Bela Padilla will not entertain marriage proposal from boyfriend Neil Arce until she turns 30

Bela Padilla has not heard from GMA Network about any possible TV series for her. She says, “Hindi ko pa alam at hindi ko pa rin tinatanong. Kasi dire-diretso pa rin ang trabaho. ‘Yon nga lang, puro guestings muna... Nami-miss ko na rin yung taping para sa isang series na araw-araw kang may inaabangan."


Simple lamang daw ang naging celebration ng Valentine’s Day ng aktres na si Bela Padilla at ng boyfriend niyang si Neil Arce.

Ayon kay Bela, nag-dinner lang sila ni Neil sa isang restaurant at pagkatapos ay umuwi na sila.

Pero nakangiting dagdag niya, “Siyempre, may gift siyang ibinigay sa akin.

“Lagi niya akong binibilhan ng mga bags kapag special occasions.

"Yung iba, hindi ko nagagamit, laging nasa box lang.

“Nagtatanong nga siya bakit hindi ko ginagamit, kung ayaw ko raw bang ibinibigay niya sa akin.

“Sabi ko naman, ayoko lang siyang magasgas o madumihan kaya hindi ko tinatanggal sa box.

“Kahit yung mga binibili ko para sa sarili ko na signature bags, hindi ko ginagamit.

“So, nag-shop na lang siya ng clothes para sa akin.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela pagkatapos ng Sunday All Stars (SAS) noong Linggo, February 16.

TOO YOUNG TO SETTLE DOWN. One and a half year na ang itinatagal ng relasyon nina Bela at Neil. Napag-uusapan na ba nila ang pagpapakasal?

“Hindi pa. Twenty-two pa lang ako.

“Siguro kapag twenty-nine na ako, saka niya ako tanungin!” tawa niya.

Sa usaping kasalan, nausisa si Bela sa nagkalat na billboards sa mga pangunahing lansangan sa buong Metro Manila.

Aniya, “Alam mo, naiintriga ako kung sino yung tinutukoy sa mga billboard na, ’Olivia, will you marry me?’”

Tulad ng marami, ang akala ni Bela ay totoong marriage proposal ito para sa girlfriend ng isang guy na gustong maging bongga at naiiba ang paraan ng pagpu-propose.

Pero ang nasabing mga billboard ay promo campaign pala para sa isang real-estate company.

“Ay naku, grabe!” tawa ulit ni Bela. “Akala ko pa naman, totoong bonggang proposal siya!

“Ang galing nung promotional gimik na ‘yon, huh!”

Kung sakaling mag-propose si Neil, gugustuhin niya bang ganun ding kakaiba at kabongga?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sagot ni Bela, “Kahit ano, okey lang.

“Pero hindi pa nga sa ngayon, ang dami ko pang gustong gawin.”

Ilang taon pa kaya sa tingin niya ang tamang oras para mag-propose sa kanya si Neil?

“Pag thirty na ako, so that will be eight years from now,” sabi ni Bela.

BUSINESS PROSPECTS. Matagumpay na businessman si Neil. Hindi pa ba siya isinasali o hinihikayat sa mga negosyo nito?

“Hindi naman. Pero actually, matagal ko nang sinasabi sa mommy ko.

“Kasi lahat ng money ko, mommy ko pa rin ang humahawak ngayon.

"So, nagtatanong na rin ako kung anong magandang business ang ii-start para sa akin.

“Sa ganitong age ko, kung ano ang appropriate sa akin.

"Marami na rin kaming tinitingnan at pinag-aaralan ng mommy ko na puwedeng simulang business.

“Minsan humihingi ako ng advice kay Neil about putting up a business.

"Pero hindi naman kasi niya ako pinapakialaman o yung pera na kinikita ko sa pag-aartista.”

SUNDAY ALL STARS. Pagdating naman sa kanyang showbiz career, kuntento raw si Bela sa takbo nito.

Aniya, “Kaka-join ko lang sa Sunday All Stars, I’m part of Team Instagang.

“Sobrang bait lahat ng teammates ko.

“Alam ko na ngaragan ang rehearsals para sa mga production numbers every week, okey lang naman sa akin ‘yon.”

Lahat ng miyembro ng team ay halinhinang nagiging team leader every month. Kakayanin ba niya ang pressure at stress sakaling siya ang susunod na mapiling team leader?

“Okey lang naman, actually excited ako.

“Kasi nung nag-meeting kami, parang marami rin akong nai-share na bagong ideas.

“Sana hindi muna ako mag-leader kaagad, huwag muna!” natatawang sabi ni Bela.



POINT OF ENTRY. Hindi napahinga sa trabaho si Bella sa loob ng nagdaang ilang buwan pagkatapos ng huling soap na tinampukan niya sa GMA, ang Genesis.

Dalawang pelikula ang magkasunod niyang ginawa—ang 10,000 Hours at Sa Ngalan Ng Ama, Ina, At Mga Anak, na parehong pinagbidahan ng uncle niyang si Robin Padilla.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gumawa rin ng TV show sa Singapore si Bela. Ito ang Point of Entry, na parang C.S.I. ng Amerika

Kuwento pa niya, "Pang-eight episode na yung huling ipinalabas.

“Nagtu-tweet nga sa akin tungkol dun yung ibang Singaporeans.

"Nakakatuwa, pati yung mga Pinoy na kababayan natin doon, nagtu-tweet sila kapag napapanood nila.

“Nag-audition ako, at sobrang saya ko nung nakuha ako for that.

“I play the role of Annalyn Ocampo, isang Filipina na gustong mag-aral sa Singapore.

“’Tapos mami-meet niya yung leading man na Singaporean dito sa Philippines.

"Tutulungan ni Annalyn itong makauwi sa Singapore kasi parang na-set up siya.

“Maganda siya. Parang action-drama na love story.”



NO TELESERYE YET. Hindi pa rin daw niya alam kung kailan siya gagawa ulit ng bagong serye sa GMA.

“Hindi ko pa alam at hindi ko pa rin tinatanong.

“Kasi dire-diretso pa rin ang trabaho.

"Yun nga lang, puro guestings muna, like yung sa Magpakailanman recently.

“Sobrang bigat nga ng episode na ginawa ko… yung role ng isang na-rape ng uncle niya.

“Parang naalala ko yung Magdalena na soap ko before.

"Nami-miss ko na rin yung taping para sa isang series na araw-araw kang may inaabangan.

“Pero okey lang. Hintayin na lang natin kung kailan darating,” pahayag ni Bela.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN