Rachelle Ann Go confirms Valentine’s date with Slater Young: “We went out, period!”

Rachelle Ann Go reveals how she spent Valentine’s Day with rumored suitor Slater Young: “Simple lang. Nag-dinner lang kami with his friends. Gano’n lang. Tapos may ibinigay siyang regalo na… isang gadget. Hindi ko na lang sasabihin kung ano. Secret!”


Nabungaran ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) habang kausap ni Rachelle Ann Go ang ex-boyfriend niyang si Christian Bautista sa gilid ng hallway ng bagong building ng GMA Network kaninang hapon, Linggo, February 16.

Ito ay habang hinihintay nila ang susunod na gap ng Sunday All Stars (SAS) kung saan sasalang ulit sila.

Sabi ni Rachelle nang usisain namin tungkol dito, “Pinag-uusapan namin yung mga nangyari sa show kanina.

“So, wala yun, kasi ang pinag-uusapan namin, trabaho.”

Nakatutuwang makita kung paano sila mag-usap. Naroon pa rin yung closeness nila na para bang posible pa ngang madugtungan yung dati nilang naging relasyon.

“Ay, may ganun?” napatiling reaksiyon ng singer.

SLATER YOUNG. Kung sabagay, napapabalitang may masugid na nanliligaw sa kanya ngayon—ang Pinoy Big Brother: Unlimited Big Winner na si Slater Young.

Ano na nga ba ang status ng samahan nila nito?

Natatawang sagot ni Rachelle, “We’re dating!

“We’re going out.

“Masaya naman kaming dalawa. Sobra kaming nag-e-enjoy.”

May balita pang susunod daw ito sa kanya sa London para mapanood siya sa Miss Saigon. Totoo ba ito?

“I don’t know... sabi niya.

“Tingnan natin kung talagang makakapunta,” tugon niya.

Pogi plus points ba ito kay Slater kung makakasunod ito sa kanya sa London?

“Well, kahit sino naman puwedeng pumunta doon, e, ’di ba?

“Pero kung halimbawa nga, siya ang susunod doon, makikita mo yung sincerity.

“’Di ba, doon mati-test yun kung faithful ang isang tao,” sabi niya.

Paano halimbawa kung mag-stay nang matagal si Slater sa London habang nandoon siya?

“OA!” tawa na naman ni Rachelle.

“OA naman. Alam mo, mahirap namang… ’di ba?

"Hangga’t hindi nangyayari, wala rin naman akong mairi-react.

“So, let’s see when I get there.”

VALENTINE’S DAY DATE. For sure, sila ang magka-date nitong nakaraang Valentine’s Day?

“We went out, period!” natatawang pag-amin ni Rachelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano siya pinasaya ni Slater noong Araw ng mga Puso?

“Simple lang. Nag-dinner lang kami with his friends. Gano’n lang.

“’Tapos may ibinigay siyang regalo na… isang gadget.

“Hindi ko na lang sasabihin kung ano, secret!”

Kapansin-pansin na may kilig na hatid kay Rachelle Ann kapag si Slater na ang naitatanong sa kanya.

Si Slater ba ang isa sa dahilan kung bakit mas inspired siya ngayon?

Sagot niya, “Well, siguro kasama na nga ‘yon.

"Pero ayokong masyado siyang hina-hype at pinag-uusapan.

“Kasi wala pa naman, ’di ba? At saka aalis ako, e.

“Pagbalik ko siguro, baka… tingnan natin.

"Matagal-tagal din akong mawawala kasi fourteen months akong mag-i-stay sa London.”

Kailan ba ang alis niya patungong London?

“Wala pa pong specific date. Pero feeling ko, mga last week of February or first week of March,” estima niya.

Handang-handa na ba siyang gumanap bilang si Gigi sa Miss Saigon?

Tugon ni Rachelle, “Wala pong choice kundi maging ready, ’di ba?

“Pero let’s see what will happen when I get there. Yun na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN