Marian Rivera turns over 100 boats to residents of Bantayan Island

Kakaibang kasiyahan daw ang naramdaman ni Marian Rivera nang maipamahagi na nila ang 100 bangka sa ilang pamilya sa Balesin Island, Cebu. Saad ng aktres, “Nakakatuwa, kasi yung mga families doon, naiiyak sila sa sobrang pasasalamat. At hindi biro yung kinikita nila sa pangingisda at ikinabubuhay naman ng pamilya nila. At least, kahit paano, hindi man kalakihan na malaking-malaki, at least, de-motor yung bangka.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera sa regional show ng Carmela: Ang Pinakamagandang Babae Sa Mundong Ibabaw sa SM Baguio noong Sabado, February 22.

Pero bago ito ay sinamahan muna ni Marian ang boyfriend niyang si Dingdong Dantes sa outreach program ng Kapuso Foundation at Yes Pinoy Foundation sa Loakan Elementary School, sa Baguio pa rin, kunsaan namahagi sila ng school supplies sa mga mag-aaral doon.

Ayon kay Marian, hindi iyon ang unang pagkakataon na sinamahan niya si Dingdong sa pamamahagi ng school supplies sa mga kabataan.

Saad ng aktres, “Actually, sinabi niya ‘yan sa akin na every time na magri-regional siya, ang target niya ay makapunta sa mga schools para mai-extend ang tulong ng Yes Pinoy Foundation.

“Nagkataon na pareho kaming nasa Baguio kaya ang sabi ko, sige, sasamahan ko siya.”

Ang Yes Pinoy Foundation ay ang foundation na pinamumunuan ni Dingdong.

Bukod sa pamamahagi ng school supplies ay inaliw rin nina Marian at Dingdong ang mga bata sa pamamagitan ng pagkanta ni Marian at pagtugtog ng cajun ni Dingdong.

Kuwento ni Marian, “Hindi, kasi sabi ko, ‘Naku, kailangan yata kantahan natin ang mga bata. Tutal, marunong kang magganun [cajun], ako kakanta.’

“Sabi niya, ‘Sigurado ka?’

“’Oo! Bakit, wala kang tiwala sa akin?’

“Sabi niya, ‘Sige, sige!’

“’Tapos, akala ko, joke lang, yun pala, tinotoo niya na kakanta.

“Hindi ko naman ie-expect na gagawin pala niya.”



ADOPT-A-BANGKA. Si Marian naman ay may sarili ring outreach program na pinagkakaabalahan—ang Adopt-A-Bangka.

Sa katunayan, naipamahagi na niya ang ipinangakong mga bangka sa mga taga-Bantayan Island, sa Cebu, na labis ding napinsala noong super typhoon Yolanda.

Masayang kuwento ni Marian, “Nai-turnover na namin sa 100 families.

“Nagkatotoo ang pagkadilang-anghel ko na sana, sa first wave namin, makapagbigay ako ng 100 na bangka na equivalent sa 100 families.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagawa ko nga at may second wave pa kami.”

Target daw ni Marian na sa birthday niya sa August ang ikalawang pagte-turnover naman nila ng mga bangka.

Ano ang pakiramdam nang nai-turnover na niya ang ipinangakong 100 na bangka?

Saad ni Marian, “Nakakatuwa, kasi yung mga families doon, naiiyak sila sa sobrang pasasalamat.

“At hindi biro yung kinikita nila sa pangingisda at ikinabubuhay naman ng pamilya nila.

“At least, kahit paano, hindi man kalakihan na malaking-malaki, at least, de-motor yung bangka.”

Sobra-sobra nga raw ang pasasalamat ng 100 pamilya na ito kay Marian.

“Sobrang thankful sila, kasi ang layo rin ng biniyahe ko.

“Pero sabi ko nga, worth it naman ang effort ng pagpunta ko sa kanila at saka iba yung feeling na unti-unting naglalaot sila, nakikita ko.

“Sabi ko nga, ‘Ay, totoo ba ‘to?’

“’Tapos, noong naibigay na namin, unti-unti silang naglalaot paalis.”

Dagdag pa ng Kapuso Primetime Queen, “Masaya, kasi alam mong nakatulong ka.

“Pinu-post namin sa Instagram at website, hindi lang dahil sinasabi naming nakatulong kami kung hindi para ma-encourage pa ang iba na kung gustong tumulong, maaari pa silang tumulong.”

May target pa ba silang ibang lugar pagkatapos ng Bantayan Island?

“Meron, marami pa, at sana gradual ito,” nakangiti niyang sabi.



VALENTINE’S DAY. Kinamusta rin ng PEP kay Marian ang naging pagdiriwang nila ng Valentine’s Day ng boyfriend niyang si Dingdong Dantes.

Sa Balesin Island, Quezon sila nagpunta kasama ang ilan sa mga kaibigan, ‘tulad ng magkasintahan ding sina Carlo Gonzalez at Luane Dy.

Read: Dingdong Dantes and Marian Rivera celebrate Valentine’s in Balesin Island

Sabi ni Marian, “Well, isa sa pinaka… ganoon naman kami ni Dong, sa bawat travel naming dalawa, palaging may mga kakaibang experience kaming nararanasan.”

Kapag may espesyal na okasyon ba ay pinaglalaanan talaga nila ng oras at pumupunta sila sa malalayong lugar?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng aktres, “Katulad ng sabi niya, nagkataon lang siguro na may mga lugar kaming pinupuntahan.

"Pero mismong sa bibig niya nanggaling na kahit diyan lang kami sa tabi-tabi o kung saan man diyan, puwede, basta magkasama kami.”

Pareho ba silang sweet ni Dingdong?

“Well, sa pagkakataon na nasa Balesin kami pareho, mukhang pantay kaming dalawa!” natawang sabi ni Marian.

Paanong pantay?

“Kasi, the last time, marami kaming pakulo. Yung tipong siya ang nangsu-surprise o kaya ako.

“E, this time, pareho kaming nang-surprise sa isa’t isa.”

Pero ayaw nang ikuwento pa ni Marian kung ano ang ginawa niyang panonopresa kay Dingdong.

Sabi pa niya, “Minsan naman, wala naman sa gift. Pero mararamdaman mo ang pagka-sincere niya, yung love niya, the way siya kung paano...

“So, para sa akin, yun din ang pinakamahalaga sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN