Senator Nancy Binay willing to guest in Gandang Gabi Vice: “Siguro kung makuha ko ang kanyang formal invitation, why not, ’di ba?”

Senator Nancy Binay on past issue with Vice Ganda: “Hmmm... I guess, matagal na rin namang tapos, ’di ba? Siguro may ilang bagay-bagay lang na hindi nalalaman ni Vice Ganda, so it’s high time to clear yung mga... ano ba yun? Yung misunderstanding kung bakit nasabi niya yung tungkol sa akin.”


Para kay Senator Nancy Binay, wala naman daw problema kung sakaling siya ay maimbitahan na maging guest sa Sunday night comedy/variety talk show ni Vice Ganda, ang Gandang Gabi Vice! ng ABS-CBN.

Matatandaang nagkaroon ng isyu sa pagitan nilang dalawa sa gitna ng Senatorial elections noong May 2013, kung saan sinabi noon ng TV host-comedian na hindi siya bilib sa political track record ni Binay para tumakbo ito kaagad bilang senador.

Pagkalipas ng ilang buwan, matapos umupo bilang senadora ang anak ni Vice-President Jejomar Binay, nakarating sa kanya ang balitang gusto siyang kunin bilang guest sa Sunday show ni Vice.

Patanong na pahayag ni Sen. Binay, “Sabi ba niya [ni Vice]? Hindi ko pa natatanggap formally.

“Siguro kung makuha ko ang kanyang formal invitation, why not, ’di ba?

“Mukha, mukhang enjoy naman ang show. Hindi ko siya gaano napapanood kasi masyado nang late, maaga ako matulog, e. Kasi maaga nagigising ang anak ko.

“Yung trailer, yun ang napapanood ko.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Sen. Binay sa nakaraang 51st birthday celebration ni Senator Jinggoy Estrada noong February 17, sa tanggapan ng huli sa Senado.

TIME TO CLEAR MISUNDERSTANDING. Para ba sa kanya ay “water under the bridge” na ang pinagdaanan nilang dalawa noon?

Kumbaga, handa na ba siyang makaharap ang host ng GGV at It’s Showtime?

Nag-alangan pero diretso namang sagot ng senadora, “Hmmm...I guess, matagal na rin namang tapos, ’di ba?

“Siguro may ilang bagay-bagay lang na hindi nalalaman ni Vice Ganda, so it’s high time to clear yung mga...ano ba yun? Yung misunderstanding kung bakit nasabi niya yung tungkol sa akin.”

Kung sakaling maging okay na nga sila ni Vice, nakikinita ba niyang isa itong potensiyal na kaibigan?

Mabilis niyang tugon, “Bakit naman hindi? In fact, we have common friends na nakakasama niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Alam mo, ang natutunan ko dito sa mundo ng politics, there’s no such thing as permanent friends o permanent enemies, so dapat hindi nagsasara ng pinto, e.

“Kasi, ’di ba, kahit matagal na kayong magkaibigan e nagkakatampuhan ’tapos nagkakabati din?

“So I welcome friendships.

“Hay naku, parang showbiz din.

“Dapat hindi nagtatanim ng sama ng loob.”

Dahil nga raw sa magandang outlook nito sa buhay kaya magaan ang kanyang pakiramdam.

“Kaya nga hindi ako naaapektuhan,” nakangiting sabi pa niya.

“Dapat talaga ay hindi mo didibdibin, e.

“Okay lang lagi dapat.”

FACING LIFE’S UPS AND DOWNS. Samantala, sa umpukan ng mga beteranong pulitiko tulad nina Senators Juan Ponce Enrile, Gregorio Honasan, at Tito Sotto, na mga kapwa niya bisita sa birthday celebration, nakangiti niyang ipinagmalaki ang mga natututunan niya sa mga ito.

Aniya, “Ako, ang dami kong natututunan sa kanila.

“Ako, sincerely, I’m happy for Sen. Jinggoy and Sen. Enrile who both are celebrating their birthdays.

“Kung anuman yung ano mga pagsubok na ’yan, lilipas din. Katulad nga ng sinabi ni Sen. Enrile, ’In life, there’s ups and downs.’

“Now if you’re down, for sure, may up din.”

BIRTHDAY WISHES TO COLLEAGUES. Binanggit na rin niya ang birthday wish niya para kina Jinggoy at Sen. Enrile, na nag-celebrate din ng kanyang 90th birhday noong February 14.

“To give them more strength,” ayon sa kanya.

“Hindi biro ang pinagdadaanan nila ngayon.

“Marami nang pinagdaanan ang grupong ito.

“Remember yung time ni President Erap [Joseph Estrada], kami-kami pa rin ang magkakasama, so this is nothing new to us.”

Parang “one for all, all for one” daw ang motto ng grupo nila.

“Yes,” pagsang-ayon ni Sen. Nancy.

“It’s the same experience, yung pagku-crucify. Parang ganun pa ring level yung vindictiveness,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN