Mark Herras admits fathering baby girl: “Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ho kasalanan si Ada.”

Mark Herras on why it took him this long to reveal the truth about his baby girl: “Kaya ako naging matapang kasi sawang-sawa na akong mag-deny, e. I’m very proud of Ada dahil siya po ang aking first baby girl. Kaya po ako umaamin ngayon sa harap ng maraming tao, sa studio, sa TV, sa media, para po matigil na yung kakatanong nila sa akin tungkol sa baby.”


Inamin ng Kapuso actor na si Mark Herras na isa na siyang binatang ama sa live interview niya sa StarTalk TX ngayong Linggo ng hapon, February 23.

November 2013 unang lumabas ang bali-balitang nakabuntis si Mark na siyang dahilan ng breakup nila ni Ynna Asistio.

Kabuntot din nito ang haka-hakang isang 32-year-old senior handler diumano ang ina ng anak ni Mark.

Hindi namatay ang isyu dahil nito namang January 2014 ay kumalat ang balitang suportado ni Mark ang bata, na nitong nakaraang Pasko ay kasama pa ni Mark ang kanyang anak.

MARK FINALLY ADMITS HAVING A BABY. Sa StarTalk kanina, inamin ni Mark na mayroon na nga siyang anak.

Umpisa niyang pahayag, “Unang-una po, first time kong sasabihin ito sa buong tao, sa media, sa TV...

“Meron na po akong anak.

“She’s a girl, three months old, siya po yung first baby ko sa buong buhay ko.

"Iyon po yung gusto kong sabihin sa lahat ng tao. Iyon po ang gusto kong aminin.”

Ada ang pangalan ng anak ni Mark.

“Ada, meaning first baby girl.”

Paglilinaw ni Mark, hindi raw sila nagsasama ng ina ni Ada.

Kinumpirma rin ng young actor ang naunang balita na mas matanda sa kanya ng limang taon ang ina ng kanyang anak.

Twenty-seven years old si Mark.

May balak ba silang magsama?

Sagot ni Mark, “Actually, sa ngayon ang napag-usapan po namin, kailangan naming magtulungan para sa baby, para suportahan yung bata, para mapalaking maayos yung bata.

“At lahat po ng pinag-uusapan namin is tungkol sa baby.

"’Tsaka na muna yung sa amin, kung ano’ng mangyayari sa amin someday or kung anuman."

Kung three months old na ang bata, nangangahulugang may relasyon pa sila ni Ynna Asistio noong nabuntis ni Mark ang ina ng kanyang anak.

UNFAITHFUL TO YNNA. Dahil dito ay tinanong si Mark kung naging unfaithful ba siya kay Ynna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pag-amin ni Mark, “Actually, opo. Alam ko yung pagkakamali ko.

"I said sorry to her, to her family, alam ko yung nagawa ko na mali, alam kong malaking kasalanan yung nagawa ko.

“Pero andiyan na yung baby, e. Hindi naman puwedeng sabihin na kalimutan ko yung baby, piliin ko sila, ’di ba?

"Dugo ko yung bata, anak ko po yun, ako yung daddy.

“Alam ko galit sila, alam ko na nasaktan sila.

"Kung hindi man nila matanggap yung sorry ko, siyempre po wala akong magagawa dun.

“Pero ayun po, sana maintindihan nila ang sitwasyon ko.

"Tao lang din po ako, nagkakamali rin po ako.

"Inaamin ko naman po malaki yung kasalanan ko."

Ito ba ang dahilan ng paghihiwalay nila ni Ynna?

Paglilinaw ni Mark, “Hindi naman po.”

WHY ADMIT ONLY NOW? Bakit ngayon lang umamin si Mark?

Paliwanag niya, “Kasi siyempre, artista po ako.

"Unang-una, ’pag nalaman ng tao na meron kang anak, ’di ba, siyempre maaapektuhan yung trabaho mo, yung buhay mo, yung career mo.

“Pero by this time kasi, kaya ako naging matapang, kasi sawang-sawa na akong mag-deny, e.

"I’m very proud of Ada dahil siya po ang aking first baby girl.

“Kaya po ako umaamin ngayon sa harap ng maraming tao, sa studio, sa TV, sa media, para po matigil na yung kakatanong nila sa akin tungkol sa baby,” mahinahon niyang pahayag.

Ang pagkakaroon ba nila ng anak ng ina ni Ada ay mutual decision nila? Ano ang napag-usapan nila?

Ayon kay Mark, “Ang napag-usapan talaga namin ngayon, it’s all about the baby, the future of the baby.

"Siyempre bata pa lang siya, so may binyagan, ’tapos mag-aaral ’yan someday.

“Basta ako po, ang plano kong gawin talaga sa buong buhay ko, is to be the best daddy for my Ada.

“Opo, mahal na mahal ko po yung bata.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SUPPORT FOR BABY. Ano pa ang ginagawa niya para patunayang pinaninindigan niya si Ada?

Pahayag ni Mark, “Nag-promise po ako sa mommy niya na kahit ano pong mangyari, nandito lang ako para kay Ada.

“Susuportahan ko siya sa lahat na—money, love, ’pag maysakit ang bata, lahat, lahat ng kailangan ng batang yun, gagawin ko.

“Kaya yung buhay ko ngayon, kung kilala ninyo ako na medyo bad boy, playboy, sobrang mag-iiba po yun ngayon.

“Actually, last Christmas, magkasama po kami nung bata.”

Dahil tatay na siya ngayon, ibig bang sabihin ay tatalikuran na ni Mark ang bad-boy image niya?

Tugon niya, “Yung sa pagiging bad boy e sa pagsasayaw lang naman po yun.

“Pero iyon nga po, being a daddy now, gusto ko pong patunayan sa mga tao at sa lahat po ng gusto pang maniwala sa akin na magpapakabait po ako at aayusin ko ang buhay ko, for my baby.

“Dahil iba na po yung usapan ngayon, e.

“Hindi na ito basta laru-laro lang sa trabaho, hindi lang ito basta career.

"It’s all about a baby, a kid na sobrang minahal ko,” diin niya.

APOLOGIES. Kung meron siyang dapat hingan ng paumanhin, kanino siya magsu-sorry?

Saad ni Mark, “Unang-una po, I’m so sorry, Ynna, Tita Nadia [Montenegro], Tito Boy [Asistio], and the whole family of Ynna, actually.

“Sobrang-sobrang sorry po sa nagawa kong kasalanan sa inyo.

“Hindi ko po gustong saktan yung anak ninyo o yung pamilya ninyo, pero hindi ko na po kasi maitago si Ada.

"I mean, baby na po yung usapan, e.

“Alam ko sobrang laking kasalanan ang nagawa ko sa kanila.

"Hindi ko alam kung matatanggap nila ako ulit or mapapatawad pa nila ako someday or kung anuman.

“Pero this time, I just wanna say I’m really sorry.

"Basta ngayon, ang aking target sa buhay, ang goal ko is to be there for Ada."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paano ang lovelife niya? On-hold na muna?

Pagsang-ayon niya, “Wala na po muna, focus po muna ako sa aking anak.”

May mensahe rin si Mark sa kanyang fans and supporters.

“Sa mga fans, alam ko magugulat po sila.

"Depende po sa kanila yun kung susuportahan pa nila ako, kung mamahalin pa nila ako.

“Pero I’m only asking na sana po, maintindihan ninyo yung sitwasyon ko, kasi po lahat naman ng tao dumarating sa ganito, e.

“And yung edad ko po ngayon, I’m already twenty-seven, ’di ba?

"So, hindi na rin po mali na magkaroon ako ng baby sa ganitong edad. Nasa tamang age na po ako, e. Twenty-seven na po ako, e.

“So, sana po dun sa mga fans, sa mga nagmamahal sa akin, sana po ’andiyan pa rin kayo para suportahan ako.

"Sana po huwag kayong magalit sa akin.

“’Andito po ako ngayon sa harapan ninyo, nagsasalita, umaamin.

"Sinasabi ko po lahat ng totoo, na I’ll be a good father to my baby, to my Ada...

“To be a responsible father for my baby.”

Ngayong inamin na niya ang lahat, sa palagay ba niya ay matatanggap pa siya ng kanyang fans?

“Sana po, sana po,” asam niya.

RESOLUTION. Ano ang resolution niya matapos ang kanyang pag-amin?

“Kailangan ko lang sabihin ito, tinatanong ninyo kung bakit ngayon lang ako umamin, ’di ba?

“Sa totoo lang po, magulo yung isip ko, naging pasaway ako, naging magulo yung buhay ko.

"Pero naaalala ko yung pagmamahal ng magulang ko na ibinigay sa akin,” ang naluluhang sinabi ni Mark.

Patuloy niya, “At na-realize ko, na wala akong obligasyon kundi i-pass on ang love na ito kay Ada.

“Sa lahat ng nasaktan ko, kasama na dun ang fans na buung-buo ang pagtanggap sa akin, marami akong naging kasalanan.

“Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ho kasalanan si Ada.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MESSAGE FOR BABY GIRL. Ang mensahe niya para kay Ada, na mga ilang taon mula ngayon ay mapapanood ang interview na ito kay Mark:

“Ada, I’m so sorry kung matagal kitang aminin sa lahat ng tao, pero I promise you and to your mom na I’ll be there always.

“To support you sa lahat ng bagay, hanggang sa paglaki mo, hanggang sa mag-aral ka na.

“At naku, Ada, mahihirapan kang magkaroon ng boyfriend, dahil ako ang tatay mo! Mahihirapan ka, seryoso ako.

“Ada, mahal na mahal kita, kaya ko ginagawa ngayon ito dahil sa pagmamahal ko sa iyo.

"Kaya ako umaamin sa harap ng lahat ng maraming tao, sa buong mundo, umamin ako dahil sobrang mahal kita.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN