Vice Ganda on latest rape charge vs. Vhong Navarro: "Meron akong bitbit na katotohanan..."

Vice Ganda relates that Vhong Navarro was his guest at his concert at the Island Cove on the same night that Roxanne Cabañero alleged that Vhong raped her.


“Natatakot ako for him, natatakot ako for us dahil hindi namin alam kung hanggang saan aabot."

Ito ang pahayag ni Vice Ganda nang nakapanayan siya ng Buzz Ng Bayan kahapon, February 23, tungkol sa mga nangyayari ngayon kay Vhong Navarro.

Isa si Vice sa mga kasamahan ni Vhong sa noontime show na It’s Showtime at maituturing ring malapit na magkaibigan.

Aniya tungkol kay Vhong, "Nakakalungkot… nakakalungkot dahil kinailangan niyang pagdaanan ‘to.

"Kanina nga lang, ka-text ko siya, pinatawa ko na naman siya.

"Sabi ko, ’Ang tanda mo na, ang dami mo nang pinagdaanan… Ilang tumbling lang ‘yan, matatapos din, kaya huwag kang umarte-arte.’"

May pagkakataon din daw na kinukuwestiyon ni Vice ang sarili kung "ano ba ang puwede kong magawa para makabawas man lang."

Dagdag niya. "Pero ang sa akin, sana kahit papaano, makabawas [ang pagpapatawa] dun sa bigat na nararamdaman niya.”



ROXANNE CABAÑERO. Hiningi rin ang reaksiyon ni Vice tungkol sa paglantad ng isang Roxanne Cabañero at paghahain din nito ng reklamong rape laban kay Vhong.

Read: Roxanne Cabañero stands by rape allegation against Vhong Navarro despite claims that he was in Cavite on "April 24, 2010"

Saad ni Vice, “Ang concern ko ay si Vhong bilang siya ang malapit sa akin.

"Meron akong alam sa puso ko na maaaring makatulong sa kanya.

"Meron akong bitbit na katotohanan, at yun lang ang sasabihin ko dahil maaari yun na makatulong sa kaibigan ko.

"At maaaring magbigay kaliwanagan sa lahat ng iniisip ng mga tao.”

Ayon kasi sa sinumpaang salaysay ni Roxanne sa reklamo niya laban kay Vhong, noong "April 24, 2010" naganap ang panghahalay diumano sa kanya ng aktor.

Ito ang araw kung kailan nag-guest ang mga kandidata ng Miss Bikini Philippines, kabilang si Roxanne, sa It’s Showtime.

Iyon din ang unang pagkikita at pagkakakilala nina Vhong at Roxanne.

Pagkatapos daw ng show ay kinuha ni Vhong ang number ni Roxanne, at kinontak upang magkita sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pumayag daw si Roxanne, ngunit hindi niya raw inasahan na lalapastangin siya ng aktor.

Ngunit ayon kay Vice, noong gabi ng April 24, 2010 ay magkasama sila sa Island Cove Resort sa Cavite.

Mayroong concert doon si Vice at isa sa mga guest niya si Vhong.

Ano ang naalala niya noong April 24, 2010?

Saad ni Vice, “Noon pong panahon na nagpunta sila dun [It’s Showtime] para maging audience at mag-promote ng pageant nila... hindi ko na po yun naaalala.

“Noong nabanggit ang date, April 24, 2010, parang date ng concert ko... ipinaalala rin sa akin ng ibang tao.

"Concert ko po yun at guest ko po si Kean Cipriano at Vhong Navarro.

“Sa Cavite po ang leg ng concert ko nun, sa Island Cove.

"Sa mga concerts ko, nakalagay sa mga posters, sa mga tickets, 8 o’clock, pero hindi naman ako nakakapagsimula palagi on time.

“Sigurado po ako na hindi 8 o’clock nagsimula ang concert, pinakamaaga na ang 9 o’clock o 9:30.

"E, mahaba po akong mag-concert... Usually po, tatlong oras talaga, pahaba pa.

"So, kung nagsisimula po ako ng alas-nuwebe, matatapos alas-dose o minsan, higit pa kung napapasarap.

"At si Vhong Navarro, siya ang last guest ko.

"Siyempre, siya ang pinakamalaking pangalan, siya ang pinakasikat kaya siya ang last guest.

“Ang ginagawa niya palagi, meron siyang medley of dance, yung evolution of dance, yun ang ginagawa niya palagi.

"Mahaba yung number na yun, mga ten o fifteen minutes.

"Bukod doon, may interaction pa siya sa audience at may banter kaming dalawa.

“At kasama ko siya sa finale number.

“Kasi, natatandaan ko, kaputukan po ng Showtime noon at ang finale number ko, kumakanta ako ng Showtime theme song.

"Kasi sumasabay ang tao at kasabay ko si Vhong na gumagawa ng finale number.

"Hanggang sa matapos na dire-diretso ang programa, kasama ko si Vhong Navarro."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN