ganyan, yung mga labas-labas.

"Pero kung paano naman po kami magturingan noon, ganun pa rin naman ngayon.

"Except lang siyempre sa mga holding hands, mga ganun-ganun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nanliligaw ba ulit sa kanya si Kristoffer?

“Hindi po,” diin niya.

Kapag niligawan siya ulit ni Kristoffer, sasagutin niya ba ito?

“Hindi ko pa po alam. Depende po sa panliligaw,” sabi niya.

Galit ba ang mga magulang niya kay Kristoffer?

Sagot ni Joyce, “Hindi naman po galit, okay naman sila, friends naman din sila ni Kristoffer.

"Pero siyempre po, bilang magulang, may hurt din sila, may pain din sila para sa naramdaman ko,” dagdag pa niya.

KRISTOFFER’S SEXY PHOTOS. May sexy photos si Kristoffer para sa promo ng Paraiso Ko’y Ikaw; ano ang naging reaksyon ni Joyce nang makita niya ang shirtless photos ng kanyang ex-boyfriend?

“Wala po. E, kasi, na-shock po ako kasi akala ko parang hinarang ng [GMA] Artist Center na huwag i-release.

“’Tapos biglang, ‘Ay, ni-release!’

“Yun lang po siguro yung nagulat lang ako na akala ko hindi lalabas, pero inilabas,” pahayag niya.

Naseseksihan ba si Joyce kay Kristoffer?

Mabilis niyang pagsang-ayon, “Oo naman po! Pinagtrabahuhan naman niya yung katawan niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN