Carla Abellana remains firm on "bahay muna bago kasal" condition for boyfriend Geoff Eigenmann

Kung sakaling magkatuluyan sila, handa raw tumulong si Carla Abellana sa mga gastusin sa kasal nila ni Geoff Eigenmann. Paliwanag ng Kapuso actress, "Oo naman, siyempre hindi naman basta-basta na sagot lahat ng lalaki ang kasal. Kasi may mga wishes ka rin, may mga visions ka rin for your own wedding. So, I think it’s just fair na magpi-pitch in din yung bride."


Itinanggi ni Carla Abellana na nagpaplano na ang kasintahan niyang si Geoff Eigenmann na bumili ng bahay para sa nalalapit nilang pagpapakasal.

Reaksiyon ni Carla, “Ang yaman naman ni Geoff kung kaya niyang mag-ipon this year at ng lahat-lahat?

Dagdag pa niya, “Parang hindi pa this year.”

Kailangan bang si Geoff lang ang mag-ipon, hindi ba puwede silang dalawa?

Sagot ni Carla, “Hindi, nakapag-ipon na ako.

"Meron na akong na-set aside for my family, for myself."

Kung para sa kasal nila, willing bang maki-share sa gastos si Carla?

“Oo naman, siyempre hindi naman basta-basta na sagot lahat ng lalaki ang kasal.

"Kasi may mga wishes ka rin, may mga visions ka rin for your own wedding.

"So, I think it’s just fair na magpi-pitch in din yung bride."

HER SISTER’S WEDDING. Ang ama ni Carla na si Rey "PJ" Abellana ay nagsabi nang hindi pa siya pabor na magpakasal ang anak.

Tinanong naman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Carla kung ang kanyang ina na si Rea Reyes ay payag nang magpakasal siya.

Tugon ng aktres, “Alam niyang hindi pa ako ready, e. Parang hindi pa okey sa kanya.

"Saka yung sister ko, ikakasal this December.

“So, nandun pa kami sa planning stage ng wedding ng sister ko. That’s what we are all excited about.

“Sobrang excited ako dahil first wedding yun sa pamilya namin.

"So, kumbaga, lumalaki kami ng sister ko na may ini-imagine kami na meron kaming gusto.

“Nandun kami sa stage na nagtutulungan kami, binibigyan ko siya ng idea.

"Parang ang sarap ng feeling na we’re very happy and excited for my sister."

"BAHAY MUNA BAGO KASAL." Pinaninindigan naman ni Carla ang naging pahayag niya sa aming interview noon na "bahay muna bago ang kasal."

Read: Carla Abellana reveals "no house, no wedding" agreement with Geoff Eigenmann

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Saad niya, “Kasi yun ang hindi nakuha ng lola ko [former actress Delia Razon] at ng mommy ko.

"So, ayoko pati ako mapunta doon sa ganung experience kung ano yung na-experience nila."

Hindi kaya ma-pressure nang husto si Geoff dahil dito?

Sagot naman ni Carla, “Dapat lang na ma-pressure siya.

"Gusto ko na meron akong pinanghahawakan.

"Ayoko naman na titira kami sa kung saan-saan. Ayokong nagri-rent.

"Kasi ako, may bahay na naibili ko for my family.

“It would be nice na kami, as a couple, meron kaming ganun.”

Hindi rin daw pabor si Carla sa live-in relationship.

“Ayoko ng ganun. Ano pa rin ako, traditional, kung ano yung itinuro sa akin ng mommy ko.”

NO PROFESSIONAL RIVALRY. Sabi pa ni Carla, wala silang professional rivalry ni Geoff.

Pero aminado siyang nagkakaroon sila ng problema sa oras para sa isa’t isa.

“Sa time, may tampuhan minsan, lalo na kapag naging sobrang busy na yung isa sa amin.

"Pero alam naman namin na ang schedule is beyond our control na rin ’yan, depende na rin ’yan sa amount of work.

“Hindi mo maiiwasan na mami-miss mo yung tao, mahi-hurt ka. Gusto mo may time rin siya for you.

“May mga ganun, pero you completely understand na it’s because of work.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN