Jake Vargas blames bashers for getting in the way of his relationship with Bea Binene

Jake Vargas on Xian Lim incident: "Kahit paano nag-apologize si Xian, happy na ako doon. Basta ako, suporta lang ako kay Bea [Binene]. Girlfriend ko yung tao, ayoko rin namang masaktan siya kasi pangalan niya yung sinabi, e."


Tumangging magsalita o magkuwento si Jake Vargas tungkol sa naging kaganapan sa kanilang dalawa ng kasintahan niyang si Bea Binene noong nakaraang Valentine’s Day, February 14.

First time ni Jake na tumangging magkuwento tungkol sa kanila ni Bea sa maraming beses nang exclusive interview sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

Sa huling interview namin kay Jake sa GMA Studio matapos ang live airing ng Sunday All Stars noong Linggo, February 16, patuloy ang pagtanggi ng young actor.

Aniya, “Secret na lang po, mahirap pong magsalita.”

May nangyari bang hindi maganda sa kanila ni Bea kaya umiiwas siyang pag-usapan ito?

“Hindi naman, okey naman po, basta secret. Malalaman din naman po!" tawa niya.

Pero ilang sandali lamang ay inamin ni Jake, “Meron lang siguro hindi pagkaunawaan, pero okey naman.”



AGAINST THE WORLD. Sa kabila nito, nilinaw ni Jake na sila pa rin ni Bea kahit "may problema na dumarating."

Saad niya, "Hangga’t yung problema na yun nilalabanan namin, tumitindi yung relasyon namin.

“Naiintindihan naman ni Bea yung sitwasyon ko.

"Alam naman niya na breadwinner ako sa family.

"So, nabibigyan ko rin naman siya ng time para sa kanya.

“Yung mga negative na nangyayari sa amin, nilalagpasan namin para maging okey kami."

JEALOUS FRIENDS. Ayon kay Jake, iba ang problema nila ni Bea ngayon, hindi selos kundi, “Yung pamba-bash sa amin ng ibang tao.”

Sa social media ba?

Sagot ng binata, “Sa lahat, sa lahat.

"Minsan kaibigan mo, parang hindi mo alam kung gusto ka ba niya o hindi, yung mga ganun.

“Yung barkada mo, hindi mo alam kung kakampi o hindi.

"Hindi naman nagrereklamo talaga, nagtatampo lang."

Hindi ba nila nauunawaan yung sitwasyon niya na gusto muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang career at lovelife?

Sabi ni Jake, “Hindi mo naman maiiwasan yun, e.

"Unang-una, kaibigan mo, matagal ko rin naman silang kakilala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Minsan nagkakaanuhan lang... nagkaka-text. Naiintindihan naman nila.”

Nakakasama pa rin ba niya ang kanyang mga kaibigan?

“Sa ngayon, hindi na gaano, kasi busy rin naman sa trabaho.

“Naiintindihan naman nila ako. Okey naman sa kanila na ganun.

“E, mahal ko si Bea. Forever yun.”

XIAN LIM INCIDENT. Inalam din ng PEP kay Jake kung ano ang reaksiyon niya sa pagpapadala ni Xian Lim ng mga bulaklak at chocolates kay Bea bilang paghingi ng paumanhin sa dalaga.

Read: Bea Binene receives flowers and letter from Xian Lim

Ito ay may kinalaman sa pagkukumpara ni Xian kay Bea sa isang ka-lookalike ni Kim Chiu.

Read: Xian Lim refers to Kim Chiu impersonator as Bea Binene; he apologizes for his behavior on Banana Nite

Sagot ni Jake, “Okey naman, kahit paano nag-apologize si Xian, happy na ako doon.

“Mahirap din yun kasi dapat yung mga babae, nirerespeto, obligasyon yun.

“So, masaya na ako.

“Hindi naman ako gaanong nagku-comment.

"Basta ako, suporta lang ako kay Bea.

“Girlfriend ko yung tao, ayoko rin namang masaktan siya, kasi pangalan niya yung sinabi, e."

Naramdaman niya ba ang sinseridad ni Xian sa paghingi nito ng paumanhin?

"Oo, okey naman," sagot ni Jake.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN