Andre Paras jumpstarts showbiz career with Diary ng Panget; still mum about mom Jackie Forster

Andre Paras (rightmost) on how much he’s willing to disclose about himself now that he’s a full-fledged movie star: “I know, it’s part of it, but if it’s personal, I have the right naman to say that I don’t want to answer it. Of course, we all want respect also. But with the other topics, I’m willing to answer also. It depends on the question also.”


Dahil tuluy-tuloy na ang takbo ng kanyang showbiz career, hindi na raw kailangan pang kumbinsihin ni Andre Paras ang kanyang ama na si Benjie Paras tungkol sa mga bagong projects nito.

Ilang linggo pa lang ang nakakaraan mula nang i-anunsiyo si Andre bilang isa sa mga bagong VJs ng MTV Pinoy. Pero bukod pa rito, papasukin na rin ni Andre ang mundo ng pelikula sa pamamagitan ng kauna-unahan niyang movie, ang Diary ng Panget, na naging best-selling serialized novel sa wattpad.com.

Magsisimula na silang mag-shooting sa ilalim ng direksiyon ni Andoy Ranay at nakatakda itong ipalabas ng VIVA Films sa April 2.

Ayon kay Andre nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang entertainment press sa ginanap na presscon/launching ng cast sa The Library, Metrowalk noong February 20, “No hesitation in joining showbiz, it’s also my decision and also my dream.”

FIRST MOVIE ROLE. Ang Diary ng Panget ang magiging unang acting job niya?

“I think, blessing also, and I’m super-duper lucky because ever since I was a kid, I want to do movies like si Daddy and yung mga favorite actors ko.

"Being part of the movies, since bago pa lang ako sa industry...But with this role, it’s a big lesson na.”

Hindi na raw bago kay Andre ang librong Diary ng Panget kaya nang sabihin na gagawin niya ito, may ideya na raw siya kung tungkol saan ang kuwento.

“I have friends who read this and they also compared me with Chad Jimenez [his character]. Then, I searched it and I read it also. I like the book.”

Nabasa na pala niya ang libro bago pa man ito inalok sa kanya?

Sabi ni Andre, “I think Book 1 pa lang, kasi sa Book 1, dini-describe niya kung paano si Chad. Then, noong nabasa ko na, sabi ko, ako nga ‘to.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa Wikipedia, ang Diary ng Panget ay “series of romantic comedy novels" ng isang author na may bansag na HaveYouSeenThisGirL.

Ang "original and unedited story" ay unang nabasa sa Wattpad, kung saan umani ito ng 2 million reads. Ito ang pang-apat ng Wattpad novel na na-publish sa Pilipinas pagkatapos ng She’s Dating the Gangster, A Hundred and One Reasons, and Fourteen Sundays. Nahati ito sa apat na aklat at nanguna sa bestseller’s list sa kategoryang Philippine Publication ng National Bookstore.

Noong September 2013, nakuha ng VIVA ang rights para gawin itong pelikula.

Balik kay Andre, nakakadalawang sessions na raw ito sa acting workshop.

“It’s my first movie workshop and it’s different but at the same time, masaya. You learn different techniques also and I learned a lot from Sir Pen [Medina], he’s a legend,” pagpuri niya.

Pagkatapos nito, puwede na ba siyang gumawa ng drama?

“Hopefully but I like to act kenkoy, like in this movie, it’s on the right track."

MISSING BROTHER KOBE. Ayon kay Andre, alam din daw ng kanyang nakababatang kapatid na si Kobe ang nangyayari sa showbiz career niya ngayon.

Kasalukuyang nag-aaral sa Cathedral High School sa Los Angeles si Kobe na nagawaran ng basketball scholarship.

“He’s actually happy for me, ako mismo ang nagkukuwento and before I tell anyone else, siya mismo ang pinagsasabihan ko. Miss na miss ko siya kasi, siya ang best friend ko sa bahay,” sabi niya.

Nagkakaiyakan pa rin sila?

“Of course, I do cry kasi I miss him so much,” pag-amin ng mestisong aktor.

Dugtong din niya, “He does miss us a lot but it’s for his own good, para mag-improve pa sa basketball.”

Naho-homesick ba si Kobe?

“I think he feels homesick but he knows what he’s doing naman, it’s for his own good para mag-improve sa basketball and I’m happy for him, I support him.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I think, he’s enjoying it naman, trying out, he’s doing good naman,” dagdag pa ni Andre.

Sa ngayon, hindi pa naman daw niya iniisip na bumukod sa pamilya.

Aniya, “Not yet, kasi we’re here in the Philippines and I know kapag 18 ka, you have to live independently. But as much as possible, I want to live forever with my parents.

“I love them so much and I’m proud to say, I’m Mama and Papa’s boy.”

STILL MUM ABOUT MOM. Sa isang banda, hindi naman lingid sa kaalaman ng karamihan na pagdating sa usapin tungkol sa kanyang tunay na ina na si Jackie Forster ay ayaw talaga nitong magsalita.

Pero sabi nga namin sa kanya, ngayong talagang tuluyan na niyang pinasok ang showbiz, hanggang saan lang ang kaya niyang ilantad pagdating sa mga isyu at mga puwedeng itanong sa kanya?

Sabi naman niya, “As long as it’s not personal.

“I know, it’s part of it, but if it’s personal, I have the right naman to say that I don’t want to answer it.

“Of course, we all want respect also. But with the other topics, I’m willing to answer also. It depends on the question also.”

Kapag tungkol sa tunay niyang ina?

“No, no comment,” mabilis niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN