Aljur Abrenica on stronger relationship with Kylie Padilla: "Yung mga pagkakamali namin, itinatama namin."

Aljur Abrenica on going to Australia with Kylie Padilla for a vacation: “Niyaya na niya ako, matagal na. I’m looking forward na makasama sa kanya pagpunta doon sa mga darating na panahon. Pero na-meet ko na naman ang buong family niya.”


Hindi man natuloy ang plano ni Aljur Abrenica na road trip nila ng girlfriend na si Kylie Padilla noong Valentine’s Day, nai-celebrate pa rin daw nila ito in a very special way.

“Mapapanood niyo naman sa YouTube, e,” nakangiting sabi ng Kapuso hunk nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Sunday All Stars noong Linggo, February 23.

Ang tinutukoy ni Aljur ay ang ipinost nilang video sa YouTube na may pamagat na “A Day in the Life of Kylie & Aljur.”

Nagpunta ang magkasintahan sa Tagaytay City Picnic Gove & Sky Ranch noong mismong Valentine’s Day, February 14.

Kapansin-pansin na mas nagiging open na silang dalawa tungkol sa kanilang relasyon. Na pati ilang private moments nila ay naisi-share na nila sa social media.

“Basta we’re happy!” nakangiting sambit ni Aljur nang hingan namin ng reaksiyon.

Ayon pa sa aktor, pareho sila ni Kylie na ang hangad ay maging inspirasyon sa iba ang magandang takbo ng relasyon nila ngayon.

“Pero hindi naman kasi kaagad-agad e magiging parang perfect na talaga kami as a couple, e. Unti-unti ‘yon,” sabi rin niya.

Nauuso lately ang proposals sa mga showbiz couple. Sila kaya ni Kylie?

Sagot ni Aljur, “Darating kami diyan. May tamang panahon ‘yan, e.

“At kung kailan, walang makakapagsabi, e.”



ONSCREEN TANDEM. Si Kylie ay umaasang darating ang pagkakataon na magiging magkapareha sila ni Aljur sa isang teleserye.

Mayroon na nga raw sana dati ngunit hindi natuloy, at ikinadismaya umano ito ng young actress

Sa tingin ba ni Aljur ay malabo pa rin ang posibilidad ng pagtatambal nila?

Sagot niya, “Wala namang imposible, e.

“Depende na lang ‘yon sa… ini-entrust na lang namin iyon sa management.

“Kasi sila ang mas nakakaalam, nasa kanila ang desisyon.

“Pero looking forward ako. Willing ako.”

Pero kapag nagkapareha sila ni Kylie sa isang soap, hindi kaya maging daan ito para masalang na naman sa mga intriga ang tahimik na ngayong relasyon nila?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Aljur, “Nobody can tell naman, e.

“Wala naman talagang makakapagsabi kung ano ang meron sa future, e, ‘di ba?

“Minsan nga, may mga pini-predict tayo, pero mali pala. Diyos lang ang nakakaalam.

“Ako, kung anuman ang mangyari… basta diretso lang ako. Diretso lang kami.

“Na yung pananampalataya namin, malalim.”

Dagdag niya, “’Tapos bilang tao, mas ini-improve pa namin yung sarili namin.

“Yung mga pagkakamali namin, itinatama namin. Sinisikap mong gawin ang lahat ng bagay nang tama.

“Kumbaga, you can never go wrong if you commit yourself to the Lord.

“Dahil ang pinakaimportante, maka-establish ka ng magandang relasyon sa Panginoon.

“At ang kailangan lang naman, i-surrender mo lahat kay Lord. And, isinurender ko na sa Kanya lahat, e.”



KAMBAL SIRENA. Samantala, magsisimula nang mag-taping si Aljur para sa bagong fantasy series ng GMA na Kambal Sirena.

Siya ang leading man dito ni Louise delos Reyes.

Sabi ni Aljur, “Actually, bago ako sumabak sa taping, naka-schedule ako sa Subic for two days para mag-aral kung paano mag-train ng dolphins.

“At exciting for me yung character ko bilang trainor ng dolphins. Kakaiba talaga kumpara sa mga roles na nagampanan ko dati.

“I’m just thankful sa GMA para sa opportunity na ito dahil mai-experience ko na lumangoy na kasama ang ilang sea creatures.”

Demanding ang nasabing role niya, na kinakailangan pa niyang sumailalim sa diving lessons at pati nga sa pagti-training ng dolphins.

Ngunit ayon kay Aljur, “Okey lang naman sa akin ‘yon. Mas nai-excite ako, e.

“Kasi first time ‘to, e. First time itong mangyari sa buhay ko na makihalubilo sa mga sea creatures.

“Na, hindi lang sa mga dolphins, meron pang ibang mga klase ng lamang-dagat na makakasama ko.”

Malamang ay may gawin din daw siyang pelikula with Alden Richards, ang Cain at Abel.

“Pero hindi pa sure, pinag-uusapan pa ang tungkol dito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana matuloy,” asam niya.



SUMMER PLANS. Palapit na ang summer, may plano na ba sila ni Kylie?

Sabi ni Aljur, “May Kambal Sirena, e, doon ako naka-focus.

“And itong summer, uuwi sa Australia si Kylie.”

Hindi pa ba siya niyaya ni Kylie na magpunta sa Australia?

“Niyaya na niya ako, matagal na.

“I’m looking forward na makasama sa kanya pagpunta doon sa mga darating na panahon.

“Pero na-meet ko na naman ang buong family niya,” pagtukoy ni Aljur sa mga kapatid ni Kylie at ina nitong si Liezl Sicangco.

Dagdag pa niya, “Na-meet ko sila nang pumunta sila dito sa Pilipinas. And, okey naman sila.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN