PEP EXCLUSIVE. Rex Smith camp disputes claims of Charice camp about Cebu incident

Ayon sa kampo ng American singer na si Rex Smith, totoong nagkaroon ng taasan ng boses sa sound check nila para sa isang corporate show nito sa Cebu sa pamamagitan ng musical director ni Charice. Pero mariin nilang pinabulaanan na naroon si Charice sa venue nang mangyari ang gulo.


Pinabulaanan ng kampo ng American singer na si Rex Smith na minura nito ang Pinay international singer na si Charice sa rehearsal ng isang corporate show sa Cebu noong nakaraang linggo.

Ayon sa mga naunang ulat, nangyari diumano ang insidente noong February 11, sa Radisson Blu Hotel, sa Cebu City, habang nagsa-soundcheck daw si Charice para sa isang show kinagabihan.

Sabi ng musical director ni Charice na si Troy Laureta sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong February 12, “It happened during soundcheck.”

Ipinatigil daw ni Rex ang kanilang soundcheck dahil daw sa hindi malamang kadahilanan.

Dito na raw nagkaroon ng sigawan.

Ayon pa sa ibang ulat, nagpalitan ng hindi magagandang salita ang magkabilang kampo.

Ang American singer-actor na si Rex Smith, 58, ang nagpasikat ng mga love songs na “Simply Jessie,” “You Take My Breath Away,” “Never Gonna Give You Up,” “Love Will Always Make You Cry,” at “Everlasting Love.”

Read: PEP EXCLUSIVE. Charice’s camp demands apology from American singer Rex Smith for allegedly disrespecting Pinay singer



A CASE OF MISUNDERSTANDING. February 13, naglabas naman ng official statement ang kampo ni Rex sa pamamagitan ng Facebook page ng Ovation Productions, ang kumpanyang namahala ng corporate show ng American singer sa Cebu.

Ayon sa naturang statement, nagkaroon lang daw ng hindi pagkakaintindihan ang magkabilang kampo kaya nangyari ang insidente.

“It was a case of misunderstanding.

"After lunch at Radisson Hotel in Cebu, Rex Smith decided to drop by the ballroom just to take a quick look at where he will be performing in the evening.

“He was not even aware that there will be another act featured before him… which was Charice. It was a corporate event.

“Upon entering the backstage, he went straight to the stage and made a comment about the set-up. He thought it was his set-up.

"’GET THE FUCK OFF MY STAGE!’ He was suddenly shouted at by this guy who turned out to be Charice’s Fil-Am musical director.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“We were all shocked!

"It was only then that we realized Charice was having a sound check.

"What Charice’s MD did was very un-Filipino. He should have said it in a nicer way.

“Rex would not have gone on stage if he knew someone else was having having a sound check.

"Rex loves Filipinos immensely and Filipinos love him back.

"Renen de Guia of Ovation Productions went to Charice and her group to sincerely apologize about the incident that they really didn’t know that she was doing a soundcheck.”


CHARICE WAS NOT THERE. Sabado ng umaga, February 15, may isang source ang PEP na nagpadala ng mensahe tungkol sa nangyari sa naturang event.

Salaysay ng source, “That day in Cebu, Rex Smith and Danee Samonte [promoter of Rex and owner of Steve O’Neal Productions] entered the venue for the sound check of Rex for the show later on.

“When Rex started coordinating with the technician, someone from the side of the stage suddenly shouted: ’Get off my stage!’

"It was so loud and came out of nowhere that everyone including Rex was taken aback.

“Eventually it was figured out that it was the musical director of Charice.

"Rex shouted back at him not knowing who he is.

"When this musical director started cursing, Rex cursed back.

“Danee decided to ask his artist liaison officer to take Rex back to his hotel room.

"Charice was not there during the whole incident.

"She was seen later on, on her way to the venue perhaps for her rehearsal with her whole entourage.

“Maybe nasa side ng stage.

"By the time she came out on stage, Rex was no longer there.

"They did not see each other.

"It was only Danee who was there. He apologized to everyone present [there were other production people and promoters there] if anyone was inconvenienced by the incident and left the venue.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It was actually the musical director who got into a heated thing with Rex. He’s a Fil-Am.


“A PERFECT GENTLEMAN.” Kaninang hapon, February 17, eksklusibo namang nakausap ng PEP sa pamamagitan ng telepono si Mr. Danee Samonte, ang Asia manager ni Rex.

Ibinigay ni Danee ang kanilang panig sa nangyaring insidente.

Saad niya, sinabihan sila ng technical crew na may problema sa settings ng drums kaya nagpunta ang singer kasama nito sa venue.

Nang dumating sila sa backstage, may nakita raw silang isang tao na nag-a-adjust ng keyboard na inakala nila ay bahagi ng technical staff.

Sinabi raw ni Rex kay Danee kung puwede niyang makausap ang technical crew para maayos ang problema.

Bigla na lamang daw sumigaw ang isang tao na: “You’re disturbing our soundcheck. Get off my stage!”

Nag-init din daw ang ulo ng American singer kaya nagkaroon ng argumento.

Pero bago lumala ang sitwasyon, hinila na raw ni Danee si Rex pabalik sa hotel room nito.

Akala rin daw ni Danee, isa sa mga organizer ang nanigaw dahil sa sinabi nitong "Get off my stage!"

Yun pala ay ito ang musical director ni Charice na si Troy.

Humingi raw si Danee ng paumanhin sa lahat ng mga nandoon, kabilang na si Troy sa pag-aakalang isa ito sa mga namumuno ng show.

Kilala naman daw ni Danee si Charice kaya kung nakita nila ang singer na nasa stage, hindi naman daw sila mag-i-insist na mag-soundcheck o inspeksiyunin ang sound system.

Ayon pa kay Danee, “My point is, nag-apologize na nga kami dun sa ano… kasi nag-intrude na nga kami dun sa soundcheck nila.

"Ewan ko kung bakit iniiba nila yung istorya.

"I don’t know kung ano yung reasons, that’s the bottomline.

“You can ask everyone who was present at that soundcheck.”

Sabi ni Danee, nasaktan si Rex sa mga kumakalat na balita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Aniya, “Siyempre naman Rex is very disappointed.

"Rex is a perfect gentleman.

"He would never shout at a lady. Hindi siya manggaganun.”

Sampung taon na raw mina-manage ni Danee ang career ni Rex sa Pilipinas.

Nakahingi na raw sila ng pamunahin sa panghihimasok nila sa naunang soundcheck ng grupo ni Charice. Ngunit hindi raw sila humingi ng paumanhin sa Pinay singer.

Paliwanag ni Danee, “I’ve extended my apologies for intruding their soundcheck, but hindi kami nanghihingi ng apology kay Charice ‘coz she wasn’t there.

“And Rex maintains his silence, he’s very silent, although he was very disappointed bakit na-drag ang pangalan ni Charice dun.

"Hindi siya kumibo, making him a perfect gentleman.

"And besides, hindi naman kami pumapatol sa ganun.

“I mean, if they want to muddle the truth, bahala sila.

"Basta, that’s the story. Wala si Charice dun.

"The bottomline is, yes, there’s an argument with the musical director, but Charice was never on stage.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN