Geoff Eigenmann on girlfriend Carla Abellana: "She accepted me for who I am—na hindi ako romantic."

Geoff Eigenmann on prankness and being sarcastic of girlfriend Carla Abellana: "That’s her, e... those were the things that I really like about her since the beginning."


“Yun siya, e!”

Ito ang natatawang sagot ni Geoff Eigenmann tungkol sa pambubuko sa kanya ng girlfriend na si Carla Abellana tungkol sa hindi niya pagiging sweet at romantiko.

Naunang nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Carla sa presscon ng pinagbibidahan nitong horror film, ang Third Eye, noong Lunes, February 17.

Hindi rin naging maganda ang dating sa ilang press sa paraan ng pagsagot ni Carla sa ilang katanungan tungkol sa kanila ni Geoff.

Nang makausap naman ng PEP si Geoff sa pocket presscon ng kinabibilangan niyang primetime series sa GMA, ang Adarna, kahapon, February 19, sa 17th floor ng GMA Network Center, natawa ang aktor nang kinuha ang kanyang reaksiyon sa mga naging pahayag at paraan ng pagsagot ni Carla.

Partikular na ang sinabi ni Carla na ang press lang ang gumagawa ng kuwento tungkol sa plano nilang pagpapakasal ni Geoff.

Paliwanag naman ng Kapuso actor, “E, kasi, on our part, we don’t talk about it nga.

“Even if we’re asked during press interviews, we talk about it, kami, we don’t talaga.

“Siguro I’ve been more open about it than she has been.

“So, yun ‘yon, e. Kasi nga, we don’t talk about it.”

Ibig sabihin ba nito ay nakakapagsabi siya sa press ng ilang plano niya o gusto niyang mangyari sa relasyon nila, pero kay Carla ay hindi?

Tugon ni Geoff, “Siyempre, hindi ko naman sasabihin. Mas maganda kung surprise.

“I have things laid out in my head in a certain way, so as much as possible, gusto kong gawin yun.

“I don’t think at the certain order. Hindi ko pa nauumpisahan kung paano ko gustong umpisahan, so no other things will follow.

“I want to start with rule number one, number two, before it happens.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



CARLA’S “SPECIAL QUALITIES.” Tanggap naman daw ni Geoff kung anuman ang ilang katangian ng kasintahan na maaaring hindi nagugustuhan ng ibang tao.

Kabilang na rito ang pagiging prangka at tila sarkastiko nito sa pagsasalita.

Ayon kay Geoff, “That’s her, e, and I think those were the things that I really like about her since the beginning.

“Napagsabihan ko na siya before, noong umpisa. Pero wala, e, ganoon talaga siya.

“So, why change?

“It’s how she is. With her family, that’s how she is. Ganoon siya lumaki.

“So, why would we change something that, for me, nothing’s wrong o hindi siya?

“Sa akin, walang problema.

“And for those who really get to know her well enough will eventually see na, ‘Oo nga, that’s not what she means in a certain way talaga.’

“I accepted her for who she is.

“And on her part, she accepted me for who I am—na hindi ako romantic.

“So, I guess, I’m not sweet that way.”



ROMANTIC GUY. Hindi ba talaga siya romantic?

“Sa tingin mo?” natatawang balik-tanong niya sa amin.

Pero dagdag din ni Geoff, “Well, I have my moments, yeah…”

Pero sa loob ng tatlong taon ng pagiging magkasintahan nila, may mga pagkakataon bang ipinapakita rin ni Geoff ang pagiging romantiko niya kay Carla?

Sabi ng Kapuso actor, “Marami naman, I take her out.

“Noong time na naging kami, she was in Boracay with her family, I showed up.

“’Tapos, merong nasa taping kami, birthday niya, there’s a string quartet… marami na rin, meron naman.

“It’s all in videos, naikuwento na lahat ‘yan.”



LOVERS’ QUARREL. Dahil na rin sa mga naging sagot ni Carla sa interview nito tungkol sa naging Valentine’s Day nila ni Geoff, may mga nagsasabing baka nagkaroon sila ng lovers’ quarrel o magkagalit sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May tampuhan nga bang naganap kaya hindi natuloy ang dinner date nila?

Natatawang sagot ni Geoff, “Kung meron man... well, it happens.

"It’s part of the relationship. Keep the spice in it.

“Ano lang naman yun, it’s a minor bump. It’s something na I’m definitely not worried.

“It’s not that na maghihiwalay kami or anything.

“It’s something that I’m laughing about it now despite of everything. So, yun…”

Nag-away ba sila?

“No, no… honestly, we don’t fight for over a year or two maybe.”

Bakit hindi natuloy ang dapat ay Valentine’s dinner nila?

Paliwanag ni Geoff, “I was supposed to be working that day, nag-last minute cancellation, and she wasn’t feeling well that day. I had to cancel.”

In short, nagtampo si Carla?

“I guess you can say that. Things happen,” pag-amin din niya.

Okey na ba sila ni Carla ngayon?

Sagot niya, “Hindi pa kami nagkikita, pero oo naman, okay kami.

“Nagtatawagan kami, nag-uusap kami.

“But we haven’t… siguro noong past two weeks, we’ve seen each other once or twice.

“Noong Valentine’s Day, nagkita kami at, doon, napag-usapan namin na we have to cancel our dinner.”



WEDDING TALK. Noon, parang mas open si Carla na sumagot kapag tungkol sa kasal ang pinag-uusapan.

May ilang nakapansin naman na tila nagbago ng isip si Carla tungkol sa kasal mula nang lumabas ang isyung tila hindi pa pabor ang ama ng aktres na si Rey “PJ” Abellana sa pagpapakasal ng anak.

Ano ang masasabi ni Geoff dito?

Sagot niya, “Well, ako naman, siyempre lahat naman ng tatay, ayaw ibigay ang kanilang anak para ipakasal.”

Bakit naman ang ina ni Geoff na si Gina Alajar ay gusto na siyang maikasal?

Tugon ng aktor, “E, nanay ko yun, iba yun.

“Iba siyempre kapag daddy ka, that’s your little girl basically, your princess.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So I’m sure, if I were a dad, I’ll feel the same way.

“Kung mangyayari man yun, and I’ll pursue with my plans, he’s definitely one of the first people who would know, at hindi naman mawawala yun.

“And no matter what happens, the respect’s there and I will do the right way.”



PROPOSAL. Sa panayam kay Carla, sinabi nitong hindi siya nag-e-expect ng bonggang proposal mula kay Geoff.

Pero kung sakali, mag-e-effort ba si Geoff kung sakaling mag-propose na siya ng kasal?

“Oh, definitely, it won’t be romantic. Bibigyan ko siya ng sakit ng ulo—sakit ng ulo na proposal!” natatawang biro niya.

Dagdag ng aktor, “No, it’s not gonna be the usual. It’s gonna be something different.

“I don’t know what it would be, but I will think of something.

“I’ve always prided myself in being original about certain things, so hindi magbabago yun.

“Gusto ko naiiba. I never conform, I don’t like cliché.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN