Lovi Poe excited to join Maricel Soriano and Dingdong Dantes in new drama series

Sang-ayon daw si Lovi Poe sa gusto ni Maricel Soriano na laging ready dapat sa eksena ang co-actors nito. Sabi ng Kapuso actress, “I think all actors should be like that.” Aminado rin si Lovi na may kaba siya sa bago niyang teleserye na kasama sina Maricel at Dingdong Dantes. Aniya, "Kahit na sino yung kasama ko... it never goes away—yung kaba at ilang.”


Excited daw si Lovi Poe sa gagawin niyang bagong primetime series sa GMA Network na may working title na Dalawang Mrs. Real.

Makakasama niya rito sina Dingdong Dantes at Maricel Soriano.

MARICEL SORIANO. Dati nang nakasama ni Lovi si Maricel sa pelikulang Yesterday, Today, Tomorrow (2011), pero hindi sila nagkaroon ng eksena together.

Kinakabahan ba siya sa pagsasama nila ni Maricel sa isang teleserye, kung saan magkakaroon sila ng maraming eksena na magkasama?

“Of course!" mabilis na sagot ni Lovi.

Saad pa niya, “I mean, she’s like one of the actresses that I really look up to.

“Si Ms. Maricel Soriano can make you cry and laugh at the same time.

“So, parang the pressure is there.

"And the excitement na yung pakiramdam na makaeksena mo lang siya.”

May tatak si Maricel bilang "Taray Queen." Pero sa paniwala ni Lovi ay image lang ang sinasabing katarayan nito.

Aniya, “I don’t think so. When I met her naman, she’s very very nice.”

Hindi pa rin daw alam ni Lovi kung may mga eksenang tarayan sila ng Diamond Star dahil hindi pa sila nagmi-meeting tungkol dito.

Ang alam daw niya ay "ibang klaseng story ito, it’s not the usual."

Alam rin daw ni Lovi na kilala si Maricel sa pagiging punctual at professional bilang isang artista.

Gusto rin ng beteranang aktres na laging handa sa eksena ang mga kasamahan nito, at sang-ayon naman dito si Lovi.

“I think all actors should be like that.”

DINGDONG DANTES. Si Dingdong naman ay nakapareha na ni Lovi sa horror-comedy film na Tiktik: The Aswang Chronicles (2012).

Ngunit ito ang unang pagkakataon na magkakasama sila sa isang soap.

Wala na bang kaba o pagkailang si Lovi sa pakikipagtrabaho sa Kapuso Primetime King?

Sagot ng aktres, “Well, I always have that naman, e, kahit na sino ‘yong kasama ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And it never goes away—yung kaba at ilang.”

SECOND CHOICE? Balitang si Carla Abellana diumano ang first choice na makasama nina Dingdong at Maricel sa upcoming primetime series na ito ng GMA. Pero tinanggihan daw ng aktres kaya napunta kay Lovi.

Ano ang reaksiyon dito ni Lovi?

“I don’t know,” matipid niyang sabi.

“For me naman, it doesn’t matter kung second choice ako.

“Kasi lahat naman kami dito, we’re doing our jobs.

"Kung ano yung ibinigay sa amin, iyon ang tatanggapin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN