Senator Jinggoy Estrada forgives Ruby Tuason for pinning him down in PDAF issue

Imbes na sama ng loob, awa raw ang nararamdaman ni Senator Jinggoy Estrada kay Ruby Tuason. Saad ng actor-politician, "I just pity her dahil sa ginawa niya. It showed naman doon sa committee hearing na she crumbled. She cannot get her figures straigh, her facts straight. She had to confer it to… with Benhur Luy para lang tanungin ko tama ito."


Pinatawad na raw ni Senator Jinggoy Estrada ang mga taong nagkasala sa kanya, kabilang na si Ruby Tuason.

Si Tuason ang dating social secretary ng ama ni Senator na si Joseph “Erap” Estrada, noong nanungkulan ito bilang Presidente ng Pilipinas.

Ngayon ay tumestigo si Tuason sa Senate Blue Ribbon Committee na nagdidiin kay Senator Jinggoy sa maanomalyang paggamit ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) o pork barrel scam.

Sa pagpapatuloy ng panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang media sa birthday celebration ni Senator Estrada sa kanyang tanggapan sa Senado kahapon, February 17, sinabi niyang kasama sa mga pinatawad na niya si Tuason.

Aniya, "Oo naman. Alam mo naman na pusong mamon din ako, e.

"Sa lahat ng mga nagkasala [sa akin], pinatawad ko na sila, especially si Tita Ruby."

Naiintindihan din daw ni Senator Estrada ang pinagdadaanan ni Tuason, na sinasabing potential state witness sa kanilang kasong plunder.

"Alam ko naman na si Tita Ruby, she doesn’t want to see me in jail.

"She doesn’t want to see me suffering.

"Alam ko na ginawa niya yun para lamang maligtas ang sarili niya."

Wala siyang sama ng loob dito?

Sagot ng senador, “Well, I just pity her dahil sa ginawa niya.

“It showed naman doon sa committee hearing na she crumbled.

"She cannot get her figures straigh, her facts straight.

"She had to confer it to… with Benhur Luy para lang tanungin kung tama ito."

Si Benhur Luy ang isa sa mga whistleblower sa pork barrel scam.

Dagdag ni Senator Estrada tungkol kay Tuason, “Oo, she was forced to do so.

“Napilitan lang ’yan, kasi alam mong marami siyang properties. Marami siyang inaalagaan.

"Pinuproteksyunan niya ang kanyang sarili.

"Sinabi nga niya, ‘di ba, ’Going to jail is worst than death.’

"So, gagawin niya ang lahat para hindi siya makulong.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



MAT RANILLO III. Naitanong din ng PEP kay Senator Estrada ang sinasabing pag-uwi ng aktor na si Mat Ranillo III sa Pilipinas, mula sa Amerika, upang isiwalat ang kanyang nalalaman sa transaksiyon diumano ng actor-politician kay Janet Lim-Napoles, ang itinuturong mastermind ng PDAF scam.

Hindi naman daw nababahala si Senator Estrada kung umuwi man si Mat sa Pilipinas.

Aniya, "I don’t care. He can come home anytime if he wants.

"Wala akong... I never dealt with him.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN