Ynna Asistio "super hurt" by ex-boyfriend Mark Herras’s infidelity

Kung bibilangin ang mga buwan, nabuo raw ang anak ni Mark Herras habang sila pa ng ex-girlfriend na si Ynna Asistio. Pero, kahit daw na nakaramdam si Ynna ng matinding sakit ng kalooban, ipinagdasal na lang daw niya ang dating nobyo.


Nitong Valentine’s Day (February 14, 2014) lang daw nalaman ni Ynna Asistio ang tungkol sa pagkakaroon ng anak ng ex-boyfriend na si Mark Herras.

Kahit na hiwalay na ang dalawa kalagitnaan ng taong 2013, patuloy pa rin daw silang lumalabas-labas bilang magkaibigan.

Kuwento pa ng Kapamilya actress through text messaging sa showbiz reporter ng TV5 na si MJ Marfori—na lumabas sa InterAksyon kahapon, February 24—ang huli daw nilang labas ay nitong dalawang linggo lang ang nakaraan.

Aniya, “Had no idea. Nung Feb. 14 ko lang nalaman.

"Na-shock ako kasi July kami naghiwalay then we were hanging out pa din when we broke up. Hanggang Feb. 12 nakasama pa namin siya.”

Matatandaang last Sunday, February 23, umamin sa live episode ng programang Startalk ng GMA si Mark na isa na siyang binatang ama.

Pinangalanan daw nilang "Ada" ang tatlong buwang anak na babae. Hindi man pinangalanan, tinukoy naman nitong ang ina ng kanyang anak ay isang senior handler daw ng GMA Artists Center.

Read: Mark Herras admits fathering baby girl: “Pero ito lang ang masasabi ko, hindi ho kasalanan si Ada.”

OVERLAP? Limang taon ang itinagal ng relasyon nina Ynna at Mark. Hulyo ng 2013, naghiwalay ang dalawa pero hindi naging malinaw ang rason ng kanilang hiwalayan.

Ilang buwan din ang nakaraan, lumipat ng TV network si Ynna pero ipinagdiinan niyang hindi ang hiwalayan nila ni Mark ang dahilan ng kanilang breakup.

Read: Ynna Asistio insists breakup with Mark Herras not the reason for her transfer from GMA to ABS-CBN

Halos pitong buwan pa lang naghiwalay ang dalawa kaya lumalabas na nabuo ang baby ni Mark habang sila pa ni Ynna.

Nakarating lang daw sa kanyang atensiyon ang tungkol dito nang malaman daw ito ng kanyang tiyahin mula sa isang empleyado ng dati niyang istasyon.

Sinegundahan naman ng ina nitong si Nadia Montengro ang tungkol sa dahilan kung paano nakarating sa kanila ang balitang may anak na nga si Mark.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Read: PEP EXCLUSIVE. Nadia Montenegro on Mark Herras’s revelation about being a single dad: "Everything happened nung sila pa ni Ynna."

HURT BY MARK’S DECEPTION. Bunsod nito, nakaramdam daw ng sama ng loob si Ynna sa hindi pagiging honest ni Mark.

Dagdag pa niyang kuwento sa News5, “Super hurt ako, as in sobra-sobra, ’di ko ma-explain yung feeling pero wala na ako magagawa ’andyan na yun.

"Sana happy siya and sana alagaan niya yung bata.

“’Di ko lang matanggap yung part na wala akong idea, wala akong alam [na] kami pa nung nabuntis.

"Halos isang taon naitago sa akin. Masakit, sobra, pero nagpi-pray na lang ako and I just have to accept it, ‘di ba?”

“GOD HAS A REASON…” Sa kanyang account naman sa photo-sharing website na Instagram (@officialynnaa), nag-post naman ang dalaga noong Sunday rin ng isang photo message tungkol sa mga nagsarang pintuan.

Ang caption niya dito ay, “God has a reason for allowing things to happen we may never understand God’s wisdom but we simply have 2 trust God’s will. God bless!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN