Kylie Padilla admits to being surprised by last-minute cast changes in Adarna

Kylie Padilla on the unexpected changes in Adarna’s casting: “Noong una talaga, nabigla ako. Kasi, akala ko, ako ang Ibong Adarna. Sa totoo lang. Pero sabi ko, okay, kung kailangan sa istorya. Nabigla ako, but then, you know, ganoon talaga.”


Kumpara noon, masasabing ibang-iba ang naging Valentine’s Day ni Kylie Padilla kasama ang boyfriend niyang si Aljur Abrenica.

Nagawa pang ibahagi ng dalawa ang kanilang mga sweet moments sa fans sa pamamagitan ng YouTube.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Kylie sa pocket presscon ng primetime series niyang Adarna para sa nalalapit na pagtatapos nito sa March 7, ito agad ang isa sa itinanong kay Kylie kung bakit nila naisipang isapubliko ang kanilang date.

“May YouTube channel ako, so yun ang naisip kong episode, yung Valentine’s namin.

“Pero ang plano ko talaga, iti-treat ko siya, kaming dalawa lang. Kasi mawawala ako for his birthday, mag-o-Australia ako, one month,” panimula niyang saad.

Sa March 24 ang birthday ni Aljur.

“Kaya ginawa ko para sa birthday niya kasi, wala ako,” dagdag ni Kylie.

Sobrang saya?

“Oo,” nakangiting sagot niya.

Ayon pa kay Kylie, "malambing" daw na boyfriend si Aljur.

May naging Valentine’s gift din ba sila sa isa’t isa?

“Yung time, yun na yun. Si Aljur kasi, hindi rin naman kasi siya maano sa gamit. Si Aljur, binigyan niya ’ko ng flowers. ’Tapos ako, yun, treat ko yun sa kanya.”

Ikatlong Valentine’s na raw nila ni Aljur ngayong taong ito.

VACATION IN AUSTRALIA. Samantala, sa March 18 naman daw aalis si Kylie papuntang Australia.

Magpapahinga lang daw muna siya sa Australia kunsaan nakatira ang kanyang Mommy na si Liezl Sicangco.

“Magpapahinga, matutulog, magdya-jogging, magbabasa, magsu-swimming,” natatawang sabi niya.

May kinalaman ba rito ang pagkaka-confine niya sa ospital kamakailan lang?

“Ano lang, migraine. Stress lang daw. Nagpa-MRI [magnetic resonance imaging] ako kasi baka may tumor na hindi ko alam.

“Praning ako sa mga ganyan kasi, hindi mawala. Ang tagal. ’Tapos ang hirap mag-concentrate.

“Naging bitch ako sa set. Akala nila bitch ako, pero hindi, ang sakit talaga ng ulo ko,” kuwento niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

NO ISSUE BETWEEN ROBIN AND ALJUR. Nilinaw naman ni Kylie na hindi raw naging isyu sa kanilang dalawa ni Aljur ang lumabas na diumano’y tampo ng Papa niyang si Robin Padilla sa boyfriend.

Hindi kasi nakarating ang huli sa premiere night ng pelikula nilang Sa Ngalan ng Ama, Ina at Mga Anak noong January 28.

Sabi ni Kylie, “Hindi naging isyu sa amin yun.

“At saka, nagpunta siya sa block screening ’tapos nakita siya ni Papa. Doon siya nakabawi.”

Humingi ba ng paumanhin si Aljur sa Papa niya?

“Hindi naman e kasi may schedule siya noon, hindi mo naman mapipilit na pumunta siya. Pero itong last one, after no’n, nagpunta siya. Naintindihan naman ni Papa yun,” paliwanag ng dalaga.

ACTION TURNED DRAMA. Tinanong din namin si Kylie kung totoo bang medyo nadismaya siya dahil konti lang ang naging action scene niya sa Adarna.

Kung matatandaan, ipinagmalaki pa ng Papa niya ang kanyang primetime series dahil action daw ang tema nito.

Sabi naman ni Kylie, “Actually, binigyan naman ako ng one fight scene, maganda naman. Okay lang kasi siyempre, kung hindi kailangan sa istorya, hindi mo naman ipipilit, e.

“Maganda naman ang nangyari kahit puro iyak ako.”

SOLENN HEUSSAFF AS IBONG ADARNA? Sa isang banda, hindi naman itinago ni Kylie ang kanyang pagkagulat nang malamang papasok si Solenn Heussaff sa Adarna at siya ang magiging Ibong Adarna.

Natatawang sabi ni Kylie, “Noong una talaga, nabigla ako. Kasi, akala ko, ako ang Ibong Adarna. Sa totoo lang.

“Pero sabi ko, okay, kung kailangan sa istorya. Nabigla ako, but then, you know, ganoon talaga.”

Paano ito ipinaliwanag sa kanya?

“Actually nga, ang sama nga ng dating, may tsumismis lang sa akin.

“Mine-make-up-an ako, sabi ko, ’What? Ano ang nangyayari?’ Nagulat ako.

“Pero kasi, yung nag-tsismis, hindi niya iniisip ang sinasabi niya. Pero siyempre, si Ms. Winnie [Reyes, executive producer] na ang lumapit sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sabi nga niya, papasok daw para subukan si Migo [Geoff Eigenmann], tuksuhin at kung bibigay, hindi siya ang karapat-dapat sa akin.

"Pero kung babalik siya at hindi niya aanuhin, para sa akin talaga.”

Dugtong din niya, “At saka, ako naman kasi, si Ada, parang siya ang pinakamalakas na boses. At saka, ako ang bubuhay sa itlog.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN