Senator Jinggoy Estrada’s wish on his 51st birthday: "Sana tigilan na nila ang persecution sa akin."

"Lahat ng pinagdadaanan ko ngayon, lahat ito ay gawa-gawa lamang. Malinis ang aking konsensiya, wala akong ginagawang kasalanan," giit ni Senator Jinggoy Estrada kaugnay ng kinasasangkutan niyang kontrobersiya ngayon.


Nagdiwang ng kanyang 51st birthday si Senator Jinggoy Estrada kahapon, February 17, sa pamamagitan ng isang simpleng salu-salo sa kanyang opisina sa Senado, sa Pasay City.

Ang pagdiriwang ay dinaluhan ng kanyang amang si Manila Mayor Joseph Estrada; asawang si Precy Ejercito; kapatid na si Senator JV Estrada; mga kasamahan sa Senado na sina Senators Bong Revilla Jr., Juan Ponce Enrile, Tito Sotto, Gregorio Honasan, at Nancy Binay; pati na ng ilang mga kaibigan, mga empleyado sa kanyang opisina, at ilang miyembro ng media.

Nadadawit ngayon si Senator Estrada—kasama sina Senator Revilla at Senator Enrile—sa multi-billion Priority Development Assistance Fund (PDAF) scam o mas kilala sa tawag na pork barrel scam.

Inalam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang TV crew kung ano ang kanyang pakiramdam na nagdiriwang siya ng kanyang kaarawan sa gitna ng isang malaking kontrobersiya.

“Okey naman. I feel overwhelmed dahil marami ang nakaalala, people from all walks of life.

"It’s very evident kasi naubos ang mga pagkain!" biro niya.

Pero seryosong dagdag ng senador, "I would just like to make it simple."

Ayon sa actor-politician, sobrang tuwa niya sa sopresang ibinigay sa kanya ng mga anak sa bisperas ng kaarawan niya.

Pagmamalaki niya, "Hindi ko alam kung ano ang gift nila sa akin, pero kagabi [February 16] ay sinurprise nila ako.

"Nagbigay sila ng birthday cake."

Apat ang anak nina Jinggoy at Precy: sina Janella Marie, Joseph Luis Manuel, Julian Emilio, at Julienne.



BIRTHDAY WISH. Kung gaano raw kapayak ang pagdiriwang ni Jinggoy, ganun din ang kanyang birthday wish na nakatuon sa kasalukuyang estado ng problema niya sa pulitika.

Sabi niya, "It’s very obvious... very obvious kung ano ang birthday wish.

"Hindi na kailangan pang itanong kung ano ang birthday wish ko.

"Sa ngayon, marami pa rin ang nagmamahal sa akin, people from all walks of life.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Narito sila para bumati, nagpapasalamat ako sa kanila.

“Sa family naman, magdi-dinner kami."

Dagdag pa niya, "Wini-wish ko na sana ay matigil na itong dinadanas ko ngayon.

"Sana tigilan na nila ang persecution sa akin.

"My family serves as my inspiration—my wife and my children.

"And, of course, yung mga tao, lalo na ang masang Pilipino na lagi akong sinusuportahan kahit ganito ang kinasasangkutan ko.

"Kung makikita niyo, maraming maliliit na tao ang bumati sa akin, and I’m very appreciative at kahit kailan ay hindi sila nakakalimot sa akin.

"Yun lang, malaking bagay na sa akin yun."

Isa pa raw wish ni Jinggoy ngayong kaarawan niya ay kapatawaran. Ito ay may kaugnayan sa kinasusuungan niyang kontrobersiya.

Pahayag niya,"Lahat ng pinagdadaanan ko ngayon, lahat ito ay gawa-gawa lamang.

"Malinis ang aking konsensiya, wala akong ginagawang kasalanan.

"This is a repetition of what happened to us a decade ago.

"And kung nalampasan natin ito noon, sa tingin ko ay malalampasan din natin ito."



REMEMBERING DABOY. Masasabi ba niyang isa ito sa mga pagdiriwang ng kanyang kaarawan na hindi siya ganoong masaya?

Pagtutol ng senador, "Well, masaya naman.

"Yung pinakamalungkot na birthday ko ay noong nakakulong ako.

"Dalawang taon din akong nag-celebrate ng aking birthday sa kulungan, e, mas malungkot siya."

Matatandaang sumailalim sa house arrest si Jinggoy at ang ama niyang si dating President Joseph Estrada dahil sa bintang na plunder noong 2001.

Sa mga panahon daw na ito na binabayo siya ng kontrobersiya, pati na si Bong, ay naaalala nila ang kanilang yumaong kaibigan na si Rudy Fernandez.

Ito raw kasi ang taga-aliw raw sa grupo nila noong nabubuhay pa ito.

Nangingiting saad ni Jinggoy, "A, oo. Lagi namin siyang naaalala.

"Wala nang nagpapatawa sa amin, wala nang magpapasaya sa amin.

"Kahit papaano, nami-miss namin siya.

“Pero araw-araw, gabi-gabi ay ipinagdarasal ko siya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Jinggoy, sa gitna ng pinagdadaanan niyang ito, isang bagay ang nagpapatibay sa kanyang loob.

"Unang-una, I have strong faith with our Lord.

“Halos linggu-linggo ay nasa simbahan tayo—panata ko na yun.

"Alam ko na hindi Niya ako pababayaan."

Bukod pa rito, ang mga kaibigang senador ni Jinggoy ay nasa tabi rin niya, nagpapalakas ng kanyang loob, at nagbibigay sa kanya ng moral support.

Ngayong nagkasama-sama sila sa selebrasyon ng kanyang kaarawan, napag-uusapan ba nila ang kinasasangkutang kontrobersiya?

Sagot ni Jinggoy, "Wala naman… we didn’t talk about politics.

"They are here to celebrate with me sa aking kaarawan.

"Ganun din yung kaarawan ni Senator Enrile."

Si Senator Enrile ay nagdiwang naman ng kanyang 90th birthday noong Valentine’s Day, February 14.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN