Vice Ganda admires Aiza Seguerra’s marriage proposal to girlfriend Liza Diño

Bagamat masaya si Vice Ganda para kay Aiza Seguerra at sa girlfriend nitong si Liza Diño, sinabi ng komedyante na hindi siya magpapakasal. Saad niya, "I have nothing against people na kinu-consider ang marriage. Sobrang maganda yun. Pero sa akin, sa lifestyle ko, sa personality ko, parang it will never happen to me. Hindi ko nakikita ang sarili ko na magpapakasal."


Pinuri ni Vice Ganda ang mapangahas na marriage proposal ni Aiza Seguerra sa kasintahan nitong si Liza Diño.

Naganap ang wedding proposal ni Aiza kay Liza sa gitna ng pagtatanghal nila sa play na Kung Paano Maghiwalay, sa Teatro Hermogenes Ylagan ng University of the Philippines, sa Diliman, Quezon City, noong February 7.

Read: Aiza Seguerra and girlfriend Liza Diño are now engaged

Sabi ni Vice tungkol dito, “Sobrang kahanga-hanga, nakakainggit, ‘di ba? At saka inspiring.

“Kasi lalo na siya, powerful kasi si Aiza.

“Kasi yung istorya niya, mas maraming interesadong makaalam dahil nga artista siya.

“Yung fame niya, may power yun, e.

“At yung power na yun ay magagamit natin to inform the society na merong ganito, it happens and this is something beautiful… kasi ang ganda ng istorya niya.

“Sana nga marami pang ganito, maraming tomboy na maging masaya.

“Kasi maraming tomboy na gustong magka-asawa, na maging normal na lang sa paningin ng lahat.”

Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Vice kung sa tingin niya ay nakatulong ang segment nila sa It’s Showtime na “That’s My Tomboy” upang ma-encourage ang ibang mga tomboy na lumabas at i-express ang kanilang sarili.

Tugon ng comedian-TV host, “Sobrang nakatulong.

“Even themselves, yung mga contestants, in-acknowledge nila at ni-recognize nila yung magandang naidulot nung segment para sa buhay nila o para sa mga katulad nilang tomboy.

“Lahat ng mga tomboy, ni-recognize, ine-empower, at in-appreciate ng mga manonood.

“Sobrang taas ng ratings na yun.”

Nakapanayam ng PEP si Vice sa thanksgiving party nito para sa press kagabi, February 19, dahil sa box-office success ng pelikula niyang Girl Boy Bakla Tomboy, na naging entry sa 2013 Metro Manila Film Festival.

Isinabay na rin nito ang post-Valentine treat niya para sa entertainment media.



NO TO GAY MARRIAGE. Kung sakaling may mag-propose sa kanya ng kasal, hindi niya ba ito itatago sa publiko? Posible rin bang pumasok siya sa gay marriage?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad ni Vice, “Sa akin, hindi ko nakikita ang sarili kong magpapakasal.

“Saka hindi ko pa nakikita yung dyowa ko na magpapakasal sa akin.

“Hindi ko… I have nothing against people na kinu-consider ang marriage. Sobrang maganda yun.

“Pero sa akin, sa lifestyle ko, sa personality ko, parang it will never happen to me.

“Hindi ko nakikita ang sarili ko na magpapakasal.”

Ibig sabihin, kahit yayain siyang magpakasal ng lalaking nauugnay sa kanya ngayon ay hindi niya tatanggapin?

Sagot ni Vice “Hindi, kasi nga gusto ko nga siyang magpakasal, e. At nakikita ko siyang magpapakasal sa babae.

“Ako rin, gusto ko siyang makitang nagpapakasal sa babae.”

Mas gusto niya ba ng tunay na lalaking karelasyon kaysa sa kapwa niya bading?

Sabi ng It’s Showtime host, “E, wala namang nagkakagusto sa aking bading.

“Super pa-girl kasi ako. Hindi ako lapitin ng mga bading…

“Na nakikita nilang nagta-tanga sa TV. Gugustuhin ba nila yun? Hindi.

“Kaya yung mga nagiging dyowa ko, straight.

“Ang tingin nila sa akin, hindi bading, girl.”



MYSTERY GUY. Matagal nang intresado ang marami na makita o masilip man lang ang mystery guy na sinasabing boyfriend ni Vice.

Pero kahit high-profile celebrity si Vice, hanggang ngayon ay hindi pa rin niya inilalantad sa publiko ang lalaki.

Paano nila nagagawang itago ang pagtatagpo nila? Meron bang oras kung kailan lang dadalaw ang lalaki sa bahay niya?

Paliwanag ni Vice, “Hindi naman kami nakikita, kasi hindi naman talaga kami lumalabas sa Pilipinas.

“Kasi nga, pag lumabas ka, expect mo na, na meron at merong makakakita.

“Pag merong nakakita sa inyo, huwag ka nang umarte at magalit na, ‘Ano ba ‘yan, nakita pa rin tayo?’

“E, lumabas ka, e! Para walang nakakakita, huwag kang lumabas.”

Dagdag niya, “Yun nga, sinasabi ko, kapag ginawang pelikula yung love story namin, [ang title] Pag-ibig Sa Silid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi, simula nang magsimula kami hanggang ngayon, sa bahay lang talaga kami. Hindi talaga kami lumalabas.

“Kung lalabas man kami, hindi sa Pilipinas, magastos. Sobrang magastos.”

Nag-abroad na ba silang dalawa ang magkasama?

“Oo,” sagot ni Vice.

Magkasabay ba sila ng eroplano?

“Hindi.”

Pareho ba sila ng araw at oras ng alis?

“Hindi rin.”

Ibig sabihin, nagkikita na lang sila sa kung saan sila pupunta?

“Oo, nagkikita na lang kami doon.

“Hindi talaga kami puwede dito. Ayoko, e. Ang hirap, e.

“Kasi kailangan talaga naming mag-sacrifice to keep it.

“Kung hindi ka naman magsasakripisyo at hindi ka naman mag-iingat talaga, masisira at masisira.

“Kasi, marami talagang gustong sumira, e.

“Maraming gustong makakita na malungkot ako, yung ganun.”

Meaning, may mga nakakaalam na tungkol sa boyfriend niya?

“I think it’s an open secret to everyone,” sagot ni Vice.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN