Rayver Cruz denies rekindling romance with Cristine Reyes

Rayver Cruz on rumors claiming he and ex-girlfriend Cristine Reyes are back together: “Oo nga, ang dami ngang nag-text sa akin pero hindi. Hindi naman, kahit tanungin mo si AA [Cristine’s nickname]."


Naging usap-usapan kamakailan na mukhang nagkabalikan na raw sina Rayver Cruz at Cristine Reyes.

Nagkasama ang dalawa sa Dubai nang mag-show doon ang ASAP noong January 24, at pagkalipas noon ay naglabasan sa social networking sites ang mga larawan ng dating magkasintahan na sweet sa isa’t isa habang nagsa-shopping sa isang mall sa Dubai.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Rayver noong nakaraang Linggo, February 16, sa ASAP, agad nilinaw ng aktor na walang balikang naganap sa kanila ng ex-girlfriend.

“Oo nga, ang dami ngang nag-text sa akin pero hindi. Hindi naman, kahit tanungin mo si AA [palayaw ni Cristine].

“Saka sasabihin ko naman, sa akin mismo manggagaling kung nagkabalikan nga kami, pero magkaibigan lang talaga kami.

“Kasama ko siya, yung pictures niya na magkasama kami sa mall. Actually, kami nila Gerald [Anderson] ang magkakasama.

“Parang kinita namin sila Gerald doon, madami naman kami pero nung time na yun, sinamahan ko siya, marami kasi siyang gustong bilhin.

“Siyempre kami ni AA, kumportable na kami sa bawat isa, e. Sabi ko sa kanya, ’Ako na lang ang sasama sa ’yo, tutulungan na lang kita.’”

Ayon kay Rayver, sanay na siya sa kalakaran sa showbiz kunsaan madaling nabibigyang kulay at ginagawang tsismis ang litrato nila kasama ang kung sinu-sino lang.

“Sanay na ako, e. Ganun naman talaga sa industriya natin.

“Yun ngang hindi mo pa girlfriend, pag nakita na, girlfriend mo na agad, e. Post lang ng pictures si AA, nagkabalikan na.

“Pag nag-post si AA ng pictures ng ibang lalake, yun na agad ang bago niyang boyfriend. Ganun sa atin, e.”

OKAY AS FRIENDS. Sa kabila ng pagsasabing magkaibigan lang sila sa ngayon ni Cristine, hindi nagsasara si Rayver ng pinto sa posiblidad na sa huli ay maaring sila pa rin pala ng ex-girlfirend. Hindi niya rin tinatago na espesyal pa rin sa kanya si Cristine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lahat naman tayo, mahirap magsalita nang tapos. Basta sa akin lang, nag-e-enjoy ako na single ako. Okay kami as friends so ganun na lang muna.”

Dugtong niya, “Siyempre special si AA sa akin. Parang two years din kaming nagkasama, na naging kami. Malapit ako sa kanya, sa pamilya niya and ’di na maaalis yun.

“Kahit na magkaibigan na lang kami, siyempre sobrang special para sa akin yung tao.

“Feeling ko naman kahit ano mangyari, mag-end ako sa ibang girl o siya sa ibang guy, talagang magkaibigan pa rin kami. ’Di na magbabago yun,” pag-amin niya.

Bagamat patuloy pa rin ang komunikasyon nila ni Cristine, hindi naman daw madalas ang paglabas nila ni Rayver.

“’Di na yung constant going out kasi ’di rin naman kami, pero pag nagkikita kami sa ASAP, basta may mga events sa ABS-CBN, okay naman kami,” pahabol pa ni Rayver.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN