Kim Chiu on new leading man Coco Martin: “Wala akong masabi. Best Actor talaga siya.”

Kim Chiu on working with Coco Martin in Ikaw Lamang: “Sobra siyang ano, wala, wala kang masabi, Best Actor talaga siya. ’Tapos parang may input siya sa lahat ng mga eksena niya..."


Bago pa man kumpirmahin ni Xian Lim na pansamantalang mamamahinga muna ang loveteam nila ni Kim Chiu, nabalitang si Coco Martin ang makakatambal ng aktres sa isang serye.

Ikaw Lamang ang titulo ng kanilang project, kung saan makakasama rin sina Julia Montes at Jake Cuenca.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kim sa nakaraang thanksgiving day ng Goya para sa media noong February 20, sinabi nitong nakakaramdam daw siya ng parehong pressure at excitement.

Aniya, “Siyempre nakaka-pressure. Sobrang nakaka-pressure. Maganda naman yung story, maganda naman yung tema ng teleserye. Iba siya.

“Masaya, masaya, exciting, different vibes. Sana magustuhan siya ng mga tao, sana panoorin siya at sana suportahan siya."


PERIOD SERIES. Nagkuwento si Kim tungkol sa papel na gagampanan niya.

“Medyo mahirap, masakit siya sa ulo, sa buhok. Sobrang hairdo!

"Ngayon kasi, ang bagong generation, bahala na. ’Di sila nagsusuklay, wala silang pakialam sa mga damit nila.

“Noon, pag mayaman ka, mayaman ka talaga. Kahit nakapantulog ka, naka-hairdo ka pa rin.

"Tanong ko nga, ’Ganito ba talaga noon?’ Marami din akong natututuhan sa mga gingawa namin.”


WORKING WITH COCO AND JULIA. Sa bago niyang leading man, panay papuri ang aktres.

“Sobra siyang ano, wala, wala kang masabi, Best Actor talaga siya. ’Tapos parang may input siya sa lahat ng mga eksena niya, sa lahat ng mga eksena namin, ’Direk maganda ito, maganda ‘yan.’

“Marami siyang sinasabi, ’Kim, may sasabihin ka ba?’ Sagot ko, ’Hindi, susunod na lang ako, okay lang ako.’"

Tungkol naman kay Julia, "...kengkoy, parang ano lang, tawa lang siya nang tawa. Kasama ko siya lagi sa tent, nagkukuwentuhan kami. Sobrang gaan lang katrabaho, ’di mahirap makisama."

VALENTINE’S DAY. Samantala, lumabas ang balitang noong February 14 daw ay sinopresa ni Xian si Kim.

“Taping. Binigyan niya ako ng napakaraming lobo. Lagi na lang daw kasing bulaklak, oo nga naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"At least pinag-isipan niya naman, so hayun. Alam niyang may taping ako ng Friday so dinala niya ng 12.”

Pinadalhan naman ni Xian ng bulaklak ang look-alike ni Kim na tinawag ng aktor na "Bea Binene."

Matatandaang umani ng batikos mula sa Netizens ang birong iyon ni Xian noong nakaraang Chinese New Year special ng Banana Nite.

Nang tanungin namin si Kim tungkol sa gesture na ginawa ng dating kapareha, sinabi ng tsinita actress na mas magandang kalimutan na lang ang nangyari lalo’t naayos naman na ang lahat.

“Oo, wala na yun, matagal na yun, kalimutan na natin yun. Okay na yun, masaya na ang lahat,” pakiusap niya.

At sa kabila ng pansamantalang pamamahingang tambalan nila ni Xian, siniguro naman ni Kim na walang nabago sa samahan nila.

“Okay naman, wala namang nabago, okay kami ni Xian,” pagtatapos ni Kim.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN