Lovi Poe still evasive about status of relationship with Rocco Nacino: “Mahirap kasing pag-usapan ‘yan, we’ll see na lang.”

Lovi Poe on Rocco Nacino: “Well, Rocco is really sweet. And I’m very thankful na very maalaga siya. He’s very funny, he makes me laugh all the time, which is good. I feel so much better when someone is there trying to make me laugh.”


Noong February 11, Martes, ang 25th birthday ni Lovi Poe.

Noong araw ring iyon bumalik ng Pilipinas ang aktres mula sa ilang araw na bakasyon sa Poland.

“Nag-celebrate ako sa plane!” natatawang bungad ni Lovi nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entetainment Poirtal) pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) kahapon, Linggo, February 16.

Dagdag pa niya, “I came from Poland.

"My uncle got married kasi there... so I had to be there, and I sang also sa wedding niya.

“I was there for a while, nag-ikot-ikot lang.

“I met up with my sister, then she flew to London din afterwards.

“She’s still in Europe now, having the time of her life. Vacation siya.”

BIRTHDAY GIFT. Sa hiwalay na panayam ng PEP kay Rocco, sinabi nitong may surprise birthday gift siya kay Lovi nang dumating ang aktres mula sa Poland.

Pero tumanggi ang aktor na sabihin kung ano ito.

Read: Rocco Nacino surprises Lovi Poe on her 25th birthday

Kaya si Lovi na lang ang tinanong namin kung anong regalo ang tinutukoy ni Rocco.

Sabi niya, “I got this parang specially-made couch sa car ko para kumportable raw ako sa taping.

“Puwede siyang gawing bed.

"Of course na-surprise ako na pagsundo niya sa akin sa airport, I saw it.

“Nakauwi ako mga 11 p.m., and may ginawa nga sa akin na surprise, na parang gathering si Rocco with my closest friends.

“Sweet!”

Nitong nakaraang Valentine’s Day naman, sa isang restaurant daw siya dinala ni Rocco.

“We had a simple dinner lang… happy naman,” sambit niya.



COURTING STAGE. Nasaang stage na ba ngayon ang relasyon nila ni Rocco?

Sagot ni Lovi, “It’s still… I don’t wanna say anything about it yet, parang it’s good enough that we’re getting along so well muna.

“We’re not yet, like… kumbaga, nasa ligawan stage pa lang kami.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Parang matagal na yung ligawan stage nila—mula pa noong nagkasama sila sa Yesterday’s Bride hanggang sa pinakahuling pinagtambalan nilang seryeng Akin Pa Rin Ang Bukas.

Ano ba ang nakakahadlang para officially ay maging sila na nga? May kulang pa ba sa mga ginagawa ni Rocco para sagutin na niya ito?

Sabi ni Lovi, “Well, Rocco is really sweet.

"And I’m very thankful na very maalaga siya.

“He’s very funny, he makes me laugh all the time, which is good.

“I feel so much better when someone is there trying to make me laugh.”



"IT’S ABOUT ME." Kinikilatis pa rin ba niya si Rocco kung talagang sincere nga ito sa panliligaw sa kanya?

Paglilinaw ni Lovi, “It’s not about that, it’s about me.

“I have my priorities, he also has priorities.

“But then, let’s see.”

Si Rocco ba ang dahilan kung bakit mas blooming siya ngayon?

Sagot niya, “No. I’m just very happy now.

“I feel really blessed.

"I’m just happy to be around with the right people, finally... completely everyone sa paligid ko.

“Kasama na rin siya [Rocco] dun, of course."

Paliwanag pa niya, “Siguro I have to cut [negative] people out of my life.

“Yeah, gano’n. Talagang straight to the point!

“And, ‘yon nga, the moment you let go of some negative people, mas lalo kang magiging masaya."

FAMILY’S APPROVAL. Kinumpirma naman ni Lovi ang naging pahayag ni Rocco na magkasundo sila ng ina at kapatid ng aktres.

Ito ba ay senyales na boto ang mga ito kay Rocco?

Sabi ni Lovi, “They get along so well. Matagal na silang magkakilala.

“Nagkakilala na sila nung nag-start pa lang kaming mag-taping before ng Yesterday’s Bride.”

Naipakilala na rin siya ni Rocco sa pamilya nito?

“Yes, na-meet ko na rin sila.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Is Rocco the one for her?

Sagot ni Lovi, “Mahirap kasing pag-usapan ‘yan, we’ll see na lang.

"Basta right now, I’m just enjoying what we have.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN