Vice Ganda tells Kris Aquino to look for a foreigner boyfriend

Paniniwala ni Vice Ganda, isang foreigner ang nababagay para sa kaibigan niyang si Kris Aquino. Paliwanag ni Vice, “Intimidating para sa kahit na sinong lalaki ang manligaw sa isang Kris Aquino. Kaya nga sabi ko, ‘Foreigner talaga ang magpapasaya sa iyo, e. Unang-una, hindi ka niya kilala. Hindi niya kilala ang lifestyle mo, ang pamilya mo, kung anong path mo.’ Walang judgement, ‘di ba?”


Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakahanap ng bahay na malilipatan si Vice Ganda.

May nakita na raw sana siyang property, pero kahit pasado ito sa kanyang taste, pinalampas pa rin niya ang pagkakataong makuha ito.

Kuwento ni Vice, “Kagabi [February 18], may pinuntahan kami ni Kris [Aquino] na okey na sana talaga, na sobrang ganda nung property. Penthouse siya sa isang bonggang lugar.

“Pero kaya lang, ang mahal nung monthly dues. Kasi penthouse siya ng condo, e.

“Mahal pero ang ganda talaga, e. Okey na ‘yan, pagtatrabahuhan ko na lang ito.

“Kaya lang, yung monthly dues, P250,000 a month! Para akong naghuhulog ng panibago pang bahay.

“Nung kinu-compute namin ni Kris… sabihin na nating tumira ako dito ng dalawa hanggang tatlong taon, napakalaki ng tinapon kong bahay.

“So, sabi niya, ‘Asawa, huwag na ‘yan!’

“Kaya nga nahihirapan na ako, gusto ko nang lumipat.

“Kasi nung dati na nagustuhan ko, nagbago ang isip ko, hindi ko na itinuloy.

“So, habang umaalis ako ngayon, inaayos na nila. Ang dami na nilang inipon na ipi-present nila sa aking properties.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media si Vice noong Miyerkules, February 19, sa inihanda niyang thanksgiving at post-Valentine party para sa press.



SUCCESSFUL LOVELIFE. Kung si Kris ay tinutulungan siya sa paghahanap ng bahay, si Vice ba ay binibigyan ng advice si Kris para magkaroon ng successful lovelife, gaya niya?

Tugon ni Vice, “Ang ibinigay ko sa kanyang advice lately, yung sinabi ko sa kanya na ’seize the moment.’

“Sabi ko, ‘Deserve mong maging masaya.

“’You have been working so hard for your family, for your position here in the business.

“’You have been working hard for so many years, you deserve to be happy.

“’Kung anuman ‘yan, maliit o malaking dahilan ng pagngiti mo, i-grab mo na.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Ang importante, masaya ka na.’”

Bakit ba nahihirapan ang isang Kris Aquino na makahanap ng lovelife?

Sagot ni Vice, “E, kasi nga, unang-una, Kris Aquino siya, ‘di ba?

“Intimidating para sa kahit na sinong lalaki ang manligaw sa isang Kris Aquino.

“Kaya nga sabi ko, ‘Foreigner talaga ang magpapasaya sa iyo, e.

“’Unang-una, hindi ka niya kilala. Hindi niya kilala ang lifestyle mo, ang pamilya mo, kung anong path mo.’

“Walang judgement, ‘di ba?”

Lumalabas na parang mas bongga pa ang lovelife ng mga bading kaysa sa babae?

Sabi ni Vice tungkol dito, “Wala namang kuwestiyon na yung gender.

“Ngayon, sasabihin ko na parang mas bongga, kasi halos araw-araw may kasama akong dyowa, merong akong kaharutan sa telepono. Pero siya, hindi masyado.

“Pero kung tutuusin, mas masuwerte siya, kasi siya ang may chance na magpakasal.

“Hindi naman ako pakakasalan ng dyowa ko.”



VHONG NAVARRO. Samantala, hindi pa raw alam ni Vice kung kailan ulit mapapanood sa It’s Showtime ang kasamahan nila sa programa na si Vhong Navarro.

Lahad niya, “Binisita ko siya nung isang araw.

“Feeling ko, matagal pa, e. Ang dami pa niyang aasikasuhin.

“Saka yung hitsura niya, hindi pa okey.

“Yung blackeye niya, hindi pa rin nawawala. Saka parang bumababa na yung blackeye.

“Sabi ko nga, ‘Ang tagal naman niyan.’ E, ganun daw talaga ang pasa habang tumatagal.

“Lalo pa’t ginawa yung ilong niya, parang lalong umitim, lalong namaga.

“’Tapos nung nawala na yung maga, kumakalat na yung blackeye.

“Dati, parang isang bilog na itim lang. ‘Tapos ngayon, kumakalat, bumababa.

“Ganun daw talaga ang hematoma, kumakalat, bumababa.”



SERIOUS MOVIE. Tungkol naman sa paggawa ng isang medyo seryosong pelikula at hindi nagpapatawa lang, gaya ng indie film, hindi pa raw nakikita ni Vice ang sarili sa ganitong project.

Paliwanag niya, “Gustuhin ko man po, parang hindi rin naman ia-advice sa akin ng management. Kasi mawawala ako sa linya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, since nag-e-enjoy sa akin yung tao sa comedy at gusto nila akong nakikita na laging nagpapatawa…

“Kapag lumihis ako doon, baka hindi kagatin.

“E, siyempre, kailangan i-maintain yung market ng comedy at kung ano yung kakagatin ng masa.

“Nakakatakot din po kasing mag-experiment.

“Kapag hindi kinagat, baka mahirapang akong bumalik sa dati.”

Nagpahayag naman ng kanyang pagnanais si Vice na makagawa ng isang makabuluhan at seryosong pelikula.

“Opo, gusto ko rin po.

“Kahit ang management, sinabi rin sa akin na, ‘In due time, gagawa ka ng indie film, but not not anytime soon.’

“’Di ba, lahat naman gustong magpaka-artist? Gusto ko rin naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN