Dingdong Dantes to graduate from college this March

Malapit nang simulan ni Dingdong Dantes ang kanyang bagong primetime series sa GMA, kung saan makakapareha niya sina Maricel Soriano at Lovi Poe. Sabi ng aktor tungkol sa dalawa niyang leading ladies, "Sobrang excited kaming lahat. At alam mo yung nakita ko sa kanila ang level ng excitement ko, pantay-pantay kaming tatlo. Sobrang eager na kaming mag-umpisa dahil nakakaintriga talaga yung paksa noong aming soap."


Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) mula kay Dingdong Dantes na ga-graduate na pala siya sa kolehiyo sa darating na March 23.

Magtatapos siya ng kursong Techno Management sa West Negros University, sa Bacolod.

Ngunit bago ito ay nag-enrol siya noon sa Ateneo de Manila University, ngunit hindi niya natapos dahil sa sobrang hectic ng kanyang schedule sa showbiz.

Noong 2012 ay nag-enroll siya sa West Negros University upang tapusin ang kanyang pag-aaral.

Read: Dingdong Dantes enrolls in a Bacolod university; stresses importance of education

Ano ang pakiramdam na makakatapos na siya ng pag-aaral?

Sabi ni Dingdong sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre, finally, ang kursong pinaghirapan ko na matapos ko talaga ‘yan sa kabila ng lahat, e, natapos ko, nagawa ko.

“Alam mo, gusto ko siyang maging testimony na it’s not an excuse that your busy o mahirap ang ganyan.

"Kung gusto, maraming paraan, kung ayaw, maraming dahilan."

Dagdag niya, "Alam mo, kailangan ng tao talaga ang constant strive for learning.

"Kasi, maraming mga bagay na akala mo alam mo na, pero mas maganda palagi na, alam mo, knowing that it’s always half the battle at hindi dapat binabalewala ang edukasyon."

Tila halos lahat ng aspeto sa buhay ni Dingdong ay napagtatagumpayan niya—sa acting career niya, lovelife, advocacies, negosyo, at ngayon ay maging ang edukasyon.

Ngunit ayon sa Kapuso actor, “Hindi, hindi naman.

"Talagang kailangang gustuhin mo, you have to want it.

“Isipin mo, pumasok ako ng college, 1998, ano na ngayon... 2014.”

NEW SOAP. Bago pa man magsimula ang taping ng bagong primetime series ni Dingdong sa GMA, na may working title na Ang Dalawang Mrs. Real, ay nagkaroon na ng meeting sa pagitan nila ng kanyang dalawang leading ladies.

Ito ay sina Maricel Soriano at Lovi Poe.

Kuwento ni Dingdong, “Sobrang excited kaming lahat.

"At alam mo yung nakita ko sa kanila ang level ng excitement ko, pantay-pantay kaming tatlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobrang eager na kaming mag-umpisa dahil nakakaintriga talaga yung paksa noong aming soap."

TWO LEADING LADIES. Nilinaw naman ni Dingdong ang haka-haka na halos pareho raw ng storyline ang dating teleserye niyang Pahiram Ng Sandali at itong Ang Dalawang Mrs. Real.

“Malayo, malayung-malayo. That is very modern,” aniya.

Ito ang unang pagkakataong makakasama ni Dingdong si Maricel sa isang proyekto.

Sabi pa ng Kapuso actor tungkol sa Diamond Star, “Siyempre, nai-starstruck pa rin ako sa kanya hanggang ngayon.

"Dati, nami-meet ko lang siya, acquaintance.

"Pero ngayon talaga, kaharap ko siya, much more makakatrabaho ko.

"Alam mo, hindi maiiwasan na ma-starstruck talaga."

Sinasabi ni Maricel sa mga interview nito na nakausap niya si Marian Rivera, ang girlfriend ni Dingdong, at aprubadong-aprubado nito ang pagsasama nila.

Sabi naman ni Dingdong tungkol dito, “Hindi ko alam kung ano ang usap nila.

"Ang alam ko, close sila, pero no one needs approval naman para makatrabaho."

Samantala, si Lovi ay nakapareha na ni Dingdong sa pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles (2012).

“Sabi ko nga, natutuwa ako, magmula noong Tiktik, nabigyan kami ng pagkakataon ngayon to work sa TV naman,” pahayag ng aktor tungkol sa kaparehang aktres.

Kapansin-pansin naman na tila sensitibo ang maraming tagahanga ni Dingdong sa kung sino ang ipapareha sa kanilang idolo sa mga proyektong ginagawa nito.

Marahil ay dahil na rin sa masyadong identified si Dingdong sa kasintahan nitong si Marian.

Ano ang masasabi ni Dingdong dito?

Sagot niya, “Ako, I will always stick to the material.

"Para sa akin, we will do everything para ma-justify namin ang roles namin, para mapaganda namin kung ano ang ibinigay sa aming proyekto—at yun ang ultimate job namin as an actor.

"At ang importante, we become effective."

Mid-March daw ang simula ng taping nila para sa Ang Dalawang Misis Real.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN