Andi Eigenmann on Jake Ejercito: "He’s special to me and he means a lot to me."

Andi Eigenmann on simmering relationship with mom Jaclyn Jose: “Okay naman, we still live in the same house. ‘Di ba kasi ganun yun, kapag ang mother-daughter, kapag palaging magkasama, madaling magkainisan? Pero kapag magkalayo naman, you’ll miss each other at magiging close.”


“One Day in February isn’t special but you are.”

Ito ang makahulugang post ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram account noong Valentine’s Day, February 14.

Pero bago pa ang Valentine’s Day, marami ang nakapansin sa iba pang posts ni Andi sa Instagram. Gayundin ang rumored boyfriend niyang si Jake Ejercito.

Sa mga post nila, tila nagpapahiwatig ang dalawa na sila na ulit.

Kaya bungad na tanong ni Janice de Belen kay Andi sa Buzz Ng Bayan kahapon, February 16, sila na nga ba ni Jake?

Palusot ng Galema star, “E, kasi po, he’s still not in Manila, he’s still based abroad.

"Para sa akin, mahirap po na bigyan ng pangalan yung ganun."

Nasa Singapore ngayon si Jake dahil sa pag-aaral nito.

Natatawang sabi pa ni Andi tungkol sa Instagram posts nila ni Jake, “Actually, ang dami nga po na naka-comment.

"Parang mali yung nakuha nila sa Instagram ko.

"Kasi I posted it for all the other girls out there na February 14, Valentine’s Day."

At heto nga raw ang punto ni Andi para sa mga forlorn sa kanyang Instagram posts:

"That’s just one day in a year and you don’t have to worry about not receiving any flowers.

"Or not having a Valentine’s date on that day because that’s not special.

“It’s just… an ordinary day that comes once a year. Pero you are.

"Huwag mo namang isipin na… dapat sa araw lang na yun na makakatanggap ka ng something na special."

Diin pa ni Andi, "It actually didn’t have anything to do with Jake."



SPILLING IT OUT. Marami na ring pinagdaanan at posibleng mas marami pang pagdaanan ang relasyon nina Andi at Jake.

Pero sabi ng young actress tungkol dito, “Yung set-up ng buhay namin ay hindi naman po typical para makabuo ng isang relationship.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So if it can’t happen perfectly, hindi na muna po mamadaliin.

"If something is really meant for you, you’ll do everything to take care of it.

"And be patient enough to wait until the time is right.”

Hanggang saan ba ang kaya niyang gawin para ipaglaban si Jake?

“What do you mean?” balik-tanong naman ni Andi.

Giit niya, hindi niya pa matawag na relationship kung anumang meron sila ni Jake ngayon dahil malayo nga sila sa isa’t isa.

“Para sa akin po, never naman akong naging ashamed sa feeling ko para sa kanya.

"And okay lang naman sa akin sumagot dahil alam ko naman na parte rin naman ng trabaho ko.

"Gusto rin malaman ng mga tao kung ano ang nangyayari sa personal kong buhay.

“So, on my part, yes, he’s special to me and he means a lot to me.

“So, even if it means waiting till forever, okay lang sa akin because I know, it’s worth it.”

Sa palagay niya, ganoon din ba si Jake sa kanya? Kaya rin nitong maghintay tulad niya?

Sagot ni Andi, “I don’t know, I really can’t assume things.

"Nakadepende naman po yun sa tao, ‘di ba?

"Like me, desisyon ko po ng sarili na sabihin ang nararamdaman ko sa kanya.

"Does it matter kung may sasabihin pa siya?

"Hindi naman siya public figure, hindi naman niya obligasyon yun.

"Pero ayoko pong i-assume na yung feelings niya ay mutual.”

Si Jake ay anak ni dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez.



JACKLYN AND ELLIE. Sa kabilang banda, magta-tatlong taon na ang anak ni Andi na si Ellie.

Kumusta naman ito?

“Okay naman, she’s very talkative and she’s gonna start school this summer.”

Sila ng mommy niyang si Jaclyn Jose, okay na ba sila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Andi, “Okay naman, we still live in the same house.

"‘Di ba, kasi ganun yun, kapag ang mother-daughter, kapag palaging magkasama, madaling magkainisan?

"Pero kapag magkalayo naman, you’ll miss each other at magiging close.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN