Carl Guevara missed dining reservation with Kris Bernal on Valentine’s Day because of traffic

Is Carl Guevara the jealous type? He answers, “Depende sa sitwasyon. Pero kung tulad ng mga ginagawa niya [Kris Bernal] sa soap, hindi naman. Kasi, ganoon din naman ang trabaho ko, e... Like sila ni Aljur [Abrenica], nakilala ko naman si Kris, loveteam na niya si Aljur. Medyo may konting selos, pero kailangan, e, trabaho yun."


Noong Valentine’s Day, February 14, hindi umabot si Carl Guevara at ang rumored girlfriend niyang si Kris Bernal sa reservation ng aktor sa isang hotel sa Makati dahil sa matinding traffic.

Kuwento ni Carl sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Nagpa-reserve na kasi ako sa isang hotel sa Makati, dapat doon kami magdi-dinner ni Kris.

"Kasi, February 13, tinext ako ng handler ko, may taping daw ako ng Pretty Little Liars [sa TV5].

"Umaga naman, ’tapos cut-off ko, 5 p.m. [ng February 14].

"So, sabi ko, puwede, kasi 8 p.m. pa naman yung pina-reserve ko.

“Kaso, 5:30 p.m., pauwi na ako galing Novaliches, susunduin ko si Kris sa may Commonwealth, kaso na-traffic naman ako.

"Na-traffic ako ng tatlong oras."

Dagdag pa niya, "First time ko pa naman sana na may ka-date ng Valentine’s, kaso wala, traffic ng tatlong oras!

“Nakita naman niya [Kris], nag-effort naman ako.

"Nagpa-reserve ako ng dinner, pero 8:30 p.m., nagda-drive pa rin ako.

"Ending, 10 p.m. na kami dumating sa Morato, kumain na lang kami sa Romulo’s.”

Nabayaran na raw ni Carl ang kalahati ng pina-reserve niya sa isang hotel sa Makati, pero hindi na nga nila ito nagamit.

Pero ang pinanghinayangan daw ng aktor ay ang experience na may ka-date noong Valentine’s Day sa unang pagkakataon.

“Nanghinayang ako, kasi nga, pina-reserve ko yun, gusto ko sanang maging masaya si Kris.

"Sayang, pero naintindihan naman niya.

"’Tapos, kasama pa namin yung handler ko, si Paolo Luciano, na kumain!” natatawa niyang sabi.

IS IT OFFICIAL? Halos mahigit isang taon na rin naman silang lumalabas ni Kris, pero tuwing tinatanong ng media tungkol sa estado ng kanilang relasyon ay sinasabi nilang hindi pa sila.

Sa pagkakataong ito, masasabi na ba ni Carl kung opisyal na ang relasyon nila ni Kris?

Nakangiting sagot niya, “Kung ano ang nakikita nila, yun na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ine-enjoy namin... tingin ko, exclusively dating.

"Sabi ko nga, siguro kung ano ang nakikita niyo, kayo na ang magdesisyon."

Kung sakali bang bigyan na niya ng label kung anuman ang meron sila ni Kris, may magagalit ba?

Sagot ni Carl, “Mahirap magsalita, e.

"Siguro mas maganda kung sa kanya na lang manggaling.

"Siyempre, may management din siyang sinusunod, may management din ako. So, ang hirap, e.

"May mga plano sa kanya, may plano sa akin."

Kung exclusively dating sila, hindi na sila puwedeng makipag-date sa iba?

“Oo!” natatawang sagot ni Carl.

Seloso ba siya?

“Depende sa sitwasyon.

"Pero kung tulad ng mga ginagawa niya sa soap, hindi naman. Kasi, ganoon din naman ang trabaho ko, e.

"So, naiintindihan ko naman kung ano talaga ang hinihingi ng script at hinihingi ng director, naiintindihan ko.

“Like sila ni Aljur [Abrenica], nakilala ko naman si Kris, loveteam na niya si Aljur.

"Medyo may konting selos, pero kailangan, e, trabaho yun.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN