Carl Guevara accepts two shows on TV5 after waiting in vain for another project with GMA

Pagkatapos maghintay ng sampung buwan para sa susunod niyang proyekto sa GMA, nagdesisyon si Carl Guevara at ang kanyang manager na tanggapin muna ang dalawang proyekto sa TV5. Sabi ni Carl, "Kasi, ang last show ko dun, Bukod Kang Pinagpala, halos naghintay ako ng ten months. Before kasi, halos bago pa lang matapos ang show, meron na agad. So, sabi ko, ten months na rin, wala pa akong trabaho."


Sa Kapatid network na mapapanood ang model turned actor na si Carl Guevara.

Dalawang shows ang nakatakda niyang gawin sa TV5: ang Philippine version ng hit U.S. series na Pretty Little Liars, at ang drama series na Trenderas, kunsaan makakasama niya ang Superstar na si Nora Aunor.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng media kay Carl sa isang restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, noong Linggo, February 16, sinabi nitong hindi na rin bago sa kanya ang magtrabaho sa TV5.

Saad niya, “Nag-start kami sa Pretty Little Liars...

"Actually, ang director nun, si Direk Mac Alejandre, nakatrabaho ko na rin before sa GMA.

"So, masaya naman. Inaalagaan naman niya ako, kumportable naman.

“Pero siyempre, sa mga artista, first time ko silang makilala, so medyo tinitimpla ko pa.

"Pero okay naman, mababait naman. Galing sila sa Artista Academy, e.”

Kahit paano, naninibago rin daw si Carl dahil halos apat na taon siyang napanood sa mga programa ng Kapuso Network.

“Naninibago rin, kasi parang back to zero ulit na makikisama ulit sa lahat.

"Pero okay naman, mabait naman sila, approachable sila.

"At saka yung ibang staff ng TV5, galing din ng GMA kaya kilala ko rin, so okay naman.”

THREE NETWORKS. Natawa naman si Carl nang sabihin namin na naikot na niya ang tatlong pinakamalalaking networks sa Pilipinas.

Nagsimula si Carl sa ABS-CBN nang manalo siya sa model search na Be Bench noong 2007.

Noong 2010 ay lumipat siya sa bakuran ng GMA.

At ngayong 2014 ay nasa TV5 naman siya, bagamat nakagawa na siya ng isang drama series noon sa Kapatid Network—ang Lipgloss na tumagal mula August 2008 hanggang August 2009.

May sampung buwan na rin daw kasi siyang bakante mula nang matapos ang afternoon soap ng GMA na Bukod Kang Pinagpala.

Kaya ang kunsiderasyon daw ni Carl sa pagtanggap ng mga proyekto sa TV5 ay trabaho talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung saan talaga may trabaho, kasi ang tagal ko rin naghintay sa GMA.

"Kasi, ang last show ko dun, Bukod Kang Pinagpala, halos naghintay ako ng ten months.

"Before kasi, halos bago pa lang matapos ang show, meron na agad.

“So, sabi ko, ten months na rin, wala pa akong trabaho.

"Minsan, naiisip mo na rin, ano ba ang mali, pero wala namang sinasabi si Perry [Lansigan, his manager].

"Ang sabi niya, ’Hintayin mo lang.’ So, biglaan, tinawagan ako ni Perry, nag-meeting kami.

“’Tapos, sabi ni Perry, yun nga, meron daw akong dalawang show, pero sa TV5.

"Sabi ko, ’Sige, basta okay sa ‘yo, okay rin sa akin. Basta trabaho naman ako.’

"Ngayon naman, yung contract ko naman sa TV5, hindi naman siya yung exclusive.”

Nainip siya sa posibleng ibigay pa sana sa kanyang proyekto ng GMA?

Sabi ni Carl, “Nainip, pero kahit papaano naman, nakakapag-guesting din naman ako, like Magpakailanman, Wagas, sa mga shows din nila.

"Pero nakakainip naman talaga yung wala kang regular shows.

"Ngayon nga, buti nagkaroon kami ng workshops sa TV5, kasi parang naninibago ulit ako.

“Mabuti na lang, may pa-workshop din si Perry sa mga talents niya.”

Pag-amin pa ni Carl, nalulungkot din siya na hindi muna siya mapapanood sa Kapuso Network.

Pero katuwiran niya, “Pero hindi pa naman exclusive contract, so may chance pa rin na makagawa sa ibang networks.”

Paano kung alukin siya ng exclusive contract ng TV5?

Sagot ni Carl, “Depende sa manager ko. Ako naman, kung ano ang desisyon ng manager ko, okay sa akin, e.”

INDIE FILM. Bukod sa dalawang bagong shows niya sa TV5, mayroon ding bagong indie film si Carl, ang Flying Kiss, na ipalalabas na sa February 25.

Dagdag pa niya, “Kasama ko sa movie, mga theater actors, then si Winwyn Marquez, Fabio Ide.

"Yung Flying Kiss kasi, advocacy siya about kidney disease.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, nagsu-shoot kami sa mga hospitals. Hanggang sa magsu-survive ang isang pasyenteng may sakit na ganoon."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN