Vhong Navarro’s lawyer insists rape complaint filed by Deniece Cornejo “has no evidence”

Ginanap ang pangalawang preliminary investigation sa mga reklamong inihain ni Vhong Navarro laban sa grupo nina Cedric Lee at Deniece Cornejo kaninang hapon, February 21. Ayon sa abugado ng aktor na si Atty. Alma Mallonga (main photo), hindi na kailangang dumalo ang kanyang kliyente sa pagdinig dahil napirmahan at nasumpaan na nito ang kanyang affidavits noong February 6.

Dumating sa preliminary investigation kanina ang mga respondents sina Cedric Lee, Zimmer Raz (u


Ginanap ang pangalawang preliminary investigation kaugnay ng mga kasong inihain ni Vhong Navarro laban kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Bernice Lee, Simeon “Zimmer” Raz, at iba pa, sa Department of Justice (DOJ), kaninang hapon, February 21.

Ang mga reklamong inihain ng aktor laban sa mga respondents ay "serious illegal detention, serious physical injuries, grave threat, grave coercion, at blackmail."

Ito ay kaugnay ng pambubugbog kay Vhong noong gabi ng January 22, Miyerkules, sa condo unit na tinutuluyan ni Deniece sa Forbeswood Heights, Bonifacio Global City, Taguig.

Read: Vhong Navarro identifies alleged masterminds behind mauling incident

Dumating sa ikalawang preliminary investigation kanina sa DOJ sina Cedric, Deniece, Bernice, Zimmer, at ang mga abugado nila upang magsumite ng kani-kanilang counter-affidavits.



VHONG IS NOT NEEDED. Bandang alas-dos ng hapon, dumating ang abugado ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga sa Forum Building ng DOJ, sa Ermita, Manila.

Kaagad itong nagpaunlak ng panayam sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media na nag-aantabay sa mga kaganapan kanina.

Bungad niya, “Ang expectation, magsa-submit sila ng counter-affidavits nila, Bernice, Cedric, Deniece, at iba pang akusado.”

Pero hindi raw siya sigurado kung darating ang mga ito.

Saad ni Atty. Mallonga, “Posible rin kasing ang abugado lang ang pupunta sa kanila, makinig tayo sa kanila, sa gusto nilang sabihin.”

Hindi kasama ni Atty. Mallonga ang kanyang kliyenteng si Vhong.

Paliwanag niya, “Hindi siya kailangang dumalo kasi ngayon.

"Remember, nag-appear na po si Vhong, siya’y nanumpa [na] sa kanyang tatlong sinumpaang salaysay.

“And then, nag-submit pa ang NBI [National Bureau of Investigation] ng evidence, which fully support yung sinasabi ni Vhong.

"Including additional CCTV footages na nakita natin at mga iba pang testimonies of security guards, police officers, whose testimonies are fully consistent sa sinasabi ni Vhong.

“So, hindi darating si Vhong ngayon dahil hindi siya kailangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang dapat dumalo, kung gusto sumagot, ay mga respondents na kasama dun yung tatlo [Cedric, Deniece, Bernice].”

Noong February 6, mula sa St. Luke’s Medical Center, sa Quezon City, kung saan siya na-confine ng ilang linggo, dumiretso si Vhong sa tanggapan ng DOJ upang personal na pirmahan at sumpaan ang kanyang mga reklamo at supplemental affidavits laban sa kampo nina Cedric, Deniece, at iba pa.

Read: Vhong Navarro submits supplemental affidavit to DOJ

Read: Vhong Navarro camp confident about complaints against Deniece Cornejo, Cedric Lee

Ang tinutukoy namang CCTV (closed-circuit television) footages ni Atty. Mallonga ay ang kuha noong January 22, kung saan nakapaloob ang mga kaganapan sa elevator bago at pagkatapos mabugbog ni Vhong.

Dito rin nakita ang paghalik ni Cedric kay Deniece habang nasa loob sila ng elevator.

Read: New CCTV footage shows Cedric Lee and Deniece Cornejo kissing in the elevator after filing blotter report against Vhong Navarro



NEW RAPE COMPLAINT A BAD TIMING? Bukod sa rape complaint na inihain ni Deniece laban kay Vhong sa Taguig Regional Trial Court (RTC) laban, may panibagong reklamong panghahalay ang inihain laban sa aktor.

Ang complainant ay si Roxanne Acosta Cabanero, isang aspiring beauty queen, na nagsabing ginahasa rin siya ni Vhong noong 2010.

Inihain ni Roxanne ang kanyang reklamo sa Pasig City Prosecutor’s Office noong Miyerkules, February 19.

Read: New rape complaint filed against Vhong Navarro; Vhong’s camp refuses to be "diverted" from charges against Cedric Lee, Deniece Cornejo

Kanina ay kinuha ng media ang reaksiyon ni Atty. Mallonga tungkol sa pagsulpot ng panibagong reklamong ito laban sa kanyang kliyente.

Saad niya, “Ang gusto naming sabihin, kahit sino ay puwede mag-file ng complaint.

“Ang tanong lang, ito ba’y related sa kaso ngayon na nakasampa laban kina Mr. Lee and Bernice Lee at saka si Deniece?

“Sa ilalim ng batas, sa ebidensiya, hindi walang kinalaman. Sinusunod natin ang proseso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sinunod ni Vhong Navarro ang proseso.

"Nagsampa siya ng kaso and we are now with the Department of Justice, he appeared before the Department of Justice, and there’s a process of preliminary investigation.

“Soon, sa isang kaso na hindi pa namin nare-receive yung complaint, we will also observe the process.

"Pag si Mr. Vhong ay sinabihan na sumagot, sasagot kami, pag-aaralan at sasagutin.

“Pero walang kinalaman yun…

"Yun ang sinasabi ko, ‘no. Huwag nating pagdikitin itong mga kaso.

"Ang sabi ng bagong complainant kasi, siya ay na-inspire at nag-gather siya ng lakas dahil doon sa pagsampa ng kaso ni Deniece ng rape.

"Pero maliwanag na maliwanag po na walang basehan yung sampa ng kaso ni Deniece ng rape.

“Wala siyang ebidensiya.

“On the contrary, klarong-klaro, base sa mga testimony ni Vhong, testimony nung security guards, yung CCTV, na walang rape na maaaring ginawa.”

Hindi ba sila duda sa timing ng panibagong rape complaint laban kay Vhong?

Sabi ni Atty. Mallonga, "Of course, it has raised legitimate questions, I think naman. ‘Di ba, nakapagtataka?

“Hindi ko pa nakikita yung complaint ano, pero ang balita, four years ago pa ito nangyari.

"So, even if you have twenty years to file your complaint, ang tanong dun, e, bakit hindi ka nagsampa?

“At bakit ngayon kung kailan na merong nakasampang kaso laban kina Mr. Lee, na ngayong araw na ito didinggin?”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN