Cristy Fermin hits back at Rosanna Roces: "Hihintayin ko ang demanda niya."

Ayon sa batikang TV host at manunulat na si Cristy Fermin (kanan) makailang beses niyang sinubukang hingan ng pahayag ang dating sexy star na si Rosanna Roces (kaliwa), pero hindi raw ito sumagot sa kanyang mga tawag at text. Sana rin daw ay hindi namemersonal si Rosanna sa mga atake nito laban sa kanya.


Hindi raw maintindihan ng batikang kolumnista at TV host na si Cristy Fermin kung bakit pinipersonal ni Rosanna Roces ang pagsagot sa balitang diumano’y nakulong ang aktres dahil sa paggamit ng ilegal na droga.

Ngayong araw, February 19, lumabas sa “Most Wanted” kolum ni Cristy sa tabloid na Bulgar ang balitang nakulong diumano si Rosanna, kasama ang ilang kaibigan, dahil sa maraming report sa opisina ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng pagdo-droga ng aktres.

Sa ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na lumabas ngayong umaga, itinanggi ng isang high-ranking official ng PDEA na nakulong si Rosanna.

Read: Rosanna Roces slams Cristy Fermin for report about her alleged imprisonment due to drug use



ROSANNA REPORTEDLY IGNORED CRISTY’S TEXTS AND CALLS. Sa kanyang radio program na Cristy Ferminute ng Radyo Singko 92.3 News FM ngayong araw, February 19, sinabi ni Cristy na isang linggo na niyang hawak ang impormasyong ito tungkol kay Rosanna bago niya inilathala sa kanyang kolum.

Ayon pa sa beteranang kolumnista, ilang araw na niyang tinatawagan at tini-text si Rosanna upang makuha ang kanyang panig sa balita at impormasyong nakarating sa kanya.

Tatlo raw ang numero ni Rosanna sa telepono ni Cristy.

Tinawagan daw niya ang lahat ng numerong ito, ngunit hindi raw nag-return call o kaya ay nag-text man lang ang aktres.

Saad ni Cristy, “So, bilang manunulat naman po at siya ay isang personalidad, ay isinulat ko po yung kuwento tungkol sa pagkahuli sa kanya ng PDEA.

"Tatlong impormante po kasi ang nagkuwento sa akin, so inilabas ko po kanina.

"Pero ang atake ko po dun ay hindi yung parang hinuhusgahan ko siya.

“Kilala niyo naman po ako kung paano magsulat, kung paano ko pong trinato yung kolum.

"Na ang sabi ko pa nga, ‘Nasa listahan ng iilang artista si Rosanna Roces na nakapanghihinayang. Magaling na aktres, maganda, biniyayaan na po ng kapalaran, hindi lamang po inalagaan.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At ang sabi ko pa, ‘Sana man lang ingatan niya ang mga biyayang ipinagkaloob sa kanya, dahil kapag hindi niya yun iningatan, ibibigay sa ibang tao… sa ibang artista na nagsisimula at nangangarap.’”

Dagdag pa niya, “So, ganun.

"Ay, naku, namersonal na po siya nang todo-todo!

"Pinabasa po sa akin ni Japs Gersin [kanang-kamay niya] kanina yung kanyang mga pinost sa kanyang FB [Facebook].

"So, hindi po siya tumutok dun sa kuwento, iniba po niya.

"Dapat ay inimpormahan niya ako kung ano ang tunay na nangyari para alam ko rin na…

"’Di ba, ganun naman tayo, kaya nga po merong mga kolum.

“Kung ayaw sumagot ng artista, puwede mong sulatin at pagkatapos noon ay ibibigay naman nila ang kanilang panig at gagawin din naman po namin.

“At kung talagang nakuryente ang manunulat, hindi po kabawasan sa aming kredibilidad, kaya nga po naimbento at nagkakaroon tayo ng salitang ’erratum.’

“Pupuwede po nating sabihin na, ‘Ayon naman kay Rosanna Roces ay hindi naman ganun ang nangyayari. Ganito pala.’

“So, parang tatratuhin mo ’yan nang parehas, ibibigay mo ang unang panig ng kuwento, kapag sumagot si Rosanna Roces, susulatin din natin.

"Ganun naman talaga, ’di ba?

"Pero namersonal na po kasi siya nang todo."

Ang ilan sa posts ni Rosanna sa Facebook ay may kasama pang pagmumura.



PERSONAL ATTACKS? Dagdag pa ni Cristy, “At meron pa po siyang sinasabi doon na, bakit daw po ang hindi ko isulat ay ang pagluhod daw po ni Congresswoman Lani Mercado at ni Senator Bong Revilla sa mga tagapamuno daw po ng INC [Iglesia Ni Cristo], para lamang daw po siya’y isalba sa kanyang kaso ng pagnanakaw, yung tungkol kay [Janet] Napoles nga.

“Meron din po dun na ako daw po ay binibiyayaan ni Senator Bong Revilla ng isang milyon kada buwan.”

Natatawa tanong ni Cristy sa kasamahan niya sa radyo na si Richard Pinlac: “Richard, nabalatuhan man lang ba kita diyan? O, hindi naman kita nabalatuhan.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon naman kay Richard, sa simpleng textback siguro o kaya ay tumawag si Rosanna pabalik kay Cristy nang sa ganun ay nagkausap sila at naibigay sana nito ang panig niya tungkol sa kuwento, na Miyerkules pa ng nakaraang linggo nakarating kay Cristy.

Ayon naman kay Cristy, “At saka, pupuwede naman po, wala namang perpekto sa mundong ito.

"Kung sakali ay sumobra sa kailangan lamang yung balitang isinulat ko, pupuwede ko namang sabihin, ’Ayon kay Rosanna Roces ay walang katotohanan ang impormante na nagsabi sa akin ng ganito.’

“At hindi ko po sisisihin ang impormante ko. Dadalhin ko po ang responsibilidad nang ako lamang.

"Dahil ako po ang byline. Akin ang byline.

"Kaya okay lang, ’di ba? Dapat magpresentahan kami ng aming mga panig.

“Kasi, unang-una, hindi naman ako ang nagsabi na, ‘Nakulong siya o no bail.’

“At saka pag no bail naman, may motion to bail naman. Pupuwede din pong mangyari ganun.

"Kaya lamang, lumihis si Rosanna Roces sa tunay na isyu at namersonal siya. ’Di ba? Yun ’yon.”



CRISTY REFUTES ROSANNA’S FACEBOOK RANTS. Matapos ang kanilang programa, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng karagdagang pahayag si Cristy tungkol sa mga naging patutsada ni Rosanna sa Facebook.

Una na rito ang tungkol sa nabanggit ng aktres na “Dale Joson” na nandukot daw ng isang kapatid ni Cristy.

Sabi ni Cristy tungkol dito, “Si dating Mayor Dale Joson ay nasa ibang bansa na.

"Si Mayor Dean Joson, kapatid niya, ikinampanya ko pa last election.

"Wala akong kapatid na dinukot ni Dale.”

Pangalawa, ang tungkol sa pagbanggit ni Osang sa pangalan nina Senator Bong Revilla at Representative Lani Mercado, pati na sa Iglesia Ni Cristo.

Sagot ng radio-TV host, “Ewan kung bakit niya idinamay sina Senator Bong, Congresswoman Lani, at ang INC.

"Dahil siguro close sila sa amin ni Manay Lolit [Solis] na kaaway rin niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pangatlo, nagparinig si Rosanna ng tungkol sa demanda. Ano naman ang reaksiyon niya dito?

Tugon ni Cristy, “Hihintayin ko ang demanda niya.”

Kung sakali ba ay maghahain din siya ng kaso laban sa aktres ngayong aprubado na ang Internet libel? Sa mga post kasi ni Osang, may mga mura ito sa tinagurian niyang “Ninang”—na ang tinutukoy nga ay si Cristy.

Tugon ni Cristy, “Si Chokoleit ay kinasuhan ko dahil sa Twitter, nag-prosper ang kaso, ‘di lalo na ngayong meron nang Internet libel law."

Read: Supreme Court rules Internet libel as constitutional

Read: Lawyer: Original authors of defamatory online posts may face libel charges

Agosto ng taong 2010 nang sampahan ni Cristy si Chokoleit ng mga kasong “libel” at “unjust vexation” dahil sa diumano’y mapanirang tweets nito laban sa kanya.

Read: Chokoleit on Cristy Fermin’s threat to sue him: "She who will go to court should do so with clean hands."

Read: PEP EXCLUSIVE Chokoleit on Cristy Fermin: "I’m just giving her the dose of her own medicine."

Bukas ang PEP sa panig ni Rosanna Roces kaugnay ng mga pahayag ni Cristy Fermin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN