Louise de los Reyes on Enzo Pineda: “Bonded na talaga kami, hindi lang as a couple kundi as a friend rin.”

Louise de los Reyes feels she and Enzo Pineda have grown mature in their relationship and being very much aware of their responsibilities, both are careful not to ruin the trust of their family and the network that has given the breaks they are enjoying now.


Sinalubong ng magkasintahang Louise delos Reyes at Enzo Pineda ang Valentine’s Day nong Biyernes ng madaling-araw, February 14, para makapag-celebrate ng kanilang ikalawang hearts’ day mula nang maging magkasintahan sila.

Nagkuwento ang Kapuso young actress tungkol dito sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo, February 16, matapos ang live airing ng Sunday All Stars.

Ayon kay Louise, natapos ang pictorial niya noong Huwebes, February 13, ng 11:30 p.m.

"So, nagsalubong na lang kami.

"Kasi alas-dose, sinundo na ako ng service [vehicle] papuntang Pangasinan para sa Friday taping namin.”

Ang tinutukoy na taping ni Louise ay ang upcoming teleserye na pinagbibidahan niya sa GMA, ang Kambal Sirena.



CUPCAKES AND TULIPS. Sabi ni Louise, sulit naman ang Valentine’s Day nila ni Enzo kahit saglit lang kasi "na-late naman yung service na sumundo sa akin, e.”

Nangingiti pa niyang kuwento, “Sinorpresa niya [Enzo] ako sa condo ko.

"Parang kinuntsaba niya yung yaya ko kasi nakapasok siya sa loob.

"May cupcakes at saka may stem ng tulips.

“Sabi ko, ’Ay, ang sweet naman.’

"And then, from the CR, bigla siyang sumulpot, ayun.

“Kasi sinabi na niya na magpahinga na lang daw ako kasi maaga ang pull-out ko nong Huwebes.

"Sabi ko, ’Sige, okey lang, pag-uwi ko na lang.’

“’Tapos, biglang nandoon pala siya.

“Nagulat talaga ako.”

BETTER RELATIONSHIP. Kapansin-pansin na mas maayos ngayon ang takbo ng relasyon ng magkasintahan. Mas naipapakita na nila ang nararamdamang pagmamahalan sa isa’t isa.

Maging sa interviews ni Enzo, mababasang mas matindi ang pagmamahal na inuukol nito kay Louise.

Napangiti muna si Louise at saka nagbigay ng komento.

Aniya, “Kasi siguro sabay rin kaming nag-mature as a person na hindi namin tiningnan masyado yung flaws na isa’t isa.

“Kung maliit naman at tolerable, okey lang.

"Nagkakasundo kami ngayon sa maraming bagay, marami kaming pinagkakasunduan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"And palagi kaming magkasamang mag-gym.

“Sa series ko sa Kambal Sirena, parang siya ang second trainer ko sa gym.

"Kasi gusto niyang maging fit ako. Gusto niya paghandaan ko talaga yung Kambal Sirena.

“Bonded na talaga kami hindi lang as a couple kundi as a friend rin.”

Ibig sabihin, hindi na sila puwedeng mag-entertain ng ibang taong nagkakagusto sa kanila?

Sagot ni Louise, “Okey kami at mahal namin ang isa’t isa, bakit pa?

“Saka iba kasi ang pakiramdam pag sobrang at ease ka dun sa tao.

"Wala kang naiisip na ibang mga bagay na parang nai-inspire ka to do better.

“Mahirap i-explain, pero I’m always looking forward to another day na magkasama kami.

"Ganon ako ka-excited every time na nakikita ko siya.

"Like, ’Ano kayang bagong adventure?’ or ’Ano kaya yung matutunan naming dalawa na magkasama?’"



CAREER. Maging sa career ni Louise ay very supportive din si Enzo. Payag na ba si Enzo na magpa-sexy siya?

Tugon ng Kapuso young actress, “Okey lang naman sa kanya.

"Basta may ibubuga na yung katawan ko, why not?

"Pero kung hindi, hindi niya susuportahan.”

Ang mag-pose sa men’s magazines?

“Hindi pa namin napag-uusapan, pero feeling ko, hindi pa siya pabor as of now.

"Parang it’s too early.”

Ibinalita ni Louise na nagsu-solo na siya ngayon sa nilipatang condo unit kaya naman nag-speculate ang iba na baka abusuhin nito ang pagiging independent at mabuntis nang wala sa panahon.

Depensa naman agad nito, “Ay, hindi!”

“Minsan lang kaming magkaroon ng break na ganito.

"Ayaw naman naming balewalain lang ito.

“Lahat ng pagtitiwala nila sa amin mawawala dahil sa isang pagkakamali, huwag na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN