Roxanne Cabañero stands by rape allegation against Vhong Navarro despite claims that he was in Cavite on "April 24, 2010"

Pinabulaanan ng supporters ni Vhong Navarro na may nangyaring panggagahasa noong April 24, 2010, ang araw na sinasabing ni-rape umano ng host/dancer/actor ang noo’y aspiring beauty queen na si Roxanne Cabañero. Base sa naglabasang video, show poster, at tweets sa social media, nasa Cavite raw si Vhong noong araw na yun.


Kumakalat ngayon sa social networking sites ang sinasabing kopya ng sworn affidavit ni Roxanne Acosta Cabañero, na nag-file ng reklamong rape laban kay Vhong Navarro noong February 19 sa Pasig City Prosecutor’s Office.

Hindi pa natutukoy kung authentic nga ito ngunit nakasaad dito, gaya ng mga nauna nang naibalita, na nakilala ng dalaga si Vhong sa ABS-CBN noontime show na It’s Showtime, noong April 24, 2010.

Isang staff daw ng It’s Showtime ang inutusan ni Vhong na kunin ang number niya.

Guest daw noon sa show si Roxanne, kasama ang iba pang kandidata ng isang beauty contest.

Kinahapunan, may nag-text umano sa cell phone ng dalaga na nagpakilalang Vhong Navarro.

Sa pag-uusap daw nila sa text, sinabihan umano siya ng host/dancer/actor na magkita sila sa hotel ng modelo kung saan naka-check in din ang iba pang kandidata.

Pero tumanggi raw si Roxanne na sa hotel na yun sa Ortigas sila magkita dahil nahiya raw ito sa kanyang roommates.

Hindi rin daw magandang tingnan na doon sila magkikita sa unang pagkakataon.

Sinabi raw ni Vhong na susunduin na lang siya.

Matapos ang ilang palitan ng mensahe, pumayag daw si Roxanne na makipagkita dahil sa tingin naman niya ay friendly si Vhong, at hindi raw niya naramdamang may kakaibang intensiyon ito.



THE "RAPE" INCIDENT. Sa pagitan daw ng 10:30 p.m. at 11:30 p.m., nag-text umano si Vhong sa kanya na dadaanan siya nito malapit sa kanyang hotel—"15 meters" away from the lobby/entrance—dahil ayaw raw ng aktor na makita siya ng mga kasamahang kandidata ni Roxanne.

Sa madaling-salita, nagkita raw sila, at sumakay ang dalaga sa kotse ng TV host.

Nagpakilala raw siya kay Vhong at pagkatapos nito, nagbiro raw ang aktor na pupunta sila sa isang “pribadong lugar.”

Sinabi raw ni Roxanne kay Vhong na akala niya ay magkakape lang sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero humirit daw ang aktor na umiiwas ito sa tsismis kaya umikot na lang sila sa Ortigas area.

Naitanong pa nga raw niya kay Vhong kung paano ito nagsimula sa showbiz at nagkuwento naman ang It’s Showtime host.

’Di nagtagal, ipinatong umano ni Vhong ang kanyang palad sa kamay ni Roxanne at hinimas-himas ito.

Nakaramdam daw ng pagkaalangan ang dalaga dahil unang pagkikita pa lang nila ng aktor.

Ilang sandali ang lumipas, ipinarada raw ni Vhong ang kanyang kotse sa lilim ng isang punong-kahoy malapit sa hotel na kanyang tinutuluyan.

Nagpatuloy raw ang kanilang kuwentuhan nang bigla diumanong himasin ni Vhong ang kanyang hita.

Ito ang nakasaad sa kumakalat na sworn statement umano ni Roxanne:


I said to VHONG NAVARRO that I couldn’t stay for too much longer as we had a curfew and only agreed to stay for a few minutes. We proceeded further in the car while listening to his music in his car.


He then placed his left hand in my left leg, once again I asked him “Stop don’t do that” at this point he refused and continued to caress my leg and then he moved his left hand up my body and groped my breast.


I asked him “STOP.” I pushed him away and again I asked him again “Please stop.” He persisted...

Na-shock daw si Roxanne noong sinimulang tanggalin ni Vhong ang kanyang shorts, at sinubukan ng dalaga ng lumabas sa sasakyan.

Sa pagpapatuloy ng kuwento sa sworn affidavit: I couldn’t as he grabbed my hand with his right hand and pulled me closer to him...

Dito raw siya pinuwersa na i-"oral sex" niya si Vhong.

Ang reaksiyon umano ni Roxanne ayon sa sworn statement: I refused profusely and begged him to stop and then I cried.

Minura rin daw ng dalaga ang aktor pero tinakot umano siya ni Vhong na kung papalag ito, ang kanyang “tauhan,” na nakapuwesto lang malapit sa kanilang kinaroroonan, ang bahala na raw kay Roxanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Natakot daw ang dalaga.

At labag man daw sa kalooban niya, puwersahan umanong nagkaroon ng penetration.

Nakasaad pa sa sworn affidavit: I yelled ‘Stop please stop” but he continued to force himself into me and once I cried out loud “stop please stop!!! P*t*ng ina mo.”


He stopped and placed himself back into the driver’s seat before grabbing my head and forcing me to perform oral sex on him. I refused so hard but his right hand is so strong...

Saka raw kinagat ni Roxanne ang private part ni Vhong.

Pagkatapos daw ng insidente, muling nagmaneho si Vhong paikot sa lugar sabay banta sa kanyang huwag mag-iingay tungkol sa nangyari sa kanilang dalawa.

Saka raw siya ibinaba sa tinutuluyang hotel.

Isang kasamahang kandidata raw ni Roxanne ang nakakita sa kanya na lumabas sa kotse ni Vhong.

Dalawampung metro mula sa kanyang binabaan, nakita raw ni Roxanne na huminto ang kotse ni Vhong at lumipat ito sa passenger seat. Pagkatapos, sumakay ang driver/bodyguard ni Vhong.

Magdamag daw siyang umiyak noong gabing yun.



“APRIL 24, 2010.” Matapos ang halos apat na taon, lumutang si Roxanne sa pamamagitan ng pagsampa ng reklamong panggagahasa laban sa aktor.

Read: New rape complaint filed against Vhong Navarro; Vhong’s camp refuses to be "diverted" from charges against Cedric Lee, Deniece Cornejo

Pero maraming Netizens ang duda sa salaysay ni Roxanne, lalo pa’t kumalat ang video, show poster, at tweet na umano’y nagpapatunay na nasa ibang lugar si Vhong noong April 24, 2010.

Sa naturang date din daw kasi naganap ang“May Nag Txt: May Show Ako” show ni Vice Ganda sa Island Cove, Kawit, Cavite, kasama bilang guests si Vhong at ang Callalily frontman na si Kean Cipriano.

Mababasa rin sa press release ng Island Cove noong April 6 ang naka-schedule na performance ng tatlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Narito ang bahagi ng naturang press release: On April 24, 2010, at 8 p.m., Vice Ganda will be holding a concert at Island Cove entitled, “May Nag Txt;)) May Show Ako” with special guests Vhong Navarro, Kean of Calla Lily and the street boys. Musical Direction is by Soc Mina. Some 3,000 persons are expected to attend the Made 2 Dream Management produced concert. Tickets are valued at P1,200.00, P900.00, P600.00, and P300.00.

Alas-otso ng gabi ang nakasaad sa poster na simula ng show, at ayon sa komento ng mga Netizens na umano’y nanood, pasado alas-dos na raw ng madaling-araw kinabukasan, April 25, natapos ang show.

Sa photo collage na nai-post ni Bianca Lapus, ex-wife ni Vhong, sa photo-sharing website na Instagram, ipinakita niya ang poster at tweet diumano ni Kean na nagsasabing bandang alas-dos ng madaling-araw daw natapos ang show.

Naka-caption sa account na @biancalapus ang mga katagang: “Need I say more? April 24, 2010 8pm onwards island cove cavite.”

Isa namang may handle name na @wharzeek ang nag-upload sa YouTube noong April 10, 2010, ng video na nagpapakita ng huling bahagi raw ng concert ni Vice. Ang caption nito, “LAST HIRIT NI VICE GANDA, KEAN, VHONG”



NUDE PHOTOS OF ROXANNE GOES VIRAL. Samantala, kumalat sa Internet noong February 21 ang sinasbaing nude photos ni Roxanne.

Sa natanggap na feed ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), via direct messaging sa Instagram, ang isa rito ay may caption na diumano’y binayaran ni Cedric Lee si Roxanne ng "P2.5 million" para akusahan daw si Vhong ng panggagahasa.

Pero nauna nang itinanggi ni Cedric, isa sa mga akusado sa pambubugbog kay Vhong noong January 22, 2014, na kilala niya ang dalaga.

Bahagi ng pahayag nito sa exclusive interview ng PEP, "I don’t know Roxanne.

"But since we found out now thru the news that she’s also a victim of that rapist Vhong, then we’ll ask our lawyers to try to get to know their lawyers, so maybe we can work together and support each other.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"There’s nothing wrong with that. The enemy of my enemy is my friend."

Read: PEP EXCLUSIVE. Cedric Lee denies involvement in new rape complaint against Vhong Navarro



“IF THAT’S YOUR EXCUSE, THEN MAGKITA NA LANG TAYO SA KORTE.” Kahapon, February 21, sa primetime newscast ng GMA na 24 Oras, hinamon ni Roxanne si Vhong na sa korte na lang nito patunayan kung talagang inosente ang aktor sa akusasyon ng modelo.

Sa panayam sa kanya ni Marisol Abdurahman, sinabi ni Roxanne, “This guy wants [a] fight, I’ll give him war.

"If he wants to play dirty, then maglaro siya ng ganyan. Babaliktarin niya lahat, okay.

"This time here, I’m gonna prove it to you that you really did me wrong. You violated me."

Dagdag pa nito, "Pinahiya niya ako sa sarili ko. He violated me, binaboy niya ako, ni-rape niya ako."

Pinanindigan naman niya ang petsang “April, 24, 2010” na araw na diumano’y ginahasa siya ni Vhong.

Giit ni Roxanne, "Ginawa mo yun, e, ’tapos sinabi mo wala ka sa time na ’yon.

"If that’s your excuse, then magkita na lang tayo sa korte. Yun na lang.”

Sa panayam naman ng PEP sa abugada ni Vhong na si Atty. Alma Mallonga, inamin nitong magkakilala nga ang dalawa, pero walang rape daw na naganap.

Read: Vhong Navarro’s lawyer admits the actor knows Roxanne Cabanero; denies rape allegation

Bukas ang PEP sa panig ni Roxanne at ng iba pang mga taong sangkot sa isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN