Sarah Lahbati wants to revive showbiz career: "I look forward to working again, to acting again."

“I was just really... that time, I was really emotional and parang... Basta, so many things happened na, you know, when you’re emotional and you’re down, parang you make decisions na parang after months, you’re gonna be like, ‘Why did I say that?’ or ‘Why did I decide that?’ So parang it happens to everyone, not just me.”


Inamin ni Sarah Lahbati na nami-miss niya na ang pag-arte at gusto niyang bumalik sa showbiz.

Muling humarap sa telebisyon ang StarStruck V Ultimate Female Survivor sa pamamagitan ng panayam sa kanya ni Butch Francisco sa Startalk, na ipinalabas noong Linggo, February 16.

Bungad ni Sarah, “Bumalik po kami mga two months ago, we spent Christmas and New Year in L.A. [Los Angeles, California].

“Very happy po, and I wanna say thank you po also for doing this. And to Startalk, maraming salamat po.

"And, yes, I’m very happy.”

SARAH’S VACATION. Mahigit isang taon ding “nagpahinga” si Sarah sa pag-aartista. Ano ang mga ginawa niya habang wala siya sa showbiz?

“I relaxed!” natawang sabi ni Sarah.

Ngunit patuloy niya, “No, actually I really wanted to study.

"But then, pagdating ko dun [Switzerland], wrong timing.

"I couldn’t go to school dahil nagsimula na yung school.

"If I wait, I have to wait for another year.

“So basically, parang I just relaxed because I needed that break.”

Ano ang naging daily activities niya ng mga panahong nasa Switzerland siya?

Sagot ni Sarah, “Basically all I did was travel with my family.

"Kasi si Daddy, bihira ko lang siya nakakasama. He’s always in Geneva working.

"And, yeah, I just spent time with them—my sister who’s in Morocco and my friends in Geneva.”

MISSES ACTING. Ano ang mga na-miss niya sa showbiz?

Sagot ni Sarah, “I missed acting, that’s the first thing that I missed.

"Working with amazing people, amazing directors, amazing actors na naging kaibigan ko na rin. Nakaka-miss."

Natatawa pa niyang dagdag, “And puyatan!

“In fairness, na-miss ko yung puyatan.”

Marami ang nag-akala na magku-quit na si Sarah sa showbiz. Pero bakit ngayon ay gusto na niyang bumalik sa pag-arte?

Paliwanag niya, “I was just really... that time, I was really emotional and parang...

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Basta, so many things happened na, you know, when you’re emotional and you’re down, parang you make decisions na parang after months, you’re gonna be like, ‘Why did I say that?’ or ‘Why did I decide that?’

“So parang it happens to everyone, not just me.”

Ano ang inaasahan niya ngayong 2014?

“I look forward to working again, to acting again.

"I really miss acting and, yeah, mainly to going back to work.

"And I look forward to new opportunities."

SARAH LOVES RICHARD. Nagsimula ang relasyon ni Sarah at ng boyfriend niyang si Richard Gutierrez nang nagkasama sila sa primetime series ng GMA na Makapiling Kang Muli (2012).

Ano ang sikreto ng matatag nilang relasyon?

Sagot ng 20-year-old actress, “I guess marami kaming pinagdaanan together.

"And kahit anong mapagdaanan pa namin, masasabi ko na kakayanin namin and we trust each other, we communicate well.

“So iyon yung basic things na talagang kailangan strong sa isang relationship.”

How is Richard as a boyfriend?

“He’s very sweet and caring and protective in a good way.”

Seloso ba si Richard?

“Only kung may reason, wala namang reason, so...” at natawa si Sarah.

Si Sarah ba ay selosa?

“Only if there’s a reason to be jealous also.

“I’m happy na I’m with him and, you know, we balance each other out and we bring out the best in each other.

“Ang cheesy ko talaga!” at muling tumawa ang young actress.

“But yun nga, I’m really happy.”

Wala pa ba silang plano to settle down?

Sabi ni Sarah, “We’re happy right now, we wanna take each day na one step at at time lang.”

Ano ang mensahe ni Sarah para kay Richard?

“Thank you so much. Thank you for being you.

"Thank you for constantly making me smile and for, you know, just being you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Happy Valentine’s Day. I love you!”

CONTROVERSIES. Noong 2013 ay ilang kontrobersiya ang kinasangkutan ni Sarah.

Kabilang na rito ang alitan nila ng GMA Films President na si Atty. Annette Gozon-Abrogar at ilang dating executives ng GMA Artist Center, na nauwi pa nga sa demandahan.

At ang balitang nabuntis at nagsilang na si Sarah sa anak nila ni Richard, na hanggang ngayon ay hindi pa rin nila kinukumpirma o itinatanggi.

Hindi man direktang pinag-usapan ang mga isyung ito sa panayam, tinanong ni Butch Francisco si Sarah, kung ibabalik ang nakaraan, nanaisin ba niyang pagdaanan muli lahat iyon?

Sagot ng StarStruck alumna, “I will do it again.

"I would do it all over again even If I had a choice na easier way.

"Because I wouldn’t be like this kung hindi ko napagdaanan yun."

Paano niya mailalarawan ang pinagdaanan niyang "dark phase" sa buhay niya?

“It was really hard, but I’m grateful that nandun yung mom ko and si Daddy, kasama ko sila during that time.

"And I got through everything because I was with them and Chard would visit me often."

Ano ang mga natutunan ni Sarah sa mga pinagdaanan niya?

“Na kahit anong mapagdaanan mo, kakayanin mo.

"Because during that time, akala ko end of the world na!

“I was what, nineteen, it was really hard.

"But, yun nga, basta isipin mo na no matter what you go through, kaya mo ’yan.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN