Yassi Pressman thankful to Andre Paras "for finding something special in me."

Yassi Pressman on Andre Paras: "I also find him super cute... Andre is really tall and he’s gonna stand out sa crowd. He’s really funny... kahit sa backstage ay kalog siya. Ang ibang tao, tingin sa kanya, soft-spoken. Pero marami namang nagsasabing suplado siya. Pero if you know him, he’s really a wonderful person."


May bagong look ngayon si Yassi Pressman. Nagpaputol na kasi ito ng dati niyang mahabang buhok.

Tuloy marami ang nag-aakala na ito ay dahil kay Andre Paras na umaming may crush sa kanya.

Natatawang bungad ng actress-VJ, "This is planned by Viva [Artists Agency] po talaga.

"It was advised also by some of my friends and it was styled by no other than Celeste Tuviera."

Si Celeste Tuviera ang creative director ng Symmetria Salon na madalas gamitin sa fashion photo shoots ng ilang kilalang fashion magazines.

"I had it cut para new talaga, first time ever in my life.

"Kahit konting pagbabago lang as long as you’re brave enough."

Kasabihang kapag ang babae ay nagpaputol ng buhokm. erong pinagdadaanan.

Totoo ba ito para kay Yassi?

"Wala akong pinagdadaanan," natatawang reaksiyon ng MTV Pinoy VJ.

"Honestly, maiintindihan ng lahat ng mga babae ’yan na kapag nagpagupit, iba ang feeling.

"First, I really feel light kasi, dahil mabigat ang hair ko.

"And then, I feel na parang carefree ako.

"Yung unang gupit sa mahaba kong hair, naluha talaga ako then natuwa ako na naiyak.

"But later, nasanay na ako and I began to like it."

ANDRE’S CRUSH. Si Yassi ay naka-contract ng limang taon sa Viva Artists Agency bilang talent.

Nakausap ito ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng bagong offering ng Viva Films, ang Diary ng Panget kamakailan.

Siya at si Andre ang mga bida rito kasama sina Nadine Lustre at James Reid.

Tinanong namin ang aktres kung ano na ang development mula nang aminin ni Andre na crush nga siya nito.

Si Andre ay anak ng komedyanteng si Benjie Paras at ng dating aktres na si Jackie Forster.

Maliban sa pagiging artista ay miyembro rin ito ng UP Maroons basketball team.

Muling natatawang sabi ng aktres, "Hindi ko talaga alam.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"I am single... Whatever.

"Right now, hindi ko iniisip na magka-boyfriend na ulit.

"But if someone is really nice to me, ba’t hindi ko papansin, ’di ba?

"It doesn’t mean naman na magiging boyfriend ko siya kaagad.

"Right now kasi, ayaw ko muna talagang isipin ang magkaroon ng relationship.

"Ayoko po, ayoko po talaga muna."

Hindi pa ba nagpaparamdam si Andre?

"Wala, wala," mariing sagot niya.

"And we are really close right now, all of us sa MTV Pinoy kasama sina Josh [Padilla] at Sam [Pinto].

"Basta kami, masaya kami lagi sa set.

"Kahit sa movie naman, we’re like close talaga na para kaming mag-best friends talaga.

"Hanggang doon lang muna kami.

"But we’ll never know… I’ll never know."

Sa tingin ba niya ay isang potential boyfriend material si Andre?

Sagot ni Yassi, "I can’t see anything like that.

"We are friends...we are all friends."

WONDERFUL PERSON. Paano kung isang araw ay mag-iba ang ihip ng hangin at ligawan nga siya ni Andre?

Halimbawa, imbitahan siya sa isang dinner date?

Kaswal na sagot ni Yassi, "Dinner? Oh, sure. Movies? Why not, we’re friends naman.

"I also find him so super cute lalo na lagi kaming magkasama at meron pa nga kaming bagong movie.

"Andre is really tall and he’s gonna stand out sa crowd.

"He’s really funny na kahit sa backstage ay kalog siya and you can see that everyone is laughing."

Dugtong pa niya, "Meron siyang sinasabi na nakakatawa at nakakatuwa rin.

"Ang ibang tao, ang tingin sa kanya ay soft-spoken siya. Pero marami namang nagsasabing suplado siya.

"Pero if you know him, he’s really a wonderful person."

Ngayong alam na ng publiko na crush nga siya ng six-footer na cager at co-VJ niya, hindi ba sila nagkakailangan sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Reaksiyon ni Yassi, "No, walang ilangan.

"Actually, mas nakakatuwa pa nga, e.

"An admiration from anybody, kahit sa ibang tao pa ’yan o fans, sobrang naa-appreciate ko.

"Sino ba naman ang ayaw ma-appreciate, ’di ba?

"Dahil dun, I’m thankful kay Andre for finding something special in me, kung ganun."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN