Judy Ann Santos wants to get pregnant this year; talks about going out on dates with Ryan Agoncillo

Judy Ann Santos admits that she and husband Ryan Agoncillo are not immune to relationship troubles. But they manage to keep their marriage strong by not taking their problems too seriously.

"Pinag-uusapan nga namin, basically tumatanda lang kami, pero walang nababago sa ginagawa namin, may nadadagdag lang. Gumigimik kami, nanonood kami ng sine, lumalabas kami ng mga anak namin. Feeling lang nung mga tao, may effort. Pero feeling ko, when you put so much effort


Gustung-gusto ni Judy Ann Santos na masundan na ang bunsong anak nila ni Ryan Agoncillo na si Lucho ngayong taon, kaya napagdesisyunan niyang huwag munang tumanggap ng mga proyektong kakain ng oras para sa kanyang pamilya.

Ayaw niyang sumabak sa trabaho at pagkatapos ay aatras din sa huli kapag biglaan siyang nabuntis at kinailangan ng mas matagal na pahinga.

Pahayag ni Judy Ann, “Ayoko mag-commit na I can do this for six months or for a year, because my main priority now is to get pregnant.

"Ayoko magbigay ng false hopes sa mga crew na mga kasama ko.

"I don’t want people to think that I am being selfish when it comes to work.

"I try to be honest to everybody na priority right now is to get pregnant.

“So, kung may project, if you can wait, I will do the project after giving birth.”

Ang anak nina Judy Ann at Ryan na si Lucho ay tatlong taong gulang na, habang ang adopted daughter nilang si Yohan ay nine years old naman.

Ganunpaman, iniiwasan ni Judy Ann na makaramdam ng pressure dahil sa kagustuhan niyang mabuntis muli.

Kaya tuloy pa rin siya sa paggawa ng normal niyang gawain, ’tulad ng paghu-host ng weekly game show na Bet On Your Baby at advance taping para sa I Do Village.

“Oo, naman. Wala namang nahihinto.

"Ayoko siya isipin na 35 years old na ako, baka hindi na ako magka-baby.

"I try to relax. If it happens, it will happen.

“For now, siguro gusto rin ni God na medyo relaxed lang yung schedule ko, so we can give priority to the family and having a baby,” saad ng actress-host.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at dalawa pang entertainment reporters si Judy Ann sa launch ng Vanquish, ang pinakabagong non-invasive body contour treatment ng Aivee-Aguilar Teo medical clinic, ngayong araw, February 24.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

DEVOTED WIFE. Paggising niya sa umaga, may panahon pa raw si Judy Ann na maghanda ng baon ni Ryan sa trabaho, makipaglaro kay Lucho, at makapag-workout.

Base sa Instagram posts ni Judy Ann ay madalas din silang nakakapamasyal ni Ryan at ng dalawa nilang anak.

Patuloy na kuwento ni Judy Ann, “Pinag-uusapan nga namin, basically tumatanda lang kami, pero walang nababago sa ginagawa namin, may nadadagdag lang.

“Gumigimik kami, nanonood kami ng sine, lumalabas kami ng mga anak namin. Feeling lang nung mga tao, may effort.

“Pero feeling ko, when you put so much effort in it, dun mas nawawala yung love, kasi napipilitan ka na lang.

“When you love what you’re doing, parang wala lang.”

Bunsod nito, nabanggit ng PEP na bagay siyang maging host ng I Do Village, isang reality show ng ABS-CBN para sa mga magkarelasyong may balak magpakasal.

Ito ay sa kadahilanang maituturing na masaya at matagumpay ang buhay-pamilya nina Judy Ann at Ryan.

“May pressure sa na part yun, ha!” natatawang komento ng actress-host.

Ngunit agad niyang nilinaw na tulad ng ordinaryong mag-asawa ay marami rin silang pinagdadaanang pagsubok ni Ryan.

Paliwanag ng aktres, “I always say na baka naman isipin ng tao, sobrang perpekto ng pamilya namin ni Ryan, hindi naman.

“Nagagawan lang namin ng paraan na hindi kami magsalita when it comes to personal problems, especially with the family.

“Kasi para sa amin, it’s a personal thing na hindi na dapat ilabas.

"Kasi, kami naman ang involved dito, hindi naman ibang tao."

Paano nila napapanatiling masaya ang kanilang relasyon at hanggang ngayon ay sweet pa rin sila ni Ryan sa isa’t isa?

Sagot ni Judy Ann, “Siguro bata pa rin naman kasi kami ni Ry. We still love playing together, we love outdoors.

“Siguro hindi lang kami masyadong seryoso when we deal with problems. Kasi nga, parang sa amin, mangyayari naman ‘yan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“If it happens, maybe it’s because we needed to learn from this problem. We take it a day at a time.”

UPCOMING REALITY SHOW. Sa huli, nabanggit ni Judy Ann na nakatakdang umere ang I Do Village bandang Agosto ngayong taon.

Bagamat napatunayan na niya ang galing niya sa paghu-host ng reality shows, medyo kinakabahan daw siya kung paano tatanggapin ng mga manonood ang pagiging hurado niya sa naturang show.

“Yung [Pinoy] Master Chef kasi, it’s a show I love watching.

"Yung Bet On Your Baby, it’s a show that I love doing with kids.

“Ang I Do Village, wala kang maikukumparang show kasi hindi naman siya ginaya sa kahit ano’ng bansa. It’s an original concept.”

Ngayon pa lang ay hinahanda na rin daw ni Judy Ann ang kanyang sarili kung sakaling kuwestyunin ang pagiging hurado niya.

“Kasi council ako, e. Isa ako sa mga nagde-decide who will go out.

"Natatakot ako na people might think na, ’Sino ka ba para magsalita ng ganyan? Sino ka ba para magbigay ng advice, e, you’re just married for five years?’

“People can be rude at times.

"I don’t want people to think na masyado ako nagmamarunong pagdating sa pagpapakasal.

“Nandun yung kaba, but I’m willing to face that challenge,” pagtatapos niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN