Jeric Gonzales ready to do mature and daring roles; even same sex kissing scenes: “Oo naman, kasi trabaho lang naman yun."

Nagpapaganda na rin daw ng katawan si Jeric Gonzales dahil, "kailangan ko na talagang magpakita ng katawan, lalo na’t nagkakaedad na ako. Kaya kailangan na tumanggap ng medyo mature na role na. Hindi na ako bata, 21 na ako."


Nag-aasam ang Protégé Male Ultimate Winner na si Jeric Gonzales na makasama ang GMA Primetime Queen na si Marian Rivera sa kanyang mga susunod na proyekto.

Kaya lang wala pa siyang next project sa Kapuso Network.

Nabanggit ni Jeric sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kamakailan na gustung-gusto na raw niyang magkaproyekto muli.

Sabi niya, “Katatapos ko lang naman mag-cameo role sa Paraiso Ko’y Ikaw kung saan lumabas ako bilang young Gabby Eigenmann [Edward Rodrigo].

“Sa ngayon busy ako sa workshops [acting, singing, and dancing)."

Sana raw ay magkaroon na siya ng new project at "mas maganda kung kasama din si Thea [Tolentino] para mas ma-push yung loveteam namin."

Patuloy pa niya, “Pero kahit sino naman ang ibigay sa akin ng GMA-7, okey lang.

"If ever naman na mabibigyan ako ng opportunity na papiliin talaga, gusto ko si Marian Rivera.

“Noon pa kasi dream ko na makatrabaho si Marian.

“Bukod kasi sa maganda si Marian, magaling siyang umarte at nababaitan ako sa kanya.

“Alam kong sa ngayon medyo malabo at hindi lang naman ako ang nag-aasam na makatrabaho siya.

"Pero sana dumating yung time na yung pangarap ko ay magkatotoo."

THEA TOLENTINO. Handa na ba siya kung ipareha si Thea sa ibang Kapuso male star?

“Oo naman po, kasi management decision naman if ipa-partner kami sa iba.

“’Tsaka doon namin mati-test kung kaya na ba namin na mag-survive kung iba yung makakasama namin.

“Doon din namin malalaman kung handa pa rin kaming suportahan ng mga tagahanga namin kahit iba na yung magiging kapareha namin."

Tungkol naman sa tsismis na nanliligaw siya kay Thea, saad niya, “Good friends lang kami ni Thea.

"We keep in touch pa rin kahit wala kaming trabaho na magkasama, lagi pa rin kaming nagti-text, nagkukuwentuhan sa mga ginagawa namin, kamustahan, ganun lang.

"Sa ngayon, wala pa talagang ligawan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Yung relationship namin, kung kailangan namin ang isa`t isa nandyan lang kami para sumuporta."

GOING SOLO. Handa na ba si Jeric mag-solo, as in without Thea?

“Sa tingin ko naman kaya naman po.

"Bilang artista, naka-three years na naman ako sa showbiz, medyo nakapa ko na rin yung business.

"Okey na naman ako mag-solo.

“Dream ko rin na mabigyan ako ng chance na ma-prove na kaya kong magdala ng soap.

“Ibibigay ko yung 100 percent ko, yung best ko, para mapaganda yung soap.

“Siguro right projetcts lang, yung bagay na bagay sa akin."

DARING ROLES. Ang dream role daw ni Jeric ay yung katulad ng mga ginagawa ni Richard Gutierrez dati na Captain Barbel.

"Yung mga super heroes, Iron Man, Superman, yun talaga ang gusto ko. May fight scenes at nagliligtas ng mga naaapi.

“Kaya nga dini-develop ko po yung katawan ko, nagpa-practice din ako ng boxing.

“Gusto ko rin mag-mix martial arts para madagdagan ko yung knowledge ko sa pakikipaglaban," paliwanag nito.

Dahil sa pagpapaganda ng katawan nito, handa na rin daw ito na tumanggap ng daring role?

“Nung nag-guest nga ako sa Paraiso Ko’y Ikaw, binigyan ako ni Direk Joyce [Bernal] ng naka-topless na eksena.

“Doon napag-isipan ko na kailangan ko na talagang magpakita ng katawan, lalo na’t nagkakaedad na ako.

“Kaya kailangan na tumanggap ng medyo mature na role na.

“Hindi na ako bata, 21 na ako."

Sa pagtanggap ba ng mature role, kaya na ba nito ang magkaroon ng kissing scene with same sex sa mga indie film?

“Oo naman, kasi trabaho lang naman yun.

“Sabi ko nga, kung professional ka at gusto mo ang trabahong pinasok mo gagawin mo yun.

“Hindi mo naman kasi gagawin ang isang bagay na labag sa puso`t isipan mo, mas maganda na ginawa mo kasi gusto mo."

COSMO-READY. Handa na rin daw si Jeric na rumampa sa Cosmopolitan Bachelor Bash ngayong taon, kaya lang, "Siguro hanggang trunks lang ang kaya ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kailangan daw muna niyang makita kung maganda na ang katawan niya at depende rin kung papayagan siya ng GMA Artist Center.

Pahiwatig niya, “Basta abangan na lang nila, kasi yun din ang magiging transition ko bilang teen actor na kaya nang gumawa ng mga mature roles.

“Gusto ko rin kasi makita ng mga tao na hindi na ako katulad ng Jeric noon na mataba.

"Gusto ko na makita nila na ’eto na si Jeric, maganda ang katawan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN