Dennis Trillo signs another three-year contract with GMA Network; not after "Primetime King" title

“Since yung huli kong ginawang role e medyo sikat na kuwento, parang yung susunod ko, siguro gusto ko medyo magaan... Kung di man... action. Gusto ko malayo sa My Husband’s Lover,” says Dennis Trillo about his wish for his next project with GMA Network.


Naging madali para kay Dennis Trillo ang pagpapasyang manatili bilang Kapuso dahil sa pagpapahalagang ibinibigay sa kanya ng GMA Network.

Sa loob ng labing-isang taon, nakilala si Dennis bilang isa sa mga pangunahing aktor ng Kapuso Network.

Ito raw ang dahilan kaya muli siyang pumirma ng three-year contract sa GMA kanina, February 17.

Sa press conference na inihanda para sa kanya ng GMA matapos ang pagpirma niya muli ng kontrata, inihayag ni Dennis na naging matimbang sa kanyang manatili sa GMA sa kabila ng offer mula sa ibang network.

Saad niya, "Para sa akin, hindi po mahalaga yung amount.

"Mas matimbang sa akin yung pagba-value sa akin bilang artista at sa mga kaya ko pang i-offer.

“Siyempre, bawat pagtatapos ng kontrata, kailangan mong i-assess ang sarili mo.

"Kailangan mong planuhin kung ano yung next step.

“So, palagay ko, naging natural na lang po yung reaksiyon na i-consider yung ibang options lalo na’t natapos na po [ang kontrata].” s

Bukod sa pagpapahalaga sa kanya, ayon kay Dennis, “Siyempre, yung GMA, dito ako sobrang pinaka at home.

“Kilala ko na ang mga tao rito, mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki.

“Dito ako sobrang kumportable at sila yung nagbigay sa akin ng mga projects na memorable kaya nandito ako ngayon.

“Hindi ko makakalimutan ang pagtitiwalang ibinigay nila sa akin.”


NO PROJECTS YET. Sa ngayon, hindi pa alam ni Dennis ang mga proyektong gagawin niya para sa panibagong kontratang pinirmahan.

Gayunman, aniya, “Secure ako dito sa GMA... eleven years na akong nandito and alam kong hindi nila ako pababayaan.”

Dagdag pa niya, “Excited ako na gumawa ng mga bagong shows.

“Excited na akong makapagtrabaho ulit. Wala na akong mahihiling pa.”

Nakarating na raw kay Dennis ang bali-balitang magkakaroon ng sequel ang phenomenal teleserye na My Husband’s Lover, na pinagbidahan nila nina Carla Abellana at Tom Rodriguuez.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung siya ang tatanungin, pabor ang aktor na gawin ito.

Sabi ni Dennis, “Well, may naririnig akong balita. Sana matuloy.

“Kung sakaling magkaroon ng Book Two, gagawin namin ang lahat para mas lalo pa siyang kagiliwan kung hindi man mapantayan.

“Kung ano yung dedication na ibinigay namin doon sa Book 1, ganun pa rin yung level ng consistency na ipapakita namin sa series sa Book 2 kung sakaling magkakaroon.”

BENCHMARK. Aminado si Dennis na siguradong makararamdam siya ng pressure kung sakaling matuloy ang sequel ng My Husband’s Lover.

Paliwanag niya, “Siyempre, nandoon din yung pressure kasi sobrang phenomenal ng My Husband’s Lover, mahirap siyang mapantayan.

“Kaya ‘yon ang naging benchmark namin.

“Pero dahil doon, pinipilit namn na mas lalo pang pagbutihan. Kahit alam namin na mahihirapan kaming lagpasan ‘yon.

“At least, alam namin na ito yung benchmark.

“Kailangang huwag bababa ang quality ng trabaho.”


SOMETHNG DIFFERENT. Kung si Dennis naman ang tatanungin, gusto raw niyang gumawa ng kakaibang proyekto.

“Since yung huli kong ginawang role e medyo sikat na kuwento, yung susunod, gusto ko medyo magaan.

“Kung bibigyan po ako ng choice, gusto ko rin makagawa ng… parang romantic-comedy.

“Kung di man ganun, action.

"Gusto ko malayo sa My Husband’s Lover.

KAPUSO PRIMETIME KING. Samantala, sa kabila ng pagiging popular ng My Husband’s Lover noong nakaraang taon, hindi pa ring naituring na “Primetime King” ng GMA si Dennis.

Ang naturang bansag ang ibinigay ng Kapuso network kay Dingdong Dantes.

Dahil dito, tinanong ng ilang entertainment press kanina kung ano ang masasabi ni Dennis tungkol dito.

Sabi niya, “Wala naman sa akin ‘yon,

“Hindi importante sa akin yung mga label-label.

“Para sa akin, label lang ‘yon.

“Mas importante ay yung mayroon kang trabaho na talagang pinapanood at minamahal ng maraming tao.”

Habang naghihintay pa ng proyektong kanyang gagawin, magiging abala si Dennis sa pagpo-promote ng sa album nila ni Tom Rodriguez, ang TomDen.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN