Iya Villania on being Mrs. Drew Arellano: "Wala namang nabago..."

Iya Villania on husband Drew Arellano: “We’re lucky and blessed to found each other in an early age. Hindi nasayang yung years namin in investing love and time in our relationship.”


Ayon kay Iya Villania, wala namang malaking pagbabago sa relasyon nila ni Drew Arellano pagkatapos nilang magpakasal.

Ikinasal ang dalawa noong January 31, 2014, sa Meditation Point, Kawayan Cove, Nasugbu, Batangas.

Read: Iya Villania is now Mrs. Drew Arellano!

Sabi ni Iya, “Masaya siya, ine-enjoy namin.

“Parang nagbabahay-bahayan kami.

“Sa may Pasig, it’s his place, now I just live with him.

“Wala namang nabago.

"Feeling ko nga, mas tumindi yung pagmamahal namin sa isa’t isa, e.

“Kasi ini-enjoy namin just being together all the time.

“Hindi na niya ako kailangang ihatid sa bahay, sabay na kaming umuuwi.”

Kuwento pa ng TV host-actress, “Kahit nung mag-boyfriend or girlfriend pa lang kami, wala siyang maid o driver.

“When I’m in his place and we eat there, parang naging routine na ako yung naghuhugas ng pinggan, ‘tapos siya ang nagluluto.

“Ngayon, ganun pa rin naman siya. Napapakialaman ko na yung histura ng place niya.

“Wala nang mga bago, matagal na kami. Kilala ko na.

“We’re still comfortable with each other…

“Saka siguro, kasi it’s so brand new, kaya wala pa kaming sobrang malaking conflict bilang mag-asawa.

“Or major decisions na we make together, wala pa naman.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News si Iya sa ASAP noong Linggo, February 16.

NO GIMMICKS. Nabawasan na ba ang paglabas-labas nila, kasama ang mga kaibigan, ngayong kasal na sila?

Sabi ni Iya, “Hindi naman ako ganun.

“Kailan niyo ba ako nababalitaan na gumigimik? Wala…

“I think, kaya sobra din kaming nag-click, he’s a morning person, I’m a morning person.

“’Tapos nagka-time pa ng morning show siya, morning show din ako, we got the same schedule.

“Saka di talaga ako gimikera.

“Pag lalabas naman kami ni Nikki [Gil], nasa bahay lang kami or maggo-grocery lang kami.

“Yun ang mga simple joys namin ni Nikki, or nasa Wild Flour.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Maging sa trabaho nilang mag-asawa ay wala rin daw masyadong nagbago.

“The same pa rin… Well, natapos na yung Studio 23 reformatted, but I still have ASAP.

“Of course, MYX is something I have to say goodbye, kasi siyempre misis na ako, pero I’ll be there until March.

“Siya [Drew], ganun pa rin siya.

“Hayaan na lang natin, siya ang lalaki.”

Biro pa niya, “Kayod ka lang, honey, kayod ka lang nang kayod!”

Kung may isang bagay raw na nakakapanibago para kay Iya ay ang pagpapalit ng kanyang civil status—mula single sa married.

“Hindi ako sanay dun, e, nakakatuwa lang,” sabi niya.



HONEYMOON. Sa ngayon ay hindi pa raw sila nakakapag-honeymoon, pero baka matuloy na ito sa June.

Kuwento ni Iya, “Somewehere in the States, baka mga June pa.

“Ngayon pa lang, just to be able to live together, parang honeymoon na sa amin.

“Kasi it’s something we don’t have before, just to live together, yun na yun.

“Para ka rin naman kasing nasa hotel, kaming dalawa lang naman, walang yaya, walang driver.

“Wala nga lang kaming puwedeng tawagan na, ‘Puwedeng palitan ng bed sheets?’”

First time namang nagdiwang ng Valentine’s Day sina Iya at Drew bilang mag-asawa.

Kuwento ni Iya, “Sobrang perfect yung timing!

“Kasi nagkataon na yung trabaho niya ay sa Batanes, e, sa Batanes talaga naming gusto ikasal sana.

“Pero dahil sa budget, hindi kakayanin.

"At dahil sa weather, hindi namin puwedeng ikontrata na huwag sanang umulan ngayon.

“And also, dahil yung logistics, mahirap…

“Nagkataon na yung trabaho niya, nasa Batanes.

“At siyempre, bilang misis, sumabit ako at dun kami nag-Valentine’s.

“Ang saya lang kasi ang galing talaga ng timing ni Lord.”



BABY TALK. May plano na ba silang magka-baby?

Sagot ni Iya, “Sana after two to three years pa.

“Dati, sinasabi ko sana after three years, pero ngayon two years na lang... sana.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“But if ever na magkaroon ng happy accident, okay na rin, tatanggapin namin nang buong puso.”

Kabilang sina Iya at Drew sa iilang showbiz couples na nagkatuluyan at nagpakasal.

Sabi ng Kapamilya star tungkol dito, “Well, I guess we are just lucky to found each other.

“We’re lucky and blessed to found each other in an early age.

“Hindi nasayang yung years namin in investing love and time in our relationship.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN