TV5 management settles dispute with employees union; grants P3,000 wage increase

Naging maayos ang pag-uusap ng union officials ng ABCEU at TV5 management, sa pamumuno ng Presidente nitong si Noel Lorenzana, Martes ng gabi, February 19. Ayon sa mga namumuno ng unyon, naplantsa ang kanilang kasunduan matapos ang ilang oras na pag-uusap.


Nagkaayos na ang pamunuan ng TV5 at ang opisyales ng ABC Employees Union (ABCEU) kaugnay ng mga hinihiling nilang probisyon sa Collective Bargaining Agreement (CBA).

Pasado alas-diyes kagabi, February 19—ang huling araw ng palugit ng ABCEU sa management bago maisakatuparan ang kanilang banta na tigil-trabaho—nagkasaraduhan sa kanilang kasunduan ang magkabilang panig at nagkapirmahan ng Memorandum Of Agreement (MOA).

Ginanap ang pag-uusap sa Reliance Studio ng TV5 sa Mandaluyong City.

Dinaluhan ito ng mga abugado ng TV5 management mula sa Siguion-Reyna Montecillo & Ongsiako Law Offices, ilang representatives ng TV5, at mga kasapi at opisyales ng union na pinangungunahan ni Heinrich Agcaoilli.



THE DEMANDS. Sa eksklusibong pakikipag-usap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Agcaolli, ilang minuto matapos ang pirmahan ngayong gabi, sinabi niyang masaya ang kanilang grupo sa naging resulta ng pag-uusap.

Saad niya, “Nakuha na po yung P3,000 wage increase, for the first year.

"Yung second year namin, zero siya, so okay lang po yun.

“Yung 14th month pay at saka yung signing bonus na P20,000.”

Ang unang naging hiling nila sa wage increase ay P9,000, na bumaba hanggang P4,000, at nagkasaraduhan sa P3,000.

Ang signing bonus naman na nauna nilang hiniling ay P35,000 ay nasarado sa P20,000.

Sabi ni Agcaoili, mas okay na rin ito dahil kung magkakaroon ng kasuhan sa Department of Labor and Employment (DOLE), mawawala ang signing bonus na kanilang hiling.

“Ngayon, parang goodwill, goodwill siya, naibigay naman siya na maganda naman ang usapan.

"Napakiusapan namin na magkaroon ng ganun na parang in good faith, basta maging maganda yung takbo ng bargaining."

Ang rice incentives na dati ay P1,500 every two months ay naging P1,300 ngunit buwan-buwan na ito.

Naibigay rin sa kanila ang 14thmonth pay, bukod pa sa inatas ng batas na 13thmonth pay sa regular employees.

THE STRUGGLE. Ilang buwan din ang naging takbo ng pag-uusap ng magkabilang kampo tungkol sa hiling na dagdag suweldo at iba pang mga benipisyo para sa mga empleyado ng kumpanya na miyembro ng union.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: TV5 employees threaten general strike after talks end in deadlock

Naiulat na rin ng PEP kahapon, February 18, ang tungkol sa mga kahilingan at patuloy na negosasyon ng ABCEU at management.

Nagpaunlak pa ng eksklusibong panayam ang ilang opisyales ng union sa PEP upang ilahad ang kanilang mga saloobin at nais nilang matupad sa pakikipag-usap sa namamahala ng istasyon bago sila gumawa ng hakbang.

Read: PEP EXCLUSIVE. TV5 employees union threatens work stoppage if final mediation fails

Matapos ang panayam ng PEP sa ilang opisyal ng unyon, nagkaroon ng pag-uusap ang magkabilang panig sa Persia House sa Pioneer St., Mandaluyong City.

Kabilang sa mga humarap sa kanila sina TV5 President Noel Lorenzana, Broadcast Operations Head Atty. Dan De Padua, at Human Resources Department Head Joy Aquino.

Pagpapatuloy pa ni Agcaolli, “Naging maganda ho yung takbo kagabi, naging maayos.

"Nagkaroon kami ng agreement, nagkamayan kami, naging matagumpay naman yung pag-uusap.”

Sinu-sino ba ang makakatanggap ng mga benipisyong ito?

Ayon kay Agacaoili, “Mga union members at mga rank and file na may sakop dito… depende kasi sa management, e, ang sakop dito.

"Mga non-supervisory, sakop sila sa rice incentives, Medicard na nagkaroon ng increase, nagkaroon ng adjustment.

“Ngayon, pagdating sa salary rates, prerogative kasi ng management yung mga union members.”

Naging masaya ba ang mga miyembro nila sa kinalabasan ng pag-uusap?

Saad niya, “Yes. Naging happy po ang mga members.

"Naging maganda naman po ang paliwanag namin sa kanila kung ano yung mga nahingi…

"Nag-meet halfway naman po ang mga union members at management.

"Naging maganda po ang naging usapan namin lahat.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN