Zsa Zsa Padilla happy about upcoming wedding of daughter Karylle to Yael Yuzon

"Siyempre, kung ano ang happiness ng anak ko, magiging masaya ka rin para sa kanya," sabi ni Zsa Zsa Padilla tungkol sa nalalapit na pagpapakasal ng anak niyang si Karylle kay Yael Yuzon.


Masaya si Zsa Zsa Padilla sa nalalapit na pagpapakasal ng panganay niyang anak na si Karylle sa Spongecola vocalist na si Yael Yuzon ngayong darating na Marso.

Sabi ni Zsa Zsa sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Masaya ako para sa kanya.

“And she told me she’s really happy, especially she spent Valentine’s day with me.

“Nagpunta kami sa gravesite ni Dolphy.

“’Tapos sabi niya sa akin talaga nung nasa kuwarto kami, ‘Mommy, I am very happy.’

“Nakikita ko naman kung gaano kasaya si Karylle kay Yael.

"So, siyempre, kung ano ang happiness ng anak ko, magiging masaya ka rin para sa kanya.”

Ayon pa kay Zsa Zsa, excited ang buo nilang pamilya sa nalalapit na pagpapakasal ni Karylle.

“Siyempre excited, family namin excited.

“Uuwi ang mom and my best friend is coming home from the States.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN