Solenn Heussaff on why she can’t see herself with a Pinoy boyfriend: “Sobrang seloso.”

Solenn Heussaff on being asked if she has ever been attracted to a Pinoy guy: “Meron naman, pero yun, cute siya, pero walang... Hindi ko alam, hindi pa nangyari. At saka, ayoko ng ligaw-ligawan. Ayoko nang paikut-ikot, pakipot.”


Ang pagpasok ni Solenn Heusaff sa primetime series ng GMA-7 na Adarna ang isa sa malaking twist ng kuwento.

Si Solenn pala ang Ibong Adarna na nagta-transform na tao bilang si Dayana. Ang karakter din ni Solenn ang magiging malaking pagsubok sa karakter naman ni Geoff Eigenmann bilang si Migo, hanggang sa nalalapit na pagwawakas nito sa March 7.

Bilang tao, may pagkainosente raw ang karakter niya.

Ayon kay Solenn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa pocket presscon ng Adarna noong February 19 sa 17th Floor ng GMA Building, “Galing kasi siya sa gubat, mysterious na hindi niya alam ang mga tinidor, medyo awkward siya.

“Meron din akong enchanting voice para makatulog ang mga tao. I have hearing ability rin kapag malayo.”

Boses niya talaga ang ginagamit?

“Iba-iba, pero yung first time na lumabas ang boses, ako talaga,” saad niya.

OK WITH GUEST ROLES. Tinanong namin si Solenn kung masaya siya sa binigay na proyekto sa kanya ng GMA dahil ilang episodes na lang din siya makakasama rito.

Sabi ni Solenn, “Mas gusto ko ang guest role, para mas mabilis sa akin. Pero, medyo mahirap pa rin ang dialogue kasi diwata, medyo malalim na Tagalog.

“May voice coach naman sa set. Actually ngayon, galing ako sa set para sa voice coach.

“Kailangan kong mag-aral ngayon.

“Kapag Friday ang taping, kailangan kong mag-learn. At least, three days before.”

Dugtong din niya, “Pero gusto ko, kasi iba. Yung Dayana na role, nakapambahay na dress na maluwag, slippers, no make-up, ’tapos ang daming buhok.

“Yung ibon, ang ganda ng costume. Parang carnival. Colorful!”

WORKING WITH THE CAST. Wala pa raw ideya si Solenn kung may kissing scene sila ni Geoff bilang magkakagusto rin siya rito at siya nga ang magiging malaking pagsubok nito.

Kumusta namang katrabaho si Geoff?

“Mabait,” nakangiting sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Super fun to work with him. And the fun thing about entering a teleserye at this stage, lahat sila parang buo na, parang pamilya.

“Siyempre, when I first learned about it, sabi ko, ’Sh—t,’ ganun, pero yung first day sa set, parang family.

“Nandoon si Michelle Madrigal sa first taping day ko ’tapos, friend ko siya.”

THREE-YEAR CONTRACT. Pinag-uusapan pa raw kung ano ang susunod niyang serye, pero bandang March pa raw yun at magkakaroon din daw siya ng project sa GMA News.

Kakapirma lang muli ng tatlong taong network contract ni Solenn. Pero hindi raw niya alam kung ano ang mga naka-line-up na gagawin niya.

Nagtuluy-tuloy na rin siya sa showbiz. Puwede niya bang sabihin na nag-e-enjoy na talaga siya sa pag-aartista?

Pagkumpirma niya, “Yeah, I’m enjoying, kasi parang learning process sa akin. Yung Tagalog, mahirap pa rin, pero parang mas mabilis mag-learn sa mga script. Mas better.”

Nakikita na niya ang sarili na nasa showbiz sa mahabang panahon?

Nangiti namang sagot niya, “Tingnan muna natin ang three years muna.”

NOT AIMING FOR LEAD ROLES. Naka-tatlong taong guaranteed contract na dati si Solenn bilang Kapuso.

Hindi ba pumasok sa isipan niya na sumubok ng ibang network?

“Ayoko kasing... Hindi ko gustong maging superstar. Okey lang ako sa kumportable na may trabaho, nag-aaral, nag-e-experiment.

“Ang GMA ang nagbigay sa akin ng first contract ko, I like to be loyal,” pahayag ng sexy actress.

Hindi pa siya nagiging lead o bida talaga sa isang serye.

Mabilis namang sumagot si Solenn ng, “Hindi ko pa kaya.”

Isa ba yun sa nakasaad sa panibagong tatlong taong kontrata niya?

Aniya, “Hindi naman sa plano, kung mangyayari, mangyayari. Kung hindi, okey lang.”

Wala ba siyang pangarap na maging bida?

“No, I don’t care, I really don’t care kung lead ako,” diin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabado ba siya kung siya na ang bida?

“Siyempre, kapag nag-lead... Well, sa mga lines. Ngayon, ang pinakamaraming scenes ko sa isang day, mga twelve.

“Kapag lead, mga sixty. Feeling ko, hindi ko pa kaya yung mag-learn by heart yung mga lines and for sure kapag lead, may mga drama scenes, hindi pa ’ko ready.

“Kapag movies, okey lang,” dagdag pa niya.

Yung mga Tagalog na linya talaga ang inaalala niya?

“Yes, yung lines talaga. Every time may script, ano yung role ko? Dapat Ingglisero ’tapos, everytime may script, binabasa ko.

“Kinukulit ko ang mga taga-production, ’Nasaan ang script? Nasaan ang script.’ One week pa lang bago ang shoot, nangungulit na ’ko,” natatawa niyang sabi.

PINOY BOYFRIEND? Biniro naman si Solenn ng ilang entertainment press na mag-boyfriend daw siya ng purong Filipino para masanay siyang magsalita ng Tagalog.

May naging boyfriend na rin daw siya na Pinoy, isa na nga rito si Derek Ramsay na half-Filipino at half-British at may isa pa raw siyang naging boyfriend na half-Filipino at half-Australian naman, pero parehong puro Ingles din ang salita ng mga ito.

Hindi niya ba nakikita ang sarili na magka-boyfriend na Pinoy?

“Hindi,” natatawang sabi niya.

“Marami akong kaibigan na Pinoy, sobrang seloso. Parang ayaw nila na may kaibigan akong boys.”

Hindi pa siya na-attract sa purong Pinoy talaga?

Natatawa niyang pag-amin, “Meron naman, pero yun, cute siya, pero walang... Hindi ko alam, hindi pa nangyari. At saka, ayoko ng ligaw-ligawan. Ayoko ng paikut-ikot, pakipot.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN