Aljur Abrenica busy getting into shape for role in Kambal Sirena

Aljur Abrenica gets serious with his physical conditioning for his role in Kambal Sirena: “Personally, I’m getting into shape, nag-upgrade naman ako when it comes to my sports. Nag-gym din ako, Muay Thai, and at the same time, Mixed Martial Arts..."


Puspusan ang ginagawang paghahanda ni Aljur Abrenica para sa nalalapit na niyang telefantasya sa GMA Network, ang Kambal Sirena.

Kung ang makakapareha niyang si Louise delos Reyes ay busy sa pool training, diving lessons, at acting workshops, nagsasanay din si Aljur sa iba’t ibang sports activities para mas lalong mapaghandaan ang kanyang role sa serye.

Ayon kay Aljur, “Personally, I’m getting into shape, nag-upgrade naman ako when it comes to my sports.

“Nag-gym din ako, Muay Thai, and, at the same time, Mixed Martial Arts, pumasok na ako sa Jiu-jitsu and Judo sa pangangalaga ni Sir Michael Roy.

“I’m doing this for a month na, yung talagang seryosong nagpapaganda ng katawan and diet.”

SWIMMING & DIVING LESSONS. Nakatakda ring pumunta si Aljur sa Anilao, Batangas, para sa ilang swimming at diving lessons kasama ang dating aktor at ngayo’y diving instructor na si Jess Lapid Jr.

Miyembro si Jess ng Confédération Mondiale des Activités Subaquatiques o World Underwater Federation, isang organization na nangangasiwa sa mga international underwater sport events at kilala rin sa kanilang mga scientific research at extensive dive training systems.

NEW LOVETEAM.

Samantala, sinabi ng Kapuso actor na natutuwa siyang makatrabaho ulit si Direk Dondon Santos, na siya ring naging direktor ng huling project ni Aljur na Prinsesa ng Buhay Ko.

“This is actually the third consecutive project na magkasama kami so I feel blessed.

"We have a good working relationship and very exciting katrabaho yung direktor namin kasi he’s one of the best directors in the industry."

Pero ito naman ang unang pagkakataong magkakasama sila ni Louise sa isang proyekto kaya umaasa si Aljur na magiging okay ang kanilang loveteam.

“I’m very excited kasi she’s one of the fast-rising stars of GMA 7, at napakaganda at napakagaling,” dagdag pa ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Mapapanood na ang Kambal Sirena ngayong Marso.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN