New rape complaint filed against Vhong Navarro; Vhong’s camp refuses to be "diverted" from charges against Cedric Lee, Deniece Cornejo

Nahaharap si Vhong Navarro sa panibagong alegasyong panggagahasa na isinampa ng isang Roxanne Acosta sa Pasig Prosecutor’s Office kahapon, February 19.

Buwelta naman ng kampo ng actor-TV host, tila pakana raw ito ng grupo ni Cedric Lee, na sinampahan ng serious illegal detention at apat pang reklamo ni Vhong.

Pahayag ng legal counsel ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga ukol dito: "Some weeks ago, Cedric has already been saying tha


Nagsampa ng reklamong panggagahasa ang isang nagngangalang Roxanne Acosta laban sa actor-TV host na si Vhong Navarro sa Pasig City Prosecutor’s Office kahapon, February 19.

Ayon sa legal counsel ni Roxanne na si Atty. Virgilio Batalla, naganap ang insidenteng panghahalay diumano sa kanyang kliyente noon pang 2010.

“Lumapit po sa akin ang biktimang ito dahil siya ay nagkaroon ng lakas ng loob dahil sa mga nangyayari, iyong pangyayari na may nagsampa kay Vhong Navarro ng rape.

“Dahil nakita niya na puwede palang mangyari ito nang paulit-ulit sa ibang babae katulad niya,” saad ni Atty. Batalla sa panayam nina Boy Abunda at Kris Aquino sa programang Aquino and Abunda Tonight, kagabi, February 19.

Dagdag ng paliwang ni Atty. Batalla, ang isang biktima ng sekswal na pang-aabuso ay may palugit na 20 taon para magsampa ng reklamo laban sa suspek.

Giit pa niya, “At ang kliyente ko ay apat na taon lamang [pagkatapos noong nangyari], kaya hindi gaano katagal iyon.”

Nabanggit din ni Atty. Batalla na siya ay chairman ng Pinoy Lingap Foundation “na nagbibigay ng libreng abugado sa mga taong nangangailangan lalo na sa mga walang kakayahan.”

Sa hiwalay na ulat ng Radio DZMM Kabayan, na nakalathala sa ABS-CBN news online ngayong araw, February 20, sinabi ni Atty. Batalla na nilapitan siya ni Roxanne limang araw matapos pumutok ang balita kaugnay ng insidenteng pambubugbog kay Vhong sa Forbeswood Heights, Taguig City, noong January 22.

Determinado raw ang abugado na ipaglaban ang karapatan ng kanyang kliyente, kahit na itinuturing niyang “malakas na tao” si Vhong kumpara kay Roxanne na diumano’y biktima ng karahasang ginawa ng aktor.

Sabi ni Atty. Batalla, "Ang mga babae sa simula pa lang, biktima na.

"Kapag nagta-trial, biktima na, so itong kasong ito ang magbibigay-daan upang ang mga tao, katulad sa aming kliyente, ay puwedeng lumabas kahit ang kanilang kalaban ay sinasabing malakas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ganunpaman, may mga usap-usapang si Roxanne ay kaibigan diumano ni Cedric Lee, isa sa anim na kalalakihang gumulpi kay Vhong noong gabi ng January 22.

Kaugnay ng insidenteng ito ang reklamong panggagahasa na isinampa ni Deniece Cornejo laban kay Vhong noong January 29.

Nang tanungin ni Radyo DZMM Kabayan host Noli de Castro si Atty. Batalla tungkol sa alegasyong kakilala ni Cedric ang kanyang kliyente na si Roxanne, sagot nito:

“Wala po tayong impormasyon na ibinigay sa atin ng aking kliyente nung siya ay dumulog sa aming opisina upang humingi ng tulong.”

Sa naturang radio interview, pinangalanan ni Atty. Batalla ang kanyang kliyente na si Roxanne Acosta, isang aspiring beauty queen na naging finalist ng Miss Resorts World 2010 at Miss Bikini Philippines.


DIVERSION TACTICS? Sa kabilang banda, hindi natinag ang legal counsel ni Vhong Navarro na si Atty. Alma Mallonga sa bagong reklamong panggagahasang isinampa laban sa kanyang kliyente.

Saad ng abugada sa panayam ng programang Aquino and Abunda Tonight kagabi, “Gusto lang namin sabihin na kahit naman sino ay puwede mag-kaso.

"Ang tanong ay kaya mo ba patunayan iyong paratang? May ebidensiya ka ba?"

Kinuwestiyon din ni Atty. Mallonga ang motibo sa likod ng reklamong panggagahasang isinampa ni Roxanne laban kay Vhong.

Sabi niya, "This filing is not unexpected but, you know, this is really irrelevant. Puwede mong itanong, ’Bakit ngayon lang?’

“If you’re saying that you were inspired by the rape complaint of Deniece, alam na natin na hindi iyon nangyari.

“Imposible, dahil nakita natin sa ating dalawang mata na hindi iyon nangyari, that you cannot rape a person who was not there.

"You cannot witness a rape when the victim is not even there."

Ang tinutukoy ni Atty. Mallonga ay ang CCTV footages na inilabas ng National Bureau of Investigation (NBI) kaugnay ng pagdating at pag-alis ni Vhong at ng grupo nina Deniece at Cedric noong gabi ng January 22.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: Vhong Navarro story matches CCTV footage, says NBI

Naniniwala rin si Atty. Mallonga na bahagi ito ng “pasabog” na niluluto ng kampo ni Cedric upang sirain umano ang reputasyon ni Vhong.

Paliwanag niya, "Some weeks ago, Cedric has already been saying that he’s been talking to some women, and I understand that his lawyer also said na mayroon silang pasabog.

"Hindi kami nagulat kasi intindi pa nga namin that this is just the first of others."

Sa mga naunang panayam kay Cedric, pagkatapos pumutok ang balita tungkol sa pambubugbog kay Vhong, sinabi niyang ilang babae pa ang handang magsalita upang isalaysay ang pangmomolestiya na ginawa rin diumano sa kanila ng aktor.

Maging si Deniece ay may pahayag din kaugnay rito.

Sa panayam niya sa 24 Oras noong January 27, sinabi niyang hindi ito ang unang pagkakataong may inabusong babae si Vhong.

Aniya, “Nalaman ko lang po sa mga kaibigan ko na may history din po.

“Nag-text din po sa akin yung mga random people na nagpapasalamat po sa akin dahil mga minanyak din po, minolestiya, yun po, ni ano, ni Vhong.”

Read: Deniece Cornejo stands by attempted rape allegation against Vhong Navarro; bent on filing case against him

Sa ngayon, alam na raw ni Vhong ang tungkol sa bagong reklamong panggagahasa na isinampa ni Roxanne laban sa kanya.

Ganunpaman, mas mahalaga raw na tutukan ang reklamong serious illegal detention case, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail na inihain ni Vhong laban sa grupo nina Cedric at Deniece sa Department of Justice.

“Huwag tayong ma-distract. Ang kaso ay serious illegal detention against Cedric, Deniece, and Berniece [Lee, Cedric’s sister].

"We will not be diverted by any issue. This supposed complaint has nothing to do with the case."

Handa rin daw humarap ang kampo ni Vhong sa nakatakdang ikalawang pagdinig sa DOJ (Department of Justice) para sa naturang reklamo bukas, February 21.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kasama rin sa tatalakayin sa naturang hearing ang reklamong panggagahasa na isinampa ni Deniece laban kay Vhong.

Sa huli, tinanong si Atty. Mallonga kung sa palagay ba niya ay konektado si Cedric sa bagong alegasyong panggagahasa laban kay Vhong.

Maiksi ngunit direktang sagot ng abugada, "Of course."

CEDRIC’S REACTION. Kinuha naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang reaksiyon ni Cedric kaugnay ng pahayag ni Atty. Mallonga na ang pagsasampa ng panibagong kasong rape laban kay Vhong ay "pasabog" ng kampo ng negosyante.

Ito ang sagot ni Cedric sa text message na ipinadala niya sa managing editor ng PEP na si Karen Pagsolingan ngayong hapon, February 20, published as is:

"What pasabog? Never mentioned any pasabog. its common knowledge that hes a rapist. he just hit his tipping point."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN